Sa umaga ay italaga ninyo sa Diyos ang inyong sarili; iyan ang kauna-unahan ninyong gawin. Ganito ang inyong idalangin: “Tanggapin mo ako, Oh Panginoon, na Iyong-iyo. Inilalagay ko sa Iyong paanan ang lahat kong mga panukala. Gamitin Mo ako sa araw na ito sa paglilingkod sa Iyo. Manahan Ka nawa sa akin at maging kasang-ayon nawa ng Iyong kalooban ang lahat kong gawain.” Ito’y isang bagay na dapat gawin sa arawaraw. Tuwing umaga ay italaga ninyo sa Diyos ang inyong sarili para sa maghapon. Ipabahala ninyo sa Kanya ang lahat ninyong mga panukala, upang isagawa o pabayaan kaya, alinsunod sa ipakikilala ng Kanyang kalooban. Sa ganitong paraan araw-araw ay ilinalagak ninyo sa kamay ng Diyos ang inyong buhay, at dahil diya’y lalo at lalong mahuhugis ang inyong kabuhayan na gaya ng sa kay Kristo. PK 96.1