Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Masayang Pamumuhay

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Panahon

    Ang panahon natin ay sa Diyos. Bawa't sandali ay sa Kanya, at tayo'y nasa ilalim ng pinakasolemneng tungkulin na ito'y pabutihin o paunlarin para sa Kanyang ikaluluwalhati. Sa lahat ng mga talentong ibinigay Niya sa atin ay sa talentong ukol sa panahon natin gagawa Siya nang higit na mahigpit na pagsusulit.MP 361.1

    Ang halaga ng panahon ay hindi matataya. Bawa't sandali ay itinuturing ni Kristo na mahalaga, at ganito rin ang dapat nating gawing pagtuturing dito. Ang buhay ay napakaikli upang aksayahin. Mayroon lamang tayong ilang araw na palugit na ipaghahanda para sa walanghanggan. Walang panahong dapat nating ilaan sa sariling kalayawan, walang panahong dapat nating iukol sa pagpapairog sa kasalanan. Ngayon tayo dapat maghugis ng mga likas para sa hinaharap na buhay na walangkamatayan. Ngayon tayo dapat maghanda para sa nananaliksik na Paghuhukom.MP 361.2

    Ang sambahayan ng mga tao ay bahagya pa lamang halos nagpapasimulang mabuhay ay nagpapasimula na rin silang mamatay, at ang walang-tigil na paggawa ng sanlibutan ay nagwawakas sa kawalan malibang may natatamong tunay na pagkakilala tungkol sa walanghanggang buhay. Ang taong nagpapahalaga sa panahon bilang siya niyang araw ng paggawa ay magpapaginda- pat sa kanya para sa isang mansiyon at para sa isang buhay na walang-kamatayan. Mabuti ngang siya'y ipinanganak.MP 361.3

    Tayo'y pinapayuhang tumubos ng panahon. Subali't ang panahong sinayang ay hinding-hindi na mababawi pa. Hindi natin maibabalik kahit ang isang sandali. Ang tanging paraan upang matubos natin ang ating panahon ay gumawa tayo ng pinakamarami sa panahong nalalabi, at tayo'y maging mga kamanggagawa ng Diyos sa Kanyang dakilang panukala ng pagtubos.MP 363.1

    Sa kanya na gumagawa nito, ay nagaganap ang isang pagbabago ng likas. Siya'y nagiging isang anak ng Diyos, isang kaanib ng sambahayan ng hari, isang anak ng Hari sa langit. Siya'y karapat-dapat na maging kasama ng mga anghel.MP 363.2

    Ngayon ang ating panahon upang gumawa sa ikaliligtas ng ating mga kapwa-tao. May ilang nag-aakala na kung sila'y nagbibigay ng salapi sa gawain ni Kristo, ay iyon na lamang ang dapat nilang gawin; ang mahalagang panahong dapat sana'y gugulin nila sa personal na paglilingkod sa Kanya ay lumilipas nang di-napauunlad. Nguni't karapatan at tungkulin ng lahat na may kalusugan at kalakasan ng pangangatawan na magbigay ng masiglang paglilingkod sa Diyos. Lahat ay dapat gumawa sa paghikayat ng mga kaluluwa kay Kristo. Ang mga pagbibigay ng salapi ay hindi maipapalit dito.MP 363.3

    Bawa't sandali ay puno ng walang-hanggang mga kahalagahan. Dapat tayong tumayong gaya ng mga taong makatutugon agad, na handang maglingkod sa sandaling patalastasan. Ang pagkakataon natin ngayong magsalita sa ilang nangangailangang kaluluwa ng salita ng buhay ay maaaring hindi na kailanman mapasaating muli. Maaaring sabihin ng Diyos sa isang yaon, “Hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa,“1Lu. 12:20. at dahil sa ating kapabayaan ay maaaring hindi siya handa. Sa da- kilang araw ng Paghuhukom ay paano tayo magbibigaysulit sa Diyos?MP 363.4

    Ang buhay ay napakasolemne upang lubos na ibuhos sa mga bagay na lumilipas at panlupa, at sa nakapapagod na pag-aalaala at pagkabalisa sa mga bagay-bagay na kakatiting lamang kung ihahambing sa mga bagay na may walang-hanggang kapakinabangan. Gayunma'y tinatawagan tayo ng Diyos upang maglingkod sa Kanya sa mga lumilipas na bagay ng buhay na ito. Ang pagsisikap sa gawaing ito ay isa ring malaking bahagi ng tunay na relihiyon na gaya ng debosyon o katapatan. Hindi sinasang-ayunan ng Biblia ang katamaran. Ito ang pinakamalaking sumpa na nagpapahirap sa ating sanlibutan. Bawa't lalaki at babaing tunay na nahikayat ay magiging isang masikap na manggagawa.MP 364.1

    Nakabatay sa tamang paggamit at pagpapaunlad ng ating panahon ang ikapagtatagumpay natin sa pagtatamo ng kaalaman at kalinangang pangkaisipan. Ang paglinang sa isip ay hindi dapat mahadlangan ng karukhaan, ng abang pinagmulan, o ng di-kanais-nais na mga kapaligiran. Kailangan lamang pagyamanin ang mga sandali. Ang ilang sandali rito at ilang sandali roon, na maaaring naaksaya sa walang-kabuluhang pagsasalita; ang mga oras sa umaga na kaydalas masayang sa higaan; ang panahong ginugol sa pagkakasakay sa mga trambiya o tren, o sa paghihintay sa istasyon; ang mga sandali ng paghihintay sa hapag ng pagkain, paghihintay sa mga nahuli ng dating sa oras ng tipanan,—kung may iniingatan lamang na isang aklat, at ang mga hiwa-hiwalay ng oras na ito ay ginamit sa pag-aaral, sa pagbabasa, o sa maingat na pagbubulay-bulay, anong hindi maisasagawa. Kung ang mga tao lamang ay may matibay na layunin, may masigasig na kasipagan, at maingat sa pagtitipid ng panahon, ay makapagtatamo sila ng kaalaman at ng disiplina ng pag-iisip na magpapagindapat sa kanila sa halos anumang tungkuling may impluwensiya at kapaki-pakinabang.MP 364.2

    Tungkulin ng bawa't Kristiyano na pagsikapan niyang siya'y makapagtamo ng mga ugali ng kaayusan, kaganapan, at kaagapan. Walang dapat idahilan sa raabagal na uri ng paggawa o pagtatrabaho. Kung ang isang tao ay laging gumagawa, at hindi kailanman natatapos ang kanyang ginagawa, ay ito'y dahil sa hindi niya isinasaisip at hindi isinasapuso ang kanyang paggawa. Ang isang mabagal sa paggawa, at nalalamangan sa kanyang paggawa, ay dapat makadama na ito'y mga kamaliang dapat maiwasto. Kailangang sanayin niya ang kanyang isip sa pagpapanukala kung paano gagamitin ang panahon na makapagtatamo ng pinakamabuting bunga. Sa pamamagitan ng katalinuhan at pamamaraan, ay makatatapos ang ilan ng maraming gawain sa loob ng limang oras na ito'y matatapos naman ng iba sa loob ng sampung oras. May mga gumagawa ng gawaing bahay na halos wala nang pahinga sa kagagawa, hindi dahil sa sila'y napakaraming dapat gawin, kundi dahil sa hindi sila nagpapanukala kung paano makapagtitipid ng panahon. Dahil sa kanilang mabagal na paraan ng paggawa ay pinalalaki nila ang maliit na gawain. Nguni't lahat ng may nais, ay maaaring makapanagumpay sa makupad at mabusising ugaling ito ng paggawa. Sa paggawa nila ay bayaang magkaroon sila ng isang tiyak na layunin. Tayahin kung ilang oras ang magugugol sa isang ibinigay na gawain, at pagkatapos ay gawin ang buong pagsisikap na matapus ang gawaing ito sa itinakdang panahon. Ang paggamit at pagsasanay sa kapangyarihan ng kalooban ay magpapabilis at magpapahusay sa mga kamay.MP 365.1

    Dahil sa kakulangan ng determinasyong maghanda sa sarili at magbago, ang mga tao ay nawawalan ng orihinalidad o ng kakanyahan sa maling paraan ng paggawa; o kaya'y sa pamamagitan ng paglinang sa kanilang mga kapangyarihan ay maaari silang makapagtamo ng kakayahang makagawa ng pinakamabuting paglilingkod. Kung magkagayo'y masusumpungan nilang sila'y kailangan saanmang lugar at sa lahat ng lugar. Sila'y pahahalagahan sa buong kahalagahan nila.MP 365.2

    Inaaksaya ng maraming mga bata at mga kabataan ang panahong dapat sana'y gugulin sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa tahanan, at sa gayo'y naipakikita sana ang maibiging pagtingin at pagmamalasakit sa kanilang ama at ina. Maisasabalikat ng mga malalakas na kabataan ang maraming tungkuling dapat gampanan ng isang tao.MP 367.1

    Buhat pa sa mga unang taon ng buhay ni Kristo ay naging masigasig na Siya sa paggawa. Hindi Siya nabuhay na nagbigay-lugod sa sarili. Siya ay Anak ng walang-hanggang Diyos, gayunma'y gumawa Siya sa gawaing pag-aaluwagi na kasama ng Kanyang amang si Jose. Ang gawain Niya ay makahulugan. Naparito Siya sa sanlibutan bilang tagapagtayo ng likas, at bilang gayon ay naging sakdal ang lahat Niyang gawa. Sa lahat ng Kanyang gawaing seglar ay naghatid Siya ng kasakdalang gaya ng mga likas na hinuhugis Niya sa pamamagitan ng Kanyang banal na kapangyarihan. Siya ang ating huwaran.MP 367.2

    Dapat ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang halaga ng wastong paggamit ng panahon. Ituro ninyo sa kanila na ang paggawa ng isang bagay na magpaparangal sa Diyos at magpapala sa sangkatauhan ay mahalagang pagsumikapan. Maging sa panahon ng kanilang kabataan ay maaari silang maging mga misyonero ng Diyos.MP 367.3

    Wala nang higit na malaking kasalanang magagawa ang mga magulang kundi ang pabayaang ang kanilang mga anak ay walang anumang ginagawa. Dahil dito'y agad natututuhang maibigan ng mga bata ang katamaran, at sila'y nagsisilalaking kulang sa pamamaraan at mga walang-kabuluhang mga lalaki at mga babae. Kapag sapat na ang kanilang gulang upang humanap ng kanilang ikabubuhay, at kapag nakasumpong na ng hanapbuhay, sila'y nagtatrabaho sa isang tamad at mapagwalang-bahalang paraan, nguni't umaasa sila ng bayad o upa na kasinlaki ng ibinabayad sa mga tapat magtrabaho. Kasinlaki ng sanlibutan ang pagkakaiba ng uring ito ng mga manggagawa at ng mga taong nakadarama na kailangan nilang sila'y maging mga tapat na katiwala.MP 367.4

    Ang mga ugaling katamaran at kawalang-ingat na ginagawa sa gawaing seglar, ay makikita sa kabuhayang ukol sa relihiyon, at hindi magpapagindapat sa isang tao na makagawa ng anumang mabisa at mabungang paglilingkod sa Diyos. Marami ang kung naging masikap lamang sa paggawa ay naging pagpapala sana sa sanlibutan, nguni't sila'y nangaghirap dahil sa katamaran. Ang kakulangan ng ginagawa at ng matibay na hangarin ay nagbubukas ng pinto sa sanlibong mga tukso. Dahil sa masasamang kasama at mga hamak na pag-uugali ay nagiging banday ang isip at kaluluwa, at ang ibinubunga ay kapahamakan sa buhay na ito at sa buhay na darating.MP 368.1

    Anuman ang gawaing ating ginagawa, ang itinuturo sa atin ng salita ng Diyos ay tayo'y “huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon.” “Anumang masusumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan,” “yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang ganting mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesukristo.”1Rom. 12:11; Ec. 9:10; Col. 3:24.MP 368.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents