Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Samuel 16:14-23; 17.
Nang mabatid ng hari na siya ay itinakwil ng Dios, at nang kanyang madama ang bigat ng mga salita ng panunuligsa na binitiwan sa kanya ng propeta, siya ay napuno ng mapait na panghihimagsik at kawalan ng pag-asa. Hindi tunay na pagsisisi ang nagpayuko sa mapag- mataas na ulo ng hari. Wala siyang malinaw na pananaw sa nakasasa- mang likas ng kanyang kasalanan, at hindi siya bumangon sa gawain ng pagbabago sa kanyang kasalanan, at hindi siya bumangon sa gawain ng pagbabago sa kanyang buhay, sa halip ay nagmukmok sa inakala niyang hindi makatarungang ginawa ng Dios sa pagkakait sa kanya ng trono ng Israel at sa pag-aalis ng hahalili sa kanya mula sa kanyang mga inanak. Inuubos niya ang kanyang panahon sa pag- aalala sa sakunang sasapit sa kanyang sambahayan. Kanyang nadama na kinakailangang mapagtakpan ang kanyang kasalanan ng pagsuway sa katapangan na kanyang ipinahayag sa pagharap sa kanyang mga kaaway. Hindi niya tinanggap na may kaamuan ang pagpaparusa ng Dios; ang kanyang espiritu ay lumala, hanggang sa siya ay halos mawala na sa pag-iisip. Pinayuhan siya ng kanyang mga tagapayo na humanap ng paglilingkod ng isang mahusay na manunugtog, sa pag- asa na ang malamig na mga himig ng isang matamis na instrumento ay maaaring makapagpatahimik sa kanyang magulong espiritu. Sa habag at tulong ng Dios, si David, bilang isang mahusay na manunugtog ng alpa, ay dinala sa harap ng hari. Ang kanyang matatayog at kinasihan ng langit na mga tugtog ay naghatid ng ninanais na epekto. Ang lumilimlim na kalungkutan na nananatiling tulad sa isang mairim na ulap sa pag-iisip ni Saul ay napapaalis. MPMP 762.1
Kapag ang kanyang mga paglilingkod ay hindi kailangan sa korte ni Saul, si David ay bumabalik sa kanyang mga kawan sa mga burol at ipinagpapatuloy ang pagpapanatili sa kanyang kapayakan ng espiritu at pagkilos. Sa tuwing kakailanganin, siya ay muling tinatawagan upang maglingkod sa harap ng hari, upang patahimikin ang isip ng naguguluhang hari hanggang sa ang masamang espiritu ay umalis mula sa kanya. Subalit bagaman si Saul ay nagpapahayag ng malaking tuwa kay David at sa kanyang tinutugtog, ang batang pastol ay umalis mula sa bahay ng hari tungo sa mga parang at mga burol na kanyang pastulan na may pagkadama ng kaginhawahan at kagalakan. MPMP 762.2
Si David ay lumalagong kalugod-lugod sa Dios at sa tao. Siya ay naturuan sa landas ng Panginoon, at kanya ngayong inilaan ang kanyang puso na higit pang lubos sa pagtupad sa kalooban ng Dios kaysa dati. Nagkaroon siya ng mga bagong paksang pag-iisipan. Siya ay nanggaling sa korte ng hari at nakita ang mga responsibilidad ng hari. Natuklasan niya ang ilan sa mga tuksong nakapaligid sa kaluluwa ni Saul at nabatid ang ilan sa mga hiwaga sa likas at pakikitungo ng unang hari ng Israel. Nakita niya ang kaluwalhatian ng pagkahari na naaaninuhan ng isang madilim na ulap ng kalungkutan, at nala- man niya na ang sambahayan ni Saul, sa kanilang pansariling buhay, ay malayo sa pagiging masaya. Ang lahat ng mga ito ay nakapaghatid ng magulong mga kaisipan sa kanya na pinahiran upang maging hari sa Israel. Subalit samantalang buhos na buhos ang kanyang sarili sa malalim na pagmumuni-muni, at nililigalig ng mga nakababalisang kaisipan, siya ay humaharap sa kanyang alpa, at tumutugtog ng naka- pagpapaangat sa kanyang isip tungo sa May Katha ng bawat mabuti, at ang madilim na ulap na tila nakaanino sa abot-tanaw sa hinaharap ay napapaalis. MPMP 763.1
Ang Dios ay nagtuturo kay David ng mga liksyon ng pagtitiwala. Kung paanong si Moises ay sinanay para sa kanyang gawain, gano'n din naman inihahanda ng Panginoon ang anak ni Isai upang maging gabay ng Kanyang piniling bayan. Sa kanyang pagbabantay sa kanyang kawan, siya ay nagkakaroon ng isang pagpapahalaga sa panga- ngalaga ng Dakilang Pastor sa mga tupa na Kanyang pinapasturan. MPMP 763.2
Ang malungkot na mga burol at madawag na mga bangin na kung saan si David ay lumilibot kasama ng kanyang mga kawan ay pinag- tataguan ng mababangis na mga hayop. Hindi bihira lamang na ang leon mula sa kasukalan ng Jordan, o ang oso mula sa kanyang tirahan sa mga burol, ay dumarating na malupit dahil sa gutom, upang sumalakay sa mga kawan. Sang-ayon sa kaugalian noong kanyang panahon, si David ay mayroon lamang sandatang tirador at tungkod ng pastor; gano'n pa man siya ay taimtim na nagpahayag ng kanyang lakas at katapangan sa pag-iingat sa kanyang inaalagaan. Pagdaka nang ilarawan ang mga pakikipagsagupang iyon, ay kanyang sinabi: “Pagka pumaroon ang isang leon, o isang oso, at kinuha ang isang kordero sa kawan, ay lumalabas akong hinahabol ko siya, at aking sinasaktan, at aking inililigtas sa kanyang bibig: at pagka dinada- luhong ako, aking pinapangahan, at aking sinasaktan, at aking pina- patay.” 1 Samuel 17:34, 35. Ang kanyang karanasan sa mga bagay na ito ay nagpalago sa kanya ng tapang, katibayan ng loob at pananampalataya. MPMP 763.3
Bago pa siya tinawagan sa korte ni Saul, si David ay nakilala na sa kanyang katapangan. Ang opisyal na naghatid sa kanya upang ma- bigyang pansin ng hari ay ipinahayag siya na isang “makapangyari- hang lalaki na may tapang, at lalaking mangdirigma, at matalino sa pananalita,” at sinabi niya, “ang Panginoon ay sumasa kanya.” MPMP 764.1
Nang ang digmaan ay ipinag-utos ng Israel laban sa mga Filisteo, tado sa mga anak ni Isai ang sumama sa hukbo sa pamumuno ni Saul; subalit si David ay nanatili sa bahay. Makalipas ang ilang panahon, gano'n pa man, siya'y pumaroon upang dumalaw sa kampo ni Saul. Ayon sa ipinag-utos ng kanyang ama siya ay naghatid ng mensahe at isang kaloob sa nakatatanda niyang mga kapatid at upang malaman kung sila ay ligtas pa at malusog pa. Subalit hindi alam ni Isai, ang batang pastor ay pinagkatiwalaan ng higit na matayog na layunin. Ang mga hukbo ng Israel ay nasa panganib, at si David ay inutusan ng anghel na iligtas ang kanyang bayan. MPMP 764.2
Samantalang si David ay papalapit sa hukbo, narinig niya ang tunog ng pagkakagulo, na tila magsisimula ang isang pagsasagupaan. At “ang hukbo na lumalabas sa pakikipaglaban ay sumisigaw ng pakikipagbaka.” Ang Israel at ang mga Filisteo ay nangakahanay, hukbo laban sa hukbo. Si David ay tumakbo tungo sa hukbo, at lumapit at binati ang kanyang mga kapatid. Samantalang siya'y nakikipag-usap sa kanila, si Goliath, ang bayani ng mga Filisteo, ay dumating, at may pang-iinsultong mga pananalita na hinahamon ang Israel at hinahamon silang magbigay ng isang lalaki mula sa kanilang mga hanay na makipagsagupaan sa kanya sa isahang labanan. Inulit niya ang kanyang hamon, at nang makita ni David na ang buong Israel ay puno ng takot, at matutunan na ang paghahamon ng Filisteo ay ginagawa araw-araw, na hindi nakakapagpabangon ng isang bayani na makapagpapatahimik sa nagmamayabang, ang kanyang espiritu ay nakilos sa loob niya. Napukaw ang kanyang kasigasigan upang ipagtanggol ang karangalan na buhay ng Dios at ang puri ng Kanyang bayan. MPMP 764.3
Ang mga hukbo ng Israel ay nalulungkot. Ang kanilang tapang ay nanghina. At kanilang sinasabi sa isa't isa, “Nakita ba ninyo ang lalaking iyan na sumasampa? Tunay na sumasampa siya upang mang- hamon sa Israel.” Sa hiya at galit, si David ay nagsabi, “Sinong Filisteong ito na hindi tuli na siya'y humahamon sa mga hukbo ng buhay na Dios?” MPMP 765.1
Si Eliab, ang panganay na kapatid ni David, nang kanyang marinig ang mga salitang ito, ay nakababatid sa mga nadarama na kumikilos sa kaluluwa ng kabataang lalaki. Maging sa pagiging isang pastor, si David ay nagpahayag na ng kalakasan ng loob, tapang, at lakas subalit hindi gaanong nasasaksihan; at ang mahiwagang pagdalaw ni Samuel sa bahay ng kanilang ama, at ang matahimik niyang pag-alis, ay pumukaw sa isip ng magkakapatid ng paghihinala sa tunay na layunin ng kanyang pagdalaw. Ang kanilang paninibugho ay napukaw nang makita nilang si David ay pinarangalan ng higit sa kanila, at hindi nila siya pinakitunguhan na may paggalang at pag-ibig na angkop sa kanyang katapatan at pagiging magiliw na kapatid. Tiningnan nila siya na pawang isang kaputol na pastor, at ngayon ang kanyang itinanong ay itinuring ni Eliab na isang pagpuna sa sarili niyang kaduwagan sa hindi pagtatangkang patahimikin ang higante ng mga Filisteo. Ang panganay na kapatid ay galit na nagsabi, “Bakit ka lumusong dito? at kanino mo iniwan ang ilang tupang yaon sa ilang? Talastas ko ang iyong kahambugan, at ang kalikuan ng iyong puso; sapagkat ikaw ay lumusong upang iyong makita ang pagbabaka.” Ang sagot ni David ay may paggalang subalit may kapasyahan: “Anong aking ginawa ngayon? wala bang dahilan?” MPMP 765.2
Ang mga salita ni David ay isinaysay sa hari, na ipinatawag ang kabataan sa harap niya. Si Saul ay nakinig na may pagkamangha sa mga salita ng pastor, samantalang kanyang sinasabi, “Huwag mang- lupaypay ang puso ng sinuman dahil sa kanya; ang iyong lingkod ay yayaon at makikipaglaban sa Filisteong ito.” Si Saul ay nagsikap patalikurin si David mula sa kanyang layunin, subalit ang kabataang lalaki ay hindi napatitinag. Siya ay sumagot sa isang payak at hindi mapagkunwaring paraan, na isinaysay ang kanyang mga karanasan samantalang binabantayan ang mga kawan ng kanyang ama. At kanyang sinabi, “Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga panga- mot ng leon, at sa pangamot ng oso, ay siyang magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong ito. At sinabi ni Saul kay David, Yumaon ka, at ang Panginoon ay sasaiyo.” MPMP 765.3
Sa loob ng apat na pung mga araw ang hukbo ng Israel ay nanginig sa mapagmataas na hamon ng higanteng Filisteo. Ang kanilang mga puso ay nanlupaypay sa loob nila samantalang kanilang minamasdan ang kanyang malaking anyo, na ang taas ay anim na siko at isang dangkal. Sa kanyang ulo ay may turbante na yari sa tanso, siya ay nararamtan ng isang baluti na ang timbang ay limang libong siklo, at mayroon siyang kasuutang tanso sa kanyang mga hita. Ang baluti ay yari sa mga pohas na tanso na magkakapatong, na tulad sa kaliskis ng isda, at sila'y lubhang dikit-dikit kung kaya't walang sibat o palaso ang maaaring tumagos sa kasuutan. Sa kanyang likod ang higante ay may dalang malaking diyablin o sibat, na yari din sa tanso. “Ang puluhan ng kanyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi; at ang dulo ng kanyang sibat ay may anim na raang siklong bakal ang bigat: at ang kanyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kanya.” MPMP 766.1
Umaga at gabi si Goliath ay lumalapit sa kampo ng Israel, na sinasabi na may malakas na tinig, “Bakit kayo'y lumabas na nagsihanay sa pakikipagbaka? hindi ba ako'y Filisteo, at kayo'y mga lingkod ni Saul? pumili kayo ng isang lalaki sa inyo, at pababain ninyo siya sa akin. Kung siya'y makalaban sa akin at mapatay ako, magiging alipin nga ninyo kami; ngunit kung ako'y manaig laban sa kanya, at mapatay ko siya ay magiging alipin nga namin kayo at maglilingkod sa amin. MPMP 766.2
At sinabi ng Filisteo, Aking hinahamon ang mga hukbo ng Israel sa araw na ito; bigyan ninyo ako ng isang lalaki, upang maglaban kami.” Bagaman si Saul ay nagbigay ng pahintulot kay David na tanggapin ang hamon ni Goliath, ang hari ay mayroong maliit na pag-asa na si David ay magtatagumpay sa kanyang matapang na isasagawa. Ipinag-utos na isuot sa kabataan ang sariling kasuutang pandigmaan ng hari. Ang mabigat na turbanteng tanso ay inilagay sa kanyang ulo, at ang baluti ay inilagay sa kanyang katawan; ang tabak ng hari ay nasa kanyang tagiliran. Nang masandatahan ng gano'n, siya ay nagpasimula sa kanyang lakad, subalit hindi nagtagal siya ay bumalik. Ang unang napasa isip ng mga nagmamasid ay nagpasya si David na hindi ilalagay ang kanyang buhay sa panganib sa pagharap sa isang kalaban na lubhang hindi niya mapapantayan sa isang paghaharap. Subalit ito ay malayong-malayo sa iniisip ng matapang na kabataang lalaki. Nang siya ay bumalik kay Saul nakiusap siyang siya ay pahintulutang alisin ang mabigat na kasuutang pangdigmaan na nagsasabi, “Hindi ako makayayaon na dala ko ang mga ito; sapagkat hindi ko pa nasu- subukan.” Inalis niya ang mga kasuutang pandigmaan ng hari, at kapalit noon ay kinuha lamang ang kanyang tungkod sa kanyang kamay, isang supot pastor at isang pangkaraniwang panghilagpos. Nang makapili ng limang makikinis na mga bato mula sa sapa, inilagay niya iyon sa kanyang supot at hawak ang panghilagpos sa kanyang mga kamay, ay lumapit sa Filisteo. Ang higante ay matapang na humakbang papalapit, na umaasang makakaharap ang pinakamaka- pangyarihan sa mga mandirigma ng Israel. Ang kanyang tagapagdala ng sandata ay lumalakad sa unahan niya, at kung tumingin siya ay tila walang anumang makadadaig sa kanya. Nang siya ay mapalapit kay David ang nakita niya ay isa lamang kaputol, tinatawag na bata dahil sa kanyang edad. Ang mukha ni David ay namumula sa kalusugan, at ang kanyang mahusay na anyo, na hindi nasasanggahan ng kasuutang pandigmaan, ay hayag na nalalamangan; gano'n pa man sa pagitan ng kanyang anyong pangkabataan at sa malaking katawan ng Filisteo, ay mayroong malaking pagkakaiba. MPMP 766.3
Si Goliath ay napuno ng pagtataka at galit. “Ako ba ay aso,” ang ibinulalas niya, “na ikaw ay naparito sa akin na may mga tungkod?” At ibinuhos niya kay David ang pinaka kilabot na mga sumpa ng lahat ng mga diyos na alam niya. At sumigaw siya na may panunuya, “Halika at aking ibibigay ang iyong laman sa mga ibon sa himpapawid at sa mga hayop sa parang.” MPMP 767.1
Si David ay hindi nanglupaypay sa harap ng bayani ng mga Filisteo. Nang makahakbang papalapit, ay sinabi niya sa kanyang kalaban: “Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; ngunit ako'y naparito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon. Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; at sasaktan lata, at pupugutin ko ang ulo mo; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel: at upang malaman ng buong kapisanang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat: sapagkat ang pagbabakang ito ay sa Panginoon, at ibibigay Niya kayo sa aming kamay.” MPMP 767.2
Mayroong tunog ng kawalan ng takot sa kanyang tinig, isang hit- sura ng pagtatagumpay at kagalakan sa bukas ng kanyang malinis na mukha. Ang pananalitang ito, na inihayag sa isang malinaw, at may himig na tinig, ay dinig na dinig ng nakikinig na libu-libong nakaha- nay para sa digmaan. Ang galit ni Goliath ay napukaw sa pinakama- tinding init. Sa kanyang matinding galit ay itinaas niya ang turban- teng nakatakip sa kanyang noo at nagmamadaling lumapit upang pagbagsakan ng galit ang kanyang kalaban. Ang anak ni Isai ay nag- hahanda para sa kanyang kalaban. “At nangyari, nang bumangon ang Filisteo, at sumulong at lumapit upang salubungin si David, na si David ay nagmadali, at tumakbo sa dako ng kawal upang salubungin ang Filisteo. At isinuot ni David ang kanyang kamay sa kanyang supot; at kumuha roon ng isang bato, at inihilagpos, at tinamaan ang Filisteo sa kanyang noo; at ang bato ay bumaon sa kanyang noo, at nabuwal na pasubsob sa lupa.” MPMP 767.3
Ang labis na pagtataka ay kumalat sa mga hanay ng dalawang hukbo. Nakasisiguro sila na si David ay mapapatay; subalit nang ang bato ay mabilis na lumipad sa hangin, tungo sa pinatatamaan, nakita nilang nanginig ang makapangyarihang mandirigma, at iniabot ang kanyang mga kamay, na tila tinamaan ng biglang pagkabulag. Ang higante ay humapay, at nagpasuray-suray, at tulad sa isang pinutol na encina, ay bumagsak sa lupa. Si David ay hindi naghintay ng isang sandali. Kaagad niyang inibabawan ang nakaratay na Filisteo, at dalawang kamay na hinawakan ang mabigat na tabak ni Goliath. Ilang sandali pa lamang ang nakakalipas ipinagmayabang ng higante na kanyang puputulin ang ulo ng kabataan mula sa kanyang mga balikat at ibibigay ang kanyang katawan sa mga ibon sa himpapawid. Ngayon iyon ay itinaas sa hangin, at ang ulo ng mapagmayabang ay gumulong papalayo sa kanyang katawan, at isang sigaw ng malaking kagalakan ang pumailanglang mula sa kampo ng Israel. MPMP 768.1
Ang mga Filisteo ay hinampas ng takot, at ang naging pagkalito ay humantong sa isang madaliang pag-urong. Ang sigaw ng mga nag- tagumpay na mga Hebreo ay umalingawngaw sa tuktok ng mga bundok, samantalang kanilang mabilis na hinahabol ang nagsisitakas na mga kaaway; at kanilang “hinabol ang mga Filisteo hanggang sa Gath, at sa mga pintuang bayan ng Ecron. At ang mga sugatan na mga Filisteo ay nabuwal sa daang patungo sa Saraim, hanggang sa Gath, at sa Ecron. At nagsibalik ang mga anak ni Israel sa paghabol sa mga Filisteo, at kanilang sinamsam ang kanilang kampamento. At kinuha ni David ang ulo ng Filisteo, at dinala sa Jerusalem; ngunit kanyang inilagay ang sandata niya sa kanyang tolda.” MPMP 768.2