Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanta 13 - Mga Kaalaman sa Pagbebenta

    Pagpapakilala ng Ating mga Aklat.—Ang ibang mga naglilimbag ay may mga regular na sistema sa pagpapakilala sa pamilihan ng mga aklat na wala namang pakinabang. “Ang mga anak ng sanlibutang ito sa kanilang henerasyon ay higit na tuso kaysa mga anak ng liwanag.” Ang magagandang pagkakataon ay sumasapit halos araw-araw kung saan, ang mga tahimik na tagapaghatid ng katotohanan ay maaaring maipakilala sa mga pamilya at sa bawat tao; subalit hindi sinasamantala ng mga tamad at pabaya ang mga pagkakataong ito. Kaunti lamang ang mga buhay na mangangaral. May isa lang kung saan dapat sana’y may isang daan. Maraming nakakagawa ng malaking kamalian sa hindi paggamit ng kanilang mga talento sa pagsisikap na iligtas ang mga kaluluwa ng kapwa nila.MTP 101.1

    Daan-daang tao ang dapat na kasangkot sa pagdadala ng liwanag sa ating mga lungsod, bayan, at baryo. Ang isipan ng publiko ay dapat makilos. Sabi ng Diyos: Ibigay ang liwanag sa lahat ng bahagi ng bukiran. Kanyang ipinanukalang ang mga tao ay maging daluyan ng liwanag, at dinadala iyon doon sa mga nasa kadiliman.— Testimonies , vol. 4, p. 389. (1880)MTP 101.2

    Dapat bumuo ng mga grupo sa pagkakambas para sa pagbebenta ng ating mga babasahin upang maliwanagan ang sanlibutan kung anong kinakaharap natin.— Review and Herald, June 2, 1903.MTP 101.3

    Pinalalaki ng Pagpapakalat ang Pangangailangan.—Ang ating mga bahay-palimbagan ay dapat magpakita ng kapansin-pansing pag-unlad. Maipagpapatuloy ito ng ating mga kapatiran kung sila ay magpapakita ng desididong hangarin na ialok ang ating mga nilalathala sa publiko....Kung mas malawak ang pagpapakalat ng ating mga nilalathala, mas lalawak din ang pangangailangan sa mga aklat na ginagawang malinaw ang mga Kasulatan ng katotohanan. Maraming nayayamot sa mga pagbabagu-bago, kamalian, at pagtalikod ng mga iglesya, at pati sa mga kapistahan, peryahan, sugalan at napakarami pang imbensyon para makapangikil ng pera na gagamitin ng iglesya. Marami ang naghahanap ng liwanag sa kadiliman. Kung ang ating mga babasahin, polyeto, at mga aklat na nagpapahayag ng katotohanan sa maliwanag na pananalita ng Biblia ay maipapakalat nang husto, matutuklasan ng marami na iyon nga ang kailangan nila. Subalit marami sa ating mga kapatid ay nag-aasal na para bang lalapit sa kanila ang mga tao o susulat sa ating mga opisina para magkaroon sila ng mga babasahin, samantalang libu-libo ang hindi nakakaalam na meron palang mga ganito.MTP 102.1

    Itaas ang Kahalagahan ng mga Aklat.—Nananawagan ang Diyos sa Kanyang bayan na kumilos gaya ng mga buhay na tao at hindi maging tamad, makupad, at walang-pakialam. Dapat nating dalhin ang mga babasahin sa mga tao at himukin silang tanggapin, na ipinakikita sa kanila na mas higit pa ang kanilang matatanggap kaysa sa halaga ng pera nila. Itaas ang kahalagahan ng mga aklat na inyong iniaalok. Hindi ninyo maaaring ipalagay na sobrang taas na ito.— Testimonies, voi. 4, p. 392. (1880)MTP 102.2

    Mga Presyo ng Ating mga Babasahin.—Ang ilang mga bagay na may mabigat na kahalagahan ay hindi nakatatanggap ng nararapat na pansin sa ating mga opisina ng palimbagan. Ang mga taong nasa mga posisyong may pananagutan ay gumawa sana ng mga plano para maipakalat ang ating mga aklat at hindi nakalapag lamang sa mga istante, namamatay pagkagaling sa palimbagan. Ang ating mga kapatid ay huli na sa panahon at hindi sumusunod sa nagbubukas na paggabay ng Diyos.MTP 102.3

    Marami sa ating mga nilalathala ay tinapon sa mga pamilihan sa napakamurang halaga anupa’t ang kinita ay hindi sapat na tustusan ang opisina at makapagtabi ng pondong patuloy na magagamit. At yung sa ating mga kapatiran na walang tanging pasanin sa iba’t-ibang sangay ng gawain...ay hindi nakakaalam ng tungkol sa pangangailangan ng gawain at puhunang kailangan para patuloy na tumakbo ang gawain. Hindi nila nauunawaan ang mga pananagutan sa mga kalugihan at gastusin araw-araw na nagaganap sa gayong mga institusyon. Parang iniisip nila na ang lahat ay tumatakbong walang masyadong inaalala o gagastusing pera, kung kaya’t hinihiling nila na kailangang ibaba ang presyo ng ating mga babasahin, kaya kakaunti lang ang naiiwang tubo.MTP 102.4

    Itaas ang kahalagahan ng mga aklat na inyong iniaalok. Hindi ninyo maaaring ipalagay na sobrang taas na ito.MTP 103.1

    At pagkatapos na maibaba ang mga presyo sa halos ay nakakapinsalang halaga, sila ay nagpapakita ng mahinang interes para mapataas ang benta ng mismong mga aklat na hiniling nilang babaan ang mga presyo. Ang mimmithi ay nakamit, nawawala na rin ang kanilang pasanin, kung kailan sila’y dapat magkaroon ng masigasig na malasakit at tunay na pag-aalala para ipagpatuloy ang pagbebenta ng mga babasahin, sa gayon ay naihahasik ang mga binhi ng katotohanan at nadadala ang kita sa mga opisina upang gawing puhunan sa iba pang mga ililimbag.MTP 103.2

    May malaking kapabayaan ng tungkulin sa bahagi ng mga ministro sa hindi pagtawag ng pansin ng mga iglesya sa mga lugar na pinaglilingkuran nila tungkol sa bagay na ito. Kapag minsang naibaba ang presyo ng mga aklat, napakahirap na bagay ang maibalik ang mga iyon sa dating pinagbabatayan ng bayaran, dahil ang mga taong makikitid ang isipan ay magsasabing, Nakikipagsapalaran, na hindi naiintindihang walang taong nakikinabang, at ang mga kinakasangkapan ng Diyos ay hindi dapat mabalda dahil sa kakulangan ng puhunan. Ang mga aklat na dapat sana ay malawakang ipinapakalat ay nakatambak na walang gamit sa mga opisina ng palimbagan dahil walang sapat na interes na ipinakikita upang maipalaganap ang mga ito.MTP 103.3

    Ang palimbagan ay kapangyarihan; pero kung mamamatay ang mga produkto nito dahil sa kakulangan ng mga taong magpapatupad ng mga plano para malawakang ipalaganap ang mga iyon, ang kapangyarihan nito ay nawawala. Bagaman laging may matalas na pananaw para makita ang pangangailangang maglaan ng gastusin para sa mga kagamitang magpaparami ng mga aklat at polyeto, ang mga piano para mabawi ang perang ipinuhunan upang makapaglimbag ng iba pang mga babasahin, ay napapabayaan. Ang kapangyarihan ng palimbagan, kasama ang lahat nitong kapakinabangan, ay nasa kanilang mga kamay; at magagamit nila itong may lubos na kabuluhan, o maaari si lang magpatulug-tulog at sa hindi pagkilos ay mawala ang mga pakinabang na maaaring mapasakanila. Sa matalinong pagkakalkula maipaaabot nila ang liwanag sa pagbebenta ng mga aklat at polyeto. Maipadadala nila ito sa libu-libong pamilyang nakaupo ngayon sa kadiliman ng kamalian.— Testimonies , vol. 4, pp. 388, 389. (1880)MTP 103.4

    Huwag Umasa sa mga Papremyo.—Yung mga may tunay na pagpapakumbaba, at ang mga isipan ay pinalawak ng mga katotohanang nalahad sa ebanghelyo, ay magkakaroon ng impluwensiyang mararamdaman. Sila ay gagawa ng impresyon sa mga isip at puso, at mas maraming gagalang sa kanila, maging sa mga hindi nila kaisa sa pananampalataya. Sa mga katotohanan ng Biblia at sa makabuluhang mga babasahin natin, magkakaroon sila ng tagumpay sapagkat bubuksan ng Panginoon ang daan para sa kanila. Pero kung ipipiIit natin ang ating mga babasahin sa mga tao sa pamamagitan ng mga regalo o mga papremyo, ito ay walang permanenteng impluwensiya para sa kabutihan. Kung ang ating mga manggagawa ay lalabas na umaasa sa mga katotohanan ng Biblia, na may pag-ibig kay Cristo at pag-ibig sa mga kaluluwa sa puso nila, mas higit ang magagawa nila sa pagkakaroon ng mga permanenteng subscriber kaysa sa umasa sa mga papremyo o mababang presyo. Ang paglalantad sa mga pang-akit na ito para makuha ang babasahin ay nagpapakitang ito ay hindi makapag-aangkin ng tunay na kahalagahan sa sarili nito. Mas magiging maganda ang resulta kung ang inilantad ay ang mga babasahin, at ang perang ginastos sa mga papremyo ay inireserba para makapamahagi ng ilang libreng kopya. Kapag nag-alok ng mga papremyo, maaaring mapakuha ng babasahin ang mga hindi sana kukuha, subalit ang iba ay hindi magsu- subscribe dahil iniisip nilang iyon ay isang pakikipagsapalaran. Kung ilalahad ng nagkakambas ang kahalagahan ng babasahin mismo, na ang kanyang puso ay umaasa ng tagumpay sa Diyos, at hindi aasa nang husto sa mga papremyo, mas marami siyang magagawa.— Testimonies, vol. 5, p. 401. (1885)MTP 104.1

    Dapat makakuha ng mga magkakambas na magdadala ng mga aklat na Ang Malaking Tunggalian, Mga Patriarka at Propeta, Ang BukaI ng Buhay, Daniel and the Revelation, at iba pang mga aklat na kagaya nito, mga taong may pagkaunawa sa kahalagahan ng mga bagay na nilalaman ng mga aklat na ito, at may pang-unawa sa gawaing dapat gawin upang akitin ang mga tao sa katotohanan. Sa mga ganitong kulpurtor ibibigay ang espesyal na tulong na higit sa lahat ng kapakinabangang inihalimbawa. Ang mga nagkakambas na ipinanganak na muli sa pamamagitan ng gawain ng Espiritu Santo ay sasamahan ng mga anghel na mauuna sa kanila sa mga tahanan ng mga tao upang ihanda ang daan para sa kanila.— Manuscript 131, 1899 .MTP 105.1

    Buksan ang mga Pintuan sa Pamamagitan ng Paggalang at Kabaitan.—Isa sa pinakasimple pero pinakaepektibong mga pamamaraan ng trabaho ay yung sa kulpurtor. Sa magalang na pagkilos at kabaitan, maaaring mabuksan ng ganitong manggagawa ang pintuan ng maraming tahanan. Kapag pinapasok siya ng mga taong hindi kaki lala, dapat ipakita niyang siya ay maalalahanin at matulungin. Hindi siya dapat maging pabigat, na naghihintay na pagsilbihan nung mga taong patung-patong ang mga gawaing-bahay. Kung merong may sakit sa tahanan habang naroon siya, gawin niya ang lahat ng kaya niya upang makatulong. Minsan, makakatagpo siya ng mga taong nagsasabing masyado si lang abala para makinig sa kambas o pagbasa ng Biblia. Madalas, maaari niyang makuha ang kanilang pansin sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang gawain.— Manuscript 26, 1905 .MTP 105.2

    Kunin ang Tiwala sa Pamamagitan ng Pagkamatulungin.—Sa pagtigiI sa mga tahanan ng mga tao, makibahagi sa mga pasanin ng tahanan....Tulungan ang pagod na ama sa paggawa ng mga atupagin. Magpakita ng aliw sa mga bata. Maging maunawain. Gumawang may pagpapakumbaba, at ang Panginoon ay gagawang kasama ninyo.— Review and Heralds , Nov. 11, 1902.MTP 105.3

    Sa bawat dinadalaw ninyong lugar, makakasumpong kayo ng mga may sakit at nagdurusa. Bigyan si la ng ginhawa kung maaari, bagaman dahil dito ay maaantala kayo ng ilang oras....Ang paggamit ng mga simpleng paraan sa pagpapagaling ng mga may sakit ay magiging isang ilustrasyon. Kung sumasang-ayon, ipanalangin ninyo ang may karamdaman. Maaaring ibangon siya ng Diyos, at ito ay magiging saksi sa katotohanan. Sabihin sa mga pamilyang nadadalaw ninyo kung ano ang dapat nilang gawin upang manatiling malusog. Magdala kayo ng ilang mga polyeto tungkol sa repormang pangkalusugan, at iwanan ang mga ito sa mga tao. Sa gayon, makapaghahasik kayo ng mga binhi ng katotohanan.— Manuscript , 18a, 1901.MTP 106.1

    Simpleng Panggagamot.—Ang mga nagkakambas ay dapat makapagbigay ng mga tagubiIin tungkol sa panggagamot ng mga may sakit. Dapat silang matuto ng mga simpleng pamamaraan ng pangkalinisang panggagamot. Sa gayon, maaari silang maglingkod bilang mga medical missionary, na naglilingkod sa mga kaluluwa at katawan ng mga nagdurusa. Ang gawaing ito ay sumusulong na dapat ngayon sa lahat na bahagi ng mundo. Sa gayon, ang karamihan ay mapapagpala ng mga panalangin at tagubiIin ng mga lingkod ng Diyos.— Testimonies , vol. 6, p. 324.MTP 106.2

    Ipakita ang Kahalagahan ng Malusog na Pamumuhay.—Hindi dapat kalimutan ng mga nagkakambas na si la ay kailangang magsikap sa pagsasagawa ng gawain ng medical missionary. Ang mga babasahing tumatalakay sa repormang pangkalusugan ay kailangang-kailangan na ngayon ng sanlibutan. Ang kawalang-pagpipigil ay nagsisikap na magtagumpay. Ang pagpapalayaw sa sarili ay lumalago. Malaki ang magagawa ng nagkakambas sa kanyang gawain upang maipakita sa mga dinadalaw niya ang kahalagahan ng malusog na pamumuhay. Sa halip na tumira sa hotel, kung maaari, dapat siyang makakuha ng matutuluyan kasama ng isang pribadong pamilya. At kapag umupo siya sa hapag-kainan kasama ang pamilya, dapat niyang isakabuhayan ang tagubiling ibinigay sa mga isinulat na pangkalusugan na kanyang ipinagbibili. Kapag may pagkakataon, magsalita siya tungkol sa kahalagahan ng repormang pangkalusugan. Kung magalang siya sa salita at gawa, makikita niyang ang kanyang mga salita ay mag-iiwan ng impresyon para sa ikabubuti.— Manuscript 113, 1901.MTP 106.3

    Tawagin ang Pansin sa Literaturang Pangkalusugan.—Sabihin sa mga taong may ipinagbibili kayong mga aklat na nagbibigay ng napakahalagang mga turo ukol sa mga sakit at karamdaman at kung paano maiiwasan ang mga ito, at ang pag-aaral ng mga turong ito ay nakakabawas ng pagdurusa at nakakatipid ng malaking perang ibinabayad sa doktor. Sabihin sa kanila na sa mga aklat na ito ay may payong hindi nila maaaring makuha sa kanilang mga manggagamot sa maiikling pagbisitang ginagawa nila.— Manuscript 113, 1901.MTP 107.1

    Isa sa pinakasimple pero pinakaepektibong mga pamamaraan ng trabaho ay yung sa kulpurtor.MTP 107.2

    Dahil “nakasuot sa inyong mga paa ang pagiging handa para sa ebanghelyo ng kapayapaan,” magiging handa kayong lumakad sa pagbabahay-bahay dala ang katotohanan sa mga tao. Minsan, mapapansin ninyong nakakainip ang ganitong trabaho; subalit kung hahayo kayo sa pananampalataya, ang Panginoon ay mauuna sa inyo, at tatanglawan ng Kanyang liwanag ang inyong daanan. Sa pagpasok ninyo sa mga tahanan ng inyong mga kapwa upang ipagbili o ipamigay ang ating mga literatura, at upang mapagpakumbabang ituro sa kanila ang katotohanan, sasamahan kayo ng liwanag ng langit. Matutunang awitin ang napakasimpleng mga awit. Ang mga ito ay makatutulong sa inyong pagbabahay-bahay, at ang mga puso ay hihipuin ng kapangyarihan ng Espiritu Santo....Matatamasa natin ang pakikisama ng mga anghel sa langit. Maaaring hindi natin makita ang kanilang mga anyo, ngunit sa pananampalataya ay malalaman nating sila ay kasama natin.— Review and Herald, Nov. 11, 1902.MTP 107.3

    Ang Tunay na Pakay.—Sa marami nating kulpurtor, maraming umalis sa mga tamang prinsipyo. Sa pagnanasang magkamit ng makamundong pakinabang, ang kanilang mga isip ay napalayo sa tunay na pakay at diwa ng gawain. Huwag mag-akala ang sinuman na ang pagpapakita ay gagawa ng tamang impresyon sa mga tao. Hindi nito makukuha ang pinakamagaling o mga pinakapermanenteng resulta. Ang gawain natin ay ang akayin ang mga isipan sa dakilang napapanahong katotohanan. Kapag ang ating mga sariling puso lamang ay puspos ng espiritu ng mga katotohanang sinasaad sa aklat na ating ipinagbibili, at sa kapakumbabaan ay tinatawag natin ang pansin ng mga tao sa mga katotohanang ito, magbubunga ng tunay na tagumpay ang ating mga pagsisikap; sapagkat doon pa lamang ang Espiritu Santong nagkukumbinsi sa kasalanan, katuwiran, at sa kahatulan ay duroon upang akitin ang mga puso.— Testimonies , vol. 6, pp. 318, 319. (1900)MTP 107.4

    Mga tanong na dapat pag-isipan

    1.Anong mga “kaalaman sa pagbebenta” ang masusumpungan sa kabanatang ito?
    a. ” ____________ ang ____________ ng mga aklat na inyong iniaalok.”
    b. “Marami sa ating mga nilalathala ay tinapon sa mga pamilihan sa ____________ halaga anupa’t ang ____________ ay hindi sapat na tustusan ang opisina at makapagtabi ng ponding patuloy na magagamit.”
    c. “Kung ilalahad ng nagkakambas ang ____________ ng babasahin mismo...at hindi aasa nang husto sa mga ____________, mas marami siyang magagawa.”
    d. “Minsan, makatatagpo siya ng mga taong nagsasabing masyado silang ____________ para makinig.... Madalas, maaari niyang makuha ang kanilang pansin sa pamamagitan ng ____________ sa kanilang gawain.”
    e. “Makakasumpong kayo ng mga may ____________ at ____________ Bigyan sila ng ____________ kung maaari, bagaman dahil ditto ay maaantala kayo ng ilang oras.”
    f. “Ang mga nagkakambas ay dapat makapagbigay ng mga ____________ tungkol sa panggagamot ng mga may sakit.”
    g. “Kapag may pagkakataon, magsalita siya tungkol sa kahalagahan ng ____________. ____________”
    h. Tawagin ang pansin sa kahalagahan ng literaturang pangkalusugan.
    Nagbibigay sila ng mga turo “kung paano ____________ ” ang mga sakit at karamdaman.
    • “Ang pag-aaral ng mga turong ito ay nakakabawas ng ____________ at ____________ ng malaking perang ____________ sa ____________. ____________”
    • Ang mga aklat ay may ” ____________hindi nila maaaring makuha sa kanilang mga manggagamot sa ____________ ____________ ginagawa nila.”
    MTP 109.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents