Kabanata 18—Ang Pagpapagaling ng mga Tubig
Sa panahon ng mga patriarka ang Libis ng Jordan ay “pawang patubigan na magaling sa magkabi-kabila,...gaya ng halamanan ng Panginoon.” Sa magandang libis na ito pinili ni Lot na magtayo ng tahanan nang kanyang “inilipat ang kanyang tolda hanggang sa Sodoma.” Genesis 13:10, 12. Sa panahong ang mga siyudad ng kapatagan ay nawasak, ang lugar na ito ay natiwangwang, at mula noon ay naging bahagi ng kaparangan ng Judea.PH 191.1
Isang bahagi ng magandang libis ay nanatili, kasama ang mga nagbibigay buhay na mga bukal nito at daluyan ng tubig, upang magbigay kagalakan sa tao. Sa libis na ito, na sagana sa mga bukid ng butil at mga gubat ng palma at iba pang nagbubungang punong kahoy, ang mga hukbo ng Israel ay nagpahinga matapos tawirin ang Jordan at unang natikman ang mga prutas ng Lupang Pangako. Sa unahan nila ay naroroon ang mga pader ng Jerico, isang tanggulang pagano, ang sentro ng pagsamba kay Astoret, pinakamasama sa lahat ng porma ng pagsamba sa mga diyos ng Canaan. Di nagtagal ay giniba ang mga pader nito at ang mga mamamayan ay pinaslang, at sa panahon ng pagbagsak nito ay ibinigay ang solemneng deklarasyon, sa harapan ng buong Israel: “Sumpain ang lalaki sa harap ng Panginoon, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico: kanyang inilagay ang talagang-baon niyaon sa kamatayan ng kanyang panganay, at kanyang itatayo ang mga pintuang bayan niyaon sa kamatayan ng kanyang bunso.” Josue 6:26.PH 191.2
Limang daang taon ang lumipas. Ang dakong ito ay tiwangwang, sinumpa ng Dios. Kahit na ang mga bukal na dati’y nagbibigay pang-akit sa mga tao ay nakabahagi sa epekto ng sumpa. Datapuwat sa mga araw ng pagtalikod ni Ahab, na sa impluwensya ni Jezabel ay binuhay ang pagsamba kay Astoret, ang Jerico, ang likmuan ng dating pagsamba, ay muling itinayo, sa nakagugulat na halaga sa tagapagtayo. Si Hiel na taga Bethel “ay naglagay ng talagang-baon sa pagkamatay ni Abiram na kanyang panganay, at itinayo ang pintuang-bayan niyaon sa pagkamatay ng kanyang bunsong anak na si Segub, ayon sa salita ng Panginoon.” 1 Hari 16:34.PH 191.3
Hindi malayo sa Jerico, sa gitna ng mga mabungang pananim, ay naroon ang isa sa mga paaralan ng mga propeta, at matapos pumanhik sa langit si Elias, ay nagtungo roon si Eliseo. Sa panahon ng kanyang pagkawala ilan sa mga lalaki sa bayan ay lumapit sa propeta at nagsabi, “Tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya, gaya ng nakikita ng aking panginoon: ngunit ang tubig ay masama, at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga.” Ang bukal na sa nakaraang mga taon ay malinaw at nagbibigay-buhay, at nakatulong ng malaki sa pagbibigay ng tubig sa siyudad at sa palibot na distrito, ay ngayon ay hindi na maaring mainom.PH 192.1
Bilang tugon sa mga taga-Jerico, sabi ni Eliseo, “Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga, at sidlan ninyo ng asin.” At kanilang dinala sa kanya, at siya’y naparoon sa bukal ng tubig, at hinagisan niya ng asin, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Aking pinabuti ang tubig na ito; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga.” 2 Hari 2:19-21.PH 192.2
Ang pagpapagaling ng tubig ng Jerico ay naisakatuparan, hindi sa karunungan ng sinumang tao, kundi sa mahimalang gawa ng Dios. Silang nagtayo ng siyudad ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng pabor ng Langit; gayunman Siya na “pinasisikat ang kanyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap,” ay nakitang sa pagkakataong ito ay kailangang ihayag kahit na sa maliit na paraan ang Kanyang pagnanais na pagalingin ang Israel sa mga karamdamang espirituwal nito. Mateo 5:45.PH 192.3
Ang pagsasauli ay permanente; “bumuri ang tubig hanggang sa araw na ito, ayon sa salita ni Eliseo na kanyang sinalita.” 2 Hari 2:22. Sa paglakad ng mga panahon ang mga tubig ay patuloy na dumaloy, at ginagawang dako ng kagandahan ang bahaging yaon.PH 192.4
Marami ang mga liksyong espirituwal na makukuha sa pagpapagaling ng tubig. Ang bagong banga, ang asin, ang bukal—lahat ay may mga simbulo.PH 192.5
Sa paglalagay ng asin sa mapait na bukal, itinuro ni Eliseo ang katulad na liksyong espirituwal na sa daan-taong nakalipas ay itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga alagad nang sabihin Niyang, “Kayo ang asin ng lupa.” Mateo 5:13. Ang asing napahalo sa maruming tubig ay nagpadalisay sa tubig at naghatid ng buhay at pagpapala sa mga dakong dati ay may kamatayan. Nang ihambing ng Dios ang Kanyang mga anak sa asin, ay ituturo Niya sa kanila na ang adhikain ng pagiging tagatanggap ng biyaya ay upang sila naman ay maging ahensya ng pagliligtas sa iba. Ang obheto ng Dios sa pagpili ng isang bayan sa harapan ng buong mundo ay hindi lamang upang ampunin sila bilang kanyang mga anak na lalaki at mga babae, kundi upang sa pamamagitan nila ay matanggap ng sanlibutan ang biyayang nagtataglay ng kaligtasan. Nang piliin ng Dios si Abraham, hindi lang upang maging tanging kaibigan ng Dios, kundi upang maging paraan ng pagkakaloob ng Panginoon sa mga bansa ng mga natatanging karapatan.PH 192.6
Kailangan ng sanlibutan ang mga katibayan ng taimtim na pagka Knsriano. Ang lason ng kasalanan ay patuloy ng gumagawa sa puso ng lipunan. Ang mga siyudad at mga baryo ay nasa kasalanan at pagkasira. Ang mundo ay puno ng sakit, pagdurusa, at kasalanan. Sa malapit at malayo ay laganap ang mga kaluluwang mabigat ang pasan ng kahirapan at kapighatian, pagkadama ng pagkakasala at namamatay sa kawalan ng impluwensyang nagliligtas. Ang ebanghelyo ng katotohanan ay inihaharap lagi sa kanila, datapuwat sila ay namamatay sapagkat ang halimbawa nilang ang impluwensya ay dapat na may lasang kaligtasan ay may isang kamatayan. Ang kanilang mga kaluluwa ay umiinon ng kapaitan sapagkat ang tubig ay nalason, sa halip na ito ay maging bukal ng tubig na umaagos tungo sa walang hanggang buhay.PH 193.1
Ang asin ay dapat isama sa sangkap upang ito ay madagdag; kailangang ito ay sumanib, manuot, upang ang pinaghaluan ay hindi mabulok Gayon din sa personal na pakikipagtagpo at pakikisalamuha sa mga tao upang sila ay maabot ng nagliligtas na kapangyarihan ng ebanghelyo. Hindi sila naliligtas na grupo-grupo, kundi isahang tao. Ang personal na impluwensya ay kapangyarihan. Ito ay gawaing may impluwensya ni Kristo, upang magtaas kung saan nagtataas si Kristo, magbahagi ng mga wastong simulain, at pigilan ang pagkalat ng kabulukan ng mundo. Ito ay ang pagkakalat ng biyayang tanging si Kristo lamang ang nagkakaloob. Ito ay upang itaas, patamisin ang mga buhay at likas ng iba sa kapangyarihan ng dalisay na halimbawang kalakip ng taimtim na pananampalataya at pag-ibig.PH 193.2
Sa dati’y may lasong bukal ng Jerico, inihayag ng Panginoon, “Aking pinabuti ang tubig na ito; Kindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan o pagkalagas ng bunga.” Ang may lasong daiuyan ay kumakatawan sa kaluluwang hiwalay sa Dios. Ang kasalanan ay di lamang naghihiwalay ng tao sa Dios, kundi nagwawasak ng mga naisin at kakayahan ng kaluluwang makilala Siya. Sa pamamagitan ng kasalanan, ang buong pagkatao ay nawawasak, ang isipan ay napapasama, ang imahinasyon ay nabubulok ang mga kakayahan ng kaluluwa ay gumagaling. Nawawala ang tunay na relihiyon, ang kabanalan ng puso. Ang nagpapabagong kapangyarihan ng Dios ay hindi gumagawa sa pagbabago ng likas. Ang kaluluwa ay mahina, at sa pagnanais ng kapangyarihang moral upang magtagumpay, ay napapasama at naaaba.PH 193.3
Sa pusong nadalisay, lahat ay nabago. Ang pagbabago ng likas ay patotoo sa mundo ng isang Kristong naninirahan sa puso. Ang Espiritu ng Dios ay nagbubunga ng bagong buhay sa kaluluwa, ang mga isipan at naisin ay nadadala sa pagsunod sa kalooban ni Kristo; at ang taong panloob ay nababago sa wangis ng Dios. Ang mahihinang mga lalaki at mga babae ay naghahayag sa mundo na ang tumutubos na kapangyarihan ng biyaya ay gagawing masaganang magbunga ang likas na mahina.PH 194.1
Ang pusong tumatanggap ng salita ng Dios ay di tulad ng tubig na pumapaitaas dahilan sa init, di tulad ng basag na sisidlang tinatakasan ng laman. Tulad ito ng bukal at daluyan ng tubig sa kabundukan, hindi tumigil, na ang malamig, makislap na tubig ay patalun-talon sa mga batuhan, nagpapaginhawa sa pagod, sa uhaw, at nabibigatang kaluluwa. Tulad ito ng ilog na laging dumadaloy at, habang umaagos, ay lalong lumalalim at lumalawak, hanggang ang tubig na nagbibigay buhay ay lumaganap sa buong lupa. Ang ilog na umaawit habang dumadaloy ay nag-iiwan sa likuran niya ng handog na luntiang pananim at pagbubunga. Ang mga damo sa pampang nito ay lalong luntian, ang mga puno ay higit pa, ang mga bulaklak ay lalong sagana. Kapag ang lupa ay tiwangwang at kulay lupa sa init ng araw, ang isang linya ng luntiang pananim ay tanda ng pag-agos ng tubig.PH 194.2
Gayon din sa tunay na anak ng Dios. Ang relihiyon ni Kristo ay naghahayag ng sarili bilang pampasigla, namamayaning simulain, buhay, gumagawa, nagbibigay ng kalakasang espirituwal. Kapag ang puso ay bukas sa impluwensya ng langit sa katotohanan at pag-ibig, ang mga simulaing ito ay aagos muli tulad ng mga daiuyan ng tubig sa disyerto, magbubungang masagana sa dakong ngayon ay tuyo at walang laman.PH 194.3
Kapag silang nilinis at dinalisay sa pamamagitan ng kaalaman ng katotohanan ng Biblia ay masiglang humayo sa gawain ng pagliligtas ng kaluluwa, tunay na sila ay magiging lasang buhay sa buhay. Sa bawat araw ng pag-inom nila sa bukal ng biyaya at kaalaman, masusumpungan nilang ang kanilang mga puso ay inaapawan ng Espiritu ng kanilang Panginoon, at sa pamamamagitan ng kanilang hindi makasariling paglilingkod marami ang makikinabang sa pisikal, mental, at espirituwal. Ang pagal ay nagiginhawahan, ang mga may sakit ay naisasauli sa kalusugan, at ang may pasang kasalanan ay gumagaling. Sa mga lupaing malalayo ay maririnig sa mga labi ang pagpapasalamat mula sa mga pusong naituwid mula sa paglilingkod sa kasalanan tun go sa katuwiran.PH 195.1
“Mangagbigay kayo, at kayo’y bibigyan;” sapagkat ang salita ng Dios ay “bukal ng mga halamanan, balon ng mga buhay na tubig, at mga balong na tubig na mula sa Libano.” Lucas 6:38; Awit ng mga Awit 4:15.PH 195.2