Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Masayang Pamumuhay - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Inalis ang Talento

    Ang hatol na iginawad sa tamad na alipin ay, “Alisin nga ninyo sa kanya ang talento, at ibigay ninyo sa may sampung talento.” Dito, gaya ng gantimpala sa tapat na manggagawa, ay ipinahihiwatig, hindi lamang ang ganti sa huling Paghuhukom, kundi ang hakbanghakbang na paraan ng pagbibigay ng kagantihan sa buhay na ito. Kung paano sa natural na sanlibutan, ay gayundin sa espirituwal na sanlibutan: bawa't kakayahang di-ginamit ay hihina at mabubulok o masisira. Paggawa ang siyang batas ng buhay; ang katamaran ay kamatayan. “Sa bawa't tao ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu upang pakinabangan naman.”11 Cor. 12:7 Kapag ang mga kaloob sa kanya ay ginagamit sa pagpapala sa mga iba, ay dumarami ito. Kapag ito'y ginamit lamang para sa sarili, ay ito'y nawawala, at sa wakas ay binabawi. Ang tumatangging magbigay ng bagay na kanyang tinanggap, sa huli ay walang maibibigay na anuman. Siya'y sumasang-ayon sa paraang tiyak na nagpapahina at sa wakas ay sumisira ng mga kakayahan ng kaluluwa.MP 391.1

    Huwag akalain ninuman na sila'y makapamumuhay ng isang kabuhayang makasarili, at pagkatapos, pagkapaglingkod nila para sa kanilang sariling mga kapakinabangan, ay sila'y makapapasok sa kagalakan ng kanilang Panginoon. Sa kagalakan ng di-makasariling pag-ibig ay hindi sila maaaring makibahagi. Hindi sila magiging karapat-dapat sa mga korte sa langit. Hindi nila mapahahalagahan ang dalisay na simoy ng pag-ibig na namamayani sa langit. Hindi makasisiya sa kanila ang mga tinig ng mga anghel at ang tugtugin ng kanilang mga alpa. Sa kanilang mga isip ay magiging parang isang palaisipan o isang hiwaga ang siyensiya ng langit.MP 391.2

    Sa dakilang araw ng Paghuhukom ang mga hindi gumawa para kay Kristo, yaong mga sumunod nang walang ginawang pagsisikap o paggawa, na ang iniisip at binibigyang-kasiyahan ay ang kanilang mga sarili, ay isasama ng Hukom ng buong lupa sa mga nagsigawa ng kasamaan. Tatanggap sila ng iisang hatol.MP 392.1

    Kinaliligtaan ng maraming nagpapanggap na Kristiyano ang mga hinihingi ng Diyos, at gayunpama'y wala silang nararamdamang anumang kamalian sa ginagawa nilang ito. Batid nilang ang mamumusong, ang mamamatay-tao, at ang mangangalunya, ay nararapat sa kaparusahan; nguni't sa ganang kanila, kinasisiyahan nila ang mga serbisyo ng relihiyon. Ibig nilang mapakinggang ipinangangaral ang ebanghelyo, at dahil dito ang akala nila'y mga Kristiyano sila. Bagama't ginugol nila ang kanilang buhay sa pag-aasikaso sa kanilang mga sarili, ay magugulat din silang gaya ng di-tapat na alipin sa talinhaga kapag napakinggan nila ang hatol na, “Alisin ninyo sa kanya ang talento.” Katulad ng mga Hudyo, ang pagtatamasa nila ng mga pagpapala ay ipinagkakamali nila sa dapat nilang gawing paggamit sa mga ito.MP 392.2

    Ang dinadahilan ng marami sa di nila paggawang Kristiyano ay ang kawalan nila ng kakayahang gumawa. Subali't ginawa ba kaya sila ng Diyos nang gayon na anupa't hindi sila makagagawa? Hindi, kailanma'y hindi. Itong kawalan nila ng kakayahan ay bunga ng hindi nila paggawa, at namalagi nang gayon dahil sa iyon ang talagang pinili nilang gawin. Sa kanilang mga likas ay nadarama na nila ang bunga ng hatol na, “Alisin ninyo sa kanya ang talento.” Ang patuloy nilang di-paggamit ng kanilang mga talento ay papatay para sa kanila sa Banal na Espiritu, na siyang tanging ilaw o liwanag. Ang hatol na, “Ang aliping walang-kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas,” ay naglalagay ng tatak ng Langit sa pagpiling sila na rin ang gumawa para sa walang-hanggan.MP 392.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents