Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Masayang Pamumuhay - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapitulo 8—Natatagong Kayamanan

    MULI, ang kaharian ng langit ay tulad sa kayamanang natatago sa bukid; na nang masumpungan ng isang tao, ay kanyang itinago, at sa kanyang kagalakan ay yumaon at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili ang bukid na yaon.”MP 93.1

    Noong panahong sinauna ay kinaugalian na ng mga tao na itago o ibaon sa lupa ang kanilang mga kayamanan. Madalas noon ang pandarambong at pagnanakaw. At kailanma't nagkakaroon ng pagbabago sa nagpupunong kapangyarihan, ay pinapatawan ng mabigat na buwis ang mga may malalaking tinatangkilik. Bukod dito, ang bansa ay lagi noong nasa panganib ng pananalakay ng mga hukbong mandarambong. Dahil sa pangyayaring ito, pinagsikapan ng mayayaman na ingatan ang kanilang kayamanan sa pamamagitan ng pagtatago niyon, at ang lupa ang nakita nilang ligtas na taguan. Subali't madalas na nalilimutan ang pook na pinagtataguan; ang may-ari maaaring namatay, maaari namang nahiwalay siya sa kanyang kayamanan dahil sa pagkakabilanggo o pagkakatapon, at ang kayamanang pinaghirapan niyang ingat-ingatan ay naiwan sa mapalad na nakakuha. Noong mga kaarawan ni Kristo ay hindi di-karaniwan na makatuklas sa napabayaang lupain ng matatandang salapi at mga palamuting ginto at pilak.MP 93.2

    Isang lalaki ang umupa ng lupa upang iyon ay linangin, at nang inaararo na ng mga baka ang lupa, ang nakabaong kayamanan ay nahukay. Sa pagkakatuklas ng lalaki sa kayamanang ito, ay nakita niyang isang kapalaran ang nasa kanyang mga kamay. Pagkasauli ng ginto sa taguan nito, siya'y nagbalik sa kanyang bahay at ipinagbili ang lahat ng tinatangkilik niya, upang bilhin ang bukid na kinaroroonan ng kayamanan. Ipinalagay ng kanyang pamilya at ng kanyang mga kapitbahay na siya'y kumikilos na gaya ng isang baliw. Sa kanilang pagtingin sa bukid, ay wala silang nakikitang anumang mahalaga sa napabayaang lupa. Gayunma'y nalalaman ng lalaki ang kanyang ginagawa; at nang mapasakanya na ang titulo ng bukid, ay sinaliksik niya ang lahat ng dako niyon upang hanapin ang kayamanang kanyang natagpuan.MP 94.1

    Inilalarawan, ng talinhagang ito ang kahalagahan ng kayamanang ukol sa langit, at ang pagsisikap na dapat gawin upang iyon ay makamtan. Ang nakakuha ng kayamanan ay naging handa na mahiwalay sa lahat ng kanyang tinatangkilik, naging handa na mag-ukol ng walangpagod na paggawa, upang matamo ang natatagong mga kayamanan. Kaya hindi ibibilang ng nakakuha ng kayamanang ukol sa langit na totoong malaki ang pagpapagal at totoong mahal ang pagpapakasakit, upang makamtan ang mga kayamanan ng katotohanan.MP 94.2

    Sa talinhaga ang bukid na kinaroroonan ng kayamanan ay kumakatawan sa Mga Banal na Kasulatan. At ang ebanghelyo ay siyang kayamanan. Ang lupa na rin ay hindi lubhang nakakalatan ng mga ginintuang ugat at puno ng mahahalagang bagay na gaya ng salita ng Diyos.MP 94.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents