Hindi mabuting tipunin ang malulungkot na alaala ng lumipas na kabuhayan—ang mga kasamaan at pag kabigo—upang pagsalitaanan at ikalungkot hanggang sa tayo’y manganglumo sa panglulupaypay. Ang nanglulupaypay na kaluluwa ay puno ng kadiliman, hindi pinapasok ang kanyang loob ng liwanag Diyos, at dinidiliman niya ang dinaraanan ng mga iba. PK 163.3
Salamat sa Diyos sa maliwanag na mga tanawing ipinakita Niya sa atin. Pagsama-samahin natin ang mga pinagpalang pangako ng Kanyang pag-ibig, upang matingnan nating palagi. Ang Anak ng Diyos na lumisan sa luklukan ng Kanyang Ama, nagkatawang tao upang mailigtas Niya ang tao mula sa kapangyarihan ni Satanas; ang tagumpay Niya alang-alang sa atin, na binuksan ang langit para sa mga tao at inihayag sa paningin ng tao ang tahanan na roon ang Diyos ay napakita sa buo niyang kaluwalhatian; ang nagkasalang sangkatauhan na hinango sa balon ng kapahamakang kinalubugan niya dahil sa kasalanan, at isinauli sa pakikiugnay sa walang-hanggang Diyos, at pagkatapos na mabata ang banal na pagsubok sa pamamagitan ng pananampalataya sa ating Manunubos, ay dinamtan ng katuwiran ni Kristo, at itinaas sa Kanyang luklukan—ito ang mga tanawing nais ng Diyos na ating bulaybulayin. PK 164.1