Ang lahat ng ito ay nakasasama sa inyong kaluluwa: sapagka’t bawa’t salita ng pag-aalinlangan na inyong binibigkas ay nag-aanyaya ng mga tukso ni Satanas; ito ang nagpapalakas ng pagkahilig ninyo sa pag-aalinlangan, at sa inyo’y hapis na lumalayo ang mga anghel na tagapangasiwa. Pag tinutukso kayo ni Satanas, huwag kayong magsabi ng anumang salita ng pag-aalinlangan o kadiliman. Kung kukusain ninyong buksan ang pintuan upang pasukan ng kanyang mga tukso, ang inyong pag-iisip ay mapupuno ng hindi pagtitiwala at ng mapanghimagsik na pag-aalinlangan. Kung sasabihin ninyo sa iba ang inyong damdamin, ang bawa’t pagaalinlangan na inyong ipinahahayag ay hindi lamang nagkakaroon ng pagtauli sa inyo, kundi isa rin namang binhing tutubo at mamumunga sa kabuhayan ng mga iba, at mangyayaring hindi masugpo ang nagawa ng inyong mga pangungusap. Maaaring makabalikwas ka yo sa pagtukso at silo ni Satanas, nguni’t ang mga ibang natangay ng inyong kilos, ay mangyayaring hindi inakaiwas sa inyong iminungkahi sa kanila. Napakahalaga nga na salitain natin yaon lamang mga bagay na magbibigay ng lakas at buhay na ukol sa espiritu! PK 165.1
Nangakikinig ang mga anghel upang mapakinggan kung anong uri ng ulat ang inyong ilinalaganap sa sanlibutan tungkol sa inyong Panginoon sa langit. Ang inyo sanang mga salitaan ay maging tungkol sa kanya na nabubuhay upang mamagitan patungkol sa inyo sa harapan ng Ama. Kung nakikikamay kayo sa isang kaibigan, suma inyong mga labi at puso sana ang pagpupuri sa Diyos. Ito ang magbabaling sa kanyang pagiisip kay Jesus. PK 166.1