Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Enero—Ang Aking Pagtatalaga Sa Araw Na Ito

    Ang Daan ng Katuwiran ay Buhay, 1 Enero

    Nasa daan ng katuwiran ang buhay; ngunit ang landas ng kamalian ay tungo sa kamatayan. KAWIKAAN 12:28BN 5.1

    Isang bagong taong may malinis at hindi pa nasusulatang mga pahina ang nakabukas sa iyong harapan ngayon. Ang nagtatalang anghel ay nakatayong at handang magsulat. Ang iyong mga hakbang ang magtutukoy kung ano ang kanyang tataluntunin. Maaari mong gawing mabuti o masama ang iyong buhay sa hinaharap; at ito ang magpapasya para sa iyo kung ang taong pinapasok mo ay magiging isang masayang bagong taon. Nasa iyo ang kapangyarihan para mangyari ito sa iyong sarili at sa mga tao sa paligid mo.BN 5.2

    Hayaang maging parte ng iyong buong pagkatao ang pagtitiyaga, pagtitiis, kabaitan, at pag-ibig; kimg magkagayon, anumang bagay na dalisay at maganda at may magandang balita ay mahiawhinog sa iyong karanasan.BN 5.3

    Naghihintay ang mga anghel ng Diyos para ipakita sa iyo ang daan ng buhay.... Magpasya ka ngayon, sa pagsisimula ng bagong taon, na piliin ang landas ng katuwiran, na maging maalab at tapat, at upang ang buhay sa piling mo ay mapatunayang hindi isang pagkakamali. Sumulong kang may gabay ng mga makalangit na anghel; lakasan ang loob; maging handa; pagningasin ang iyong ilaw; at nawa ang mga salita ng inspirasyon ay maging angkop sa iyo—”Mga kabataang lalaki, kayo'y sinusulatan ko sapagkat inyong dinaig ang masama.”BN 5.4

    Kung iyong.. .ibinigay ang iyong sarili kay Cristo, ikaw ay kaanib na ng sambahayan ng Diyos, at ang lahat ng mga bagay sa tahanan ng Ama ay para sa iyo. Bukas para sa iyo ang lahat ng kayamanan ng Diyos, kapwa sa mundong sa kasalukuyan at mundong darating. Ang ministeryo ng mga anghel, ang kaloob ng Kanyang Espiritu, ang pagpapagal ng Kanyang mga lingkod—lahat ng ito ay para sa iyo.BN 5.5

    Ang sanlibutan, kasama ang lahat ng bagay na naririto, ay para sa iyo hangga't ito'y nakabubuti sa iyo. Maging ang poot ng masasama ay magiging pagpapala, sa pamamagitan ng pagdidisiplina sa iyo para sa langit. Kung ikaw “ay kay Cristo,” “lahat ng mga bagay ay sa iyo.”BN 5.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents