Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Masayang Pamumuhay - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapitulo 5—Mula sa Pinakamaliit na Binhi

    SA MALAKING pulutong ng mga tao na nakinig sa pangangaral ni Kristo ay marami roong mga Pariseo. May paghamak na pinansin ng mga ito kung gaano kakaunti sa Kanyang mga tagapakinig ang kumikilala sa Kanya bilang Mesiyas. At sila-sila'y nangagtanung-tanungan kung paano maitataas ng di-nagkukunwaring gurong ito ang Israel sa pansansinukob na pamumuno. Kung walang mga kayamanan, kapangyarihan, o karangalan, paano Niya itatatag ang bagong kaharian? Napagtanto ni Kristo ang kanilang mga iniisip at kaya nga sila'y Kanyang sinagot: —MP 68.1

    “Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Diyos? o sa anong talinhaga isasaysay natin ito?” Sa mga pamahalaan sa lupa ay walang magsisilbing kawangis nito. Walang lipunang sibil na nakapagbigay sa Kanya ng isang simbolo. “Ito'y tulad sa isang butil ng binhi ng mustasa,” wika Niya, “na, pagkahasik sa lupa, bagama't siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasalupa, gayunma'y pagkatanim, ay tumataas, at lumalaki nang higit kaysa lahat ng mga gulay, at nagsasanga nang malalabay; anupa't ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kanyang lilim.”1Mar. 4:28.MP 68.2

    Ang binhi sa buto ay tumutubo sa pamamagitan ng pamumukadkad ng pinagmumulan ng buhay na kaloob ng Diyos. Ang pagtubo nito ay hindi nakabatay sa kapangyarihan ng tao. Ganyan din sa kaharian ni Kristo. Iyon ay isang bagong nilalang. Ang mga simulain ng pagtubo niyon ay kasalungat ng sa mga nagpupuno sa mga kaharian ng sanlibutang ito. Ang mga pamahalaan sa lupa ay nagtatagumpay sa pamamagitan ng paggamit ng lakas; napananatili nila ang kanilang pagpupuno sa pamamagitan ng digmaan; nguni't ang tagapagtatag ng bagong kaharian ay ang Prinsipe ng Kapayapaan. Ang Banal na Espiritu ay kumakatawan sa mga kaharian ng sanlibutan na nasa ilalim ng sagisag na mababangis na hayup na manghuhuli; datapwa't si Kristo ay “ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.”1Juan 1:29. Sa Kanyang panukala ng pamamahala ay wala ang paggamit ng lakas na pipilit sa budhi. Hinintay ng mga Hudyo ang kaharian ng Diyos na matatag sa paraan ding katulad ng pagkakatatag ng mga kaharian ng sanlibutan. Upang maitaguyod ang katwiran ay humangga sila sa paggawa ng mga panlabas na hakbang. Nagbalak sila ng mga paraan at mga panukala. Subali't nagkintal si Kristo ng isang simulain. Sa pamamagitan ng pagkikintal ng katotohanan at katwiran, ay nasalansang Niya ang kamalian at kasalanan.MP 69.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents