Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Samuel 18 hanggang 22.
Makalipas ang pagpatay kay Goliath, iningatan ni Saul si David na kasama niya, at hindi siya pinahintulutang umuwi sa tahanan ng kanyang ama. At nangyari na “ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kanyang sariling kaluluwa.” Si Jonathan at si David ay gumawa ng tipan na sila ay magkakalakip bilang magkapatid, at hinubad ng anak ng hari “ang balabal na nakasuot sa kanya, at ibinigay kay David, at ang kanyang kasuutan pati ng kanyang tabak, at ng kanyang busog at ng kanyang pamigkis.” Si David ay pinagkatiwalaan ng mahahalagang tungkulin, gano'n pa man ay iningatan niya ang kanyang pag- kamababang-loob, at nahulog sa kanya ang pag-ibig ng bayan gano'n din ng sambahayan ng hari. MPMP 770.1
“At lumabas si David saan man suguin ni Saul, at siya'y nagpa- kabait: at inilagay ni Saul siya sa mga lalaking mangdirigma.” Si David ay maingat at tapat, at nahahayag na ang pagpapala ng Dios ay sumasakanya. May mga pagkakataong nababatid ni Saul ang kanyang pagiging hindi handa para sa pamamahala sa Israel, at kanyang nadama na ang kaharian ay higit na magiging ligtas kung siya ay kaugnay sa isa na tumatanggap ng tagubilin mula sa Panginoon. Si Saul ay umaasa rin na ang pakikiugnay kay David ay maging isang pananggalang sa kanyang sarili. Sapagkat si David ay kinaluluguran at iniingatan ng Panginoon, ang kanyang presensya ay maaaring maging proteksyon kay Saul kung siya ay sasama sa kanya sa dig- maan. MPMP 770.2
Yaon ay awa at tulong ng Dios na nag-ugnay kay David at kay Saul. Ang kalagayan ni David sa korte ay magbibigay sa kanya ng kaalaman tungkol sa maraming bagay, bilang paghahanda sa kanyang kadakilaan sa hinaharap. Iyon ay magbibigay sa kanya ng pag- kakataon upang ang bayan ay magkaroon ng pagtitiwala sa kanya. Ang malaking mga pagbabago at mga kahirapan na sumapit sa kanya, dahil sa galit ni Saul, ay mag-aakay sa kanya upang kanyang madama ang kanyang pangangailangan ng tulong ng Dios, at upang mailagay ang buo niyang pagtitiwala sa Kanya. At ang pakikipagkai- bigan ni Jonathan kay David ay isa ring awa't tulong ng Dios, upang maingatan ang buhay ng magiging pinuno ng Israel. Sa lahat ng ito ay isinasakatuparan ng Dios ang Kanyang mabiyayang mga layunin, kapwa para kay David at para sa bayan ng Israel. MPMP 770.3
Si Saul, gano'n pa man, ay hindi nagtagal na mabait kay David. Nang si Saul at si David ay umuwi mula sa pakikipagdigma sa mga Filisteo, “na ang mga babae ay lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel, na nag-aawitan at nagsasayawan, upang salubungin ang haring si Saul, ng mga pandereta, ng kagagalakan, at ng panugtog ng tugtugin.” Ang isang grupo ay umawit, “Pinatay ni Saul ang kanyang libu-libo,” samantalang kinukuha ng ibang grupo ang himig, at su- masagot, “At ni David ang kanyang laksa-laksa.” Ang demonyo ng paninibugho ay pumasok sa puso ng hari. Siya ay galit sapagkat si David ay itinataas ng higit sa kanyang sarili sa awit ng mga babae ng Israel. Sa halip na pigilin ang mga nadaramang ito ng pagkainggit, ay ipinahayag niya ang kahinaan ng kanyang pagkatao, at bumulalas, “Kanilang inilagay kay David ay laksa-laksa, at sa akin ay kanilang inilagay ang libu-libo lamang: at ano na lamang ang kanyang tatang- kilikin kundi ang kaharian?” MPMP 771.1
Isang malaking kasiraan sa pagkatao ni Saul ay ang kanyang pag- ibig sa papuri. Ang likas na ito ay nagkaroon ng nangangasiwang impluwensya sa kanyang mga kilos at mga iniisip; ang lahat ay may marka ng kanyang pagnanasang papurihan at maitaas ang sarili. Ang kanyang pamantayan ng mabuti at masama ay ang mababang pa- mantayan ng paghanga ng nakararami. Walang taong ligtas na na- mumuhay upang siya ay magbigay kaluguran sa kanyang kapwa, at hindi unang hinahanap ang pagpuri ng Dios. Naging ambisyon ni Saul ang maging una sa paningin ng tao; at nang ang awit na ito ng pagpuri ay inawit, isang paniniwala ang pumasok sa isip ng hari na mahuhulog kay David ang puso ng bayan at maghaharing kahalili niya. MPMP 771.2
Binuksan ni Saul ang kanyang puso sa espiritu ng paninibugho na sa pamamagitan noon ang kanyang kaluluwa ay nalason. Sa kabila ng mga liksyon na kanyang tinanggap mula kay propetang Samuel, na nagtuturo sa kanya na isasakatuparan ng Dios anuman ang Kanyang piliin, at walang sinumang makahahadlang sa Kanya, pinatunayan ng hari na siya ay walang tunay na kaalaman tungkol sa mga panukala o kapangyarihan ng Dios. Inilalaban ng hari ng Israel ang kanyang kalooban sa kalooban ng Isang walang hangganan. Hindi ni Saul natutunan, samantalang pinamumunuan ang kaharian ng Israel, na dapat niyang pamunuan ang kanyang espiritu. Pinahintulutan niya ang simbuyo ng kanyang damdamin upang manguna sa kanyang pagpapasya, hanggang sa siya ay napasubo sa matinding galit ng pagnanasa. Nagkaroon siya ng pasumpong-sumpong na galit, kapag siya ay handang kumitil ng buhay ng sinumang mangangahas na lumaban sa kanyang kalooban. Mula sa mga siklab ng galit na ito siya ay napupunta sa isang pagkadama ng kawalan ng pag-asa at pagkagalit sa sarili, at ang kanyang kaluluwa ay napapailalim sa isang matinding pagsisisi. MPMP 771.3
Gusto niyang naririnig si David na tumutugtog sa kanyang alpa, at ang masamang espiritu ay tila napapaalis sa ilang panahon; subalit isang araw samantalang ang kabataan ay naglilingkod sa harap niya, at naghahatid ng matamis na tugtugin mula sa kanyang instrumento, na sinasabayan ang kanyang tinig samantalang siya'y umaawit ng papuri sa Dios, biglang inihagis ni Saul ang kanyang sibat sa manunugtog, sa layuning kitilin ang kanyang buhay. Si David ay iniligtas ng pakikialam ng Dios, at walang galos na tumakas mula sa matinding galit ng nababaliw na hari. MPMP 772.1
Samantalang ang galit ni Saul kay David ay tumitindi, naging higit at higit siyang mapagmasid upang makasumpong ng pagkakataon upang siya ay mapatay; subalit wala sa kanyang mga panukala laban sa pinahiran ng Panginoon ang magtagumpay. Isinuko ni Saul ang kanyang sarili sa pangangasiwa ng masamang espiritu na namumuno sa kanya; samantalang si David ay nagtiwala sa Kanya na makapang- yarihan sa payo, at makapangyarihan sa pagliligtas. “Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan” (Kawikaan 9:10), at ang dalangin ni David ay patuloy na pumailanglang sa Dios, upang siya ay makalakad sa harap Niya sa isang sakdal na paraan. MPMP 772.2
Sa pagnanasang mapalayo sa presensya ng kanyang kaagaw, “inihi- walay ni Saul siya sa kanya, at siya'y ginawa niyang punong kawal sa isang libo.... Ngunit minamahal ng buong Israel at Juda si David.” Ang bayan ay hindi mabagal sa pagbatid na si David ay isang mapag- kakatiwalaang tao, at ang maraming bagay na ipinagkakatiwala sa kanyang kamay ay napapangasiwaan ng may karunungan at kahusa- yan. Ang mga payo ng kabataang lalaki ay may katalinuhan at pag- iingat ng likas, at napapatunayang ligtas na sundin; samantalang ang kapasyahan ni Saul sa ibang mga pagkakataon ay hindi maaaring pagkatiwalaan, at ang kanyang mga kapasyahan ay hindi mabuti. MPMP 772.3
Bagaman si Saul ay matamang naghahanap ng pagkakataon upang mapatay si David, siya ay tumindig na may pagkatakot sa kanya, sapagkat kapansin-pansin na ang Panginoon ay sumasa kanya. Ang walang kapintasang likas ni David ang pumukaw sa galit ng hari; kanyang ipinalagay na ang buhay at presensya ni David ay nagpupu- kol ng isang kahihiyan sa kanya, sapagkat sa pagkukumpara ay iniha- hayag noon na nalalamangan ang kanyang sariling pagkatao. Inggit at labis na kalungkutan, ang naglalagay sa abang lingkod ng kanyang trono sa panganib. Anong hindi nasaysay na mga kasamaan ang nagawa ng masamang likas na ito sa ating sanlibutan! Gano'ng galit din na sa puso ni Saul ang kumilos kay Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel, sapagkat ang mga gawa ni Abel ay matuwid, at siya ay pinarangalan ng Dios, at ang sarili niyang mga gawa ay masama, at hindi siya maaaring pagpalain ng Panginoon. Ang inggit ay anak ng pagmamalaki, at kung iyon ay tinanggap sa puso, iyon ay maghahatid tungo sa galit, at pagdaka ay paghihiganti at pagpatay. Ipinahayag ni Satanas ang sarili niyang likas sa pag-udyok sa galit ni Saul laban sa kanya na hindi pa kailan man gumawa ng pananakit sa kanya. MPMP 773.1
Nagkaroon ang hari ng mahigpit na pagmamasid kay David, uma- asang makakasumpong ng pagkakataon ng kawalan ng pag- iingat o pagka padalus-dalos na maaaring maging dahilan upang dalhin siya sa kahihiyan. Nadama niya na hindi siya masisiyahan hanggang kanyang makitil ang buhay ng kabataan at maging matuwid pa rin sa harap ng bayan sa masama niyang ginawa. Naglagay siya ng isang silo para kay David, na hinimok siya na pamunuan ang pakikipaglaban sa mga Filisteo na may ibayo pang lakas, at ipinanga- ko, bilang isang gantimpala sa kanyang katapangan, ang pagkalakip sa panganay na anak na babae ng sambahayan ng hari. Sa alok na ito ang mapagpakumbabang sagot ni David ay, “Sino ako at ano ang aking buhay, o ang sambahayan ng aking ama sa Israel, upang maging manugang ako ng hari?” Ang hari ay nagpahayag ng pagiging hindi niya tapat sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang anak sa iba. MPMP 773.2
Isang pagkalakip para kay David sa bahagi ni Michal, ang bunsong anak na babae ni Saul, ang nagbigay sa hari ng isa pang pagkakataon upang painan ang kanyang karibal. Ang kamay ni Michal ay ipag- kakaloob sa kabataang lalake sa kondisyon na magbibigay ng katibayan ng pagkatalo at pagpatay sa itinakdang bilang ng kalaban ng kanilang bansa. “Ang balak nga ni Saul ay maibuwal si David sa pamamagitan ng kamay ng mga Filisteo,” subalit iningatan ng Dios ang Kanyang lingkod. Si David ay nagbalik na matagumpay mula sa pakikipagbaka upang maging manugang ng hari. “Sinisinta ni Michal na anak na babae ni Saul si David,” at nakita ng hari, na matindi ang galit, na ang kanyang pakana ay humantong sa pagkataas sa kanya na sinisikap niyang patayin. Higit pa siyang nakatiyak na ito ang lalaki na sinabi ng Panginoon na mas mabuti kaysa kanya, at siya ang maghahari sa trono ng Israel na kahalili niya. Sa pag-aalis na sa lahat ng pagkukunwari, kanyang ipinag-utos kay Jonathan at sa mga opisyal ng korte na kitilin ang buhay ng isa na kanyang kinapopootan. MPMP 774.1
Ipinahayag ni Jonathan kay David ang panukala ng hari at nakiusap sa kanya na magtago samantalang siya naman ay makikiusap sa kanyang ama na huwag patayin ang buhay ng tagapagligtas ng Israel. Ipinahayag niya sa hari ang nagawa ni David upang maingatan ang karangalan at maging ang buhay ng bansa, at ang kilabot na pagkakasala ang tatahan sa papatay sa buhay ng isa na ginamit ng Dios upang pangalatin ang kanilang mga kaaway. Ang konsensya ng hari ay nakilos, at ang kanyang puso ay napalambot. “At sumumpa si Saul: buhay ang Panginoon, siya'y hindi papatayin.” Si David ay dinala kay Saul, at siya ay naglingkod sa kanyang harapan, gaya ng ginagawa niya nang nakaraan. MPMP 774.2
Ang digmaan ay muling ipinag-utos sa pagitan ng mga Israelita at ng mga Filisteo, at pinamunuan ni David ang hukbo laban sa kanilang mga kaaway. Nagkaroon ng malaking pagtatagumpay ang mga Hebreo, at pinuri ng kaharian ang kanyang karunungan at pagkabayani. Ito ay naging sanhi upang makilos ang dating mapait na pakikitungo ni Saul laban sa kanya. Samantalang ang kabataang lalaki ay tumutugtog sa harap ng hari, na pinupuno ang palasyo ng matamis na tunog, si Saul ay nadaig ng silakbo ng damdamin, at kanyang sinibat ng diyablin si David, iniisip na itusok noon ang manunugtog sa dingding; subalit inilipos ng Panginoon ang na- kamamatay na sandata. Si David ay tumakas at umuwi sa sarili ni- yang tahanan. Si Saul ay nagpadala ng mga tiktik upang kanilang makuha siya sa kanyang paglabas sa kinaumagahan, at mapatay. MPMP 774.3
Ipinagbigay-alam ni Michal kay David ang layunin ng kanyang ama. Pinilit niya siyang tumakas alang-alang sa kanyang buhay, at siya ay pinababa mula sa bintana, kung kaya't siya ay nakatakas. Siya ay tumakas tungo kay Samuel sa Rama, at ang propeta, na hindi natatakot sa galit ng hari, ay tumanggap sa pugante. Ang tahanan ni Samuel ay isang matahimik na lugar kumpara sa palasyo ng hari. Dito, sa kalagitnaan ng mga burol, ipinagpatuloy ng pinarangalang lingkod ng Panginoon ang kanyang gawain. Isang grupo ng mga propeta ang kanyang kasama, at kanilang pinag-aaralan ng husto ang kalooban ng Dios at magalang na pinakikinggan ang mga pagtuturo na mula sa bibig ni Samuel. Mahahalaga ang mga aral na natutunan ni David mula sa guro ng Israel. Si David ay naniniwala na ang mga kawal ni Saul ay hindi uutusang sumalakay sa dakong ito na banal, walang lugar ang tila lubhang banal sa madilim na pag-iisip ng galit na hari. Ang pakikiugnay ni David sa propeta ay nagpatindi sa paninibugho ng hari, baka siya na iginagalang na propeta ng Dios sa buong Israel ay magpagamit sa kanyang impluwensya upang mapasu- long ang karibal ni Saul. Nang malaman ng hari kung nasaan si David, siya ay nagsugo ng mga opisyal upang dalhin siya sa Gabaa, kung saan pinapanukala niyang isakatuparan ang kanyang pagpatay. MPMP 775.1
Ang mga sugo ay pinahayo, upang kitilin ang buhay ni David; subalit may Isang mas dakila kay Saul ang pumigil sa kanila. Sila ay sinalubong ng hindi nakikitang mga anghel, tulad ng nangyari kay Balaam sa kanyang paghayo upang sumpain ang Israel. Sila ay nag- simulang manghula tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap, at ipinahayag ang kaluwalhatian at karilagan ni Jehova. Sa gano'ng paraan ay pinangibabawan ng Dios ang galit ng tao at ipinahayag ang Kanyang kapangyarihan sa pagpigil ng kasamaan, samantalang Kanyang binabakuran ang kanyang lingkod sa pamamagitan ng mga nag-iingat na mga anghel. MPMP 775.2
Ang balita ay nakarating kay Saul samantalang may kasabikan niyang hinihintay na si David ay mapasa ilalim ng kanyang kapangyarihan; subalit sa halip na madama ang panunumbat ng Dios, higit pa siyang nagalit, at nagsugo ng iba pang mga sugo. Ang mga ito rin ay dinaig ng kapangyarihan ng Dios, at nakikisama sa unang grupo sa panghuhula. Ang ikatlong grupo ng mga sugo ay pinahayo ng hari; subalit nang sila ay makarating sa grupo ng mga propeta, ang impluwensya ng Dios ay napasa kanila rin, at sila ay nanghula. Kaya't si Saul ay nagpasya na siya mismo ang hahayo, sapagkat ang matindi niyang galit ay hindi na mapipigilan pa. Siya ay nagpasyang hindi na maghihintay pa ng iba pang pagkakataon upang mapatay si David; sa oras na siya ay makarating sa dakong maaabot niya siya, panukala niyang patayin siya sa pamamagitan ng sarili niyang kamay, anuman ang maging bunga noon. MPMP 775.3
Subalit isang anghel ng Panginoon ang sumalubong sa kanya sa daan at pumigil sa kanya. Ang Espiritu ng Dios ang humawak sa kanya sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, at siya ay humayong dumadalangin sa Dios, na may kasamang mga panghuhula at banal na mga himig. Nanghula siya tungkol sa darating na Mesias bilang Tagapagtubos ng sanlibutan. Nang siya ay makarating sa tahanan ng hari sa Rama, ay hinubad niya ang kanyang panlabas na mga kasuotan na sagisag ng kanyang ranggo, at buong maghapon at buong magdamag siyang nahiga sa harap ni Samuel at ng kanyang mga mag-aaral, sa ilalim ng impluwensya ng Banal na Espiritu. Ang bayan ay natipon upang saksihan ang kahimahimalang pangyayaring ito, at ang karanasan ng hari ay iniulat hanggang sa malalayong lugar. Kaya't sa gano'ng paraan minsan pa, sa pagtatapos ng kanyang paghahari, naging kasabihan sa Israel na si Saul ay kabilang sa mga propeta. MPMP 776.1
Sa muli ang mang-uusig ay nadaig sa kanyang layunin. Tiniyak niya kay David na siya ay may kapayapaan na sa kanya, subalit maliit ang tiwala ni David sa pagsisisi ng hari. Kinuha niya ang pagkakataong ito upang tumakas, baka magbago ang takbo ng pag-iisip ng hari, tulad ng dati. Ang kanyang puso ay may sugat sa loob niya, at ninasa niyang makitang muli ang kanyang kaibigan na si Jonathan. Batid ang kanyang kawalan ng kasalanan, hinanap niya ang anak ng hari at nakiusap sa isang pinakanakakakilos na paraan. “Anong aking ginawa?” tanong niya, “anong aking kasamaan? at anong aking kasalanan sa harap ng iyong ama, upang kanyang usigin ang aking buhay?” Si Jonathan ay naniniwala na ang kanyang ama ay nagbago na ng layunin at wala nang panukalang patayin si David. At sinabi ni Jonathan sa kanya, “Malayo nawa; hindi ka mamamatay: narito, ang aking ama ay hindi gumagawa ng anomang bagay na malaki o maliit kundi niya ipaalam sa akin: at bakit ililihim sa akin ng aking ama ang bagay na ito? hindi gayon.” Makalipas ang kahanga-hangang pagpapahayag ng kapangyarihan ng Dios, si Jonathan ay hindi makapaniwala. May lubhang kataimtiman na kanyang sinabi kay Jonathan, “Buhay nga ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, na iisang hakbang ang pagitan ko sa kamatayan.” MPMP 776.2
Sa panahon ng bagong buwan isang banal na kapistahan ang ipagdiriwang sa Israel. Ang kapistahang ito ay magaganap sa sunod na araw makalipas ang pag-uusap ni David at ni Jonathan. Sa piging na yaon ay inaasahang ang dalawang kabataang lalaki ay kapwa haha- rap sa hapag kainan ng hari; subalit si David ay nangangambang pumaroon, at isinaayos na siya ay kinakailangang dumalaw sa kanyang mga kapatid sa Bethlehem. Sa kanyang pagbabalik ay magtatago siya sa isang parang na hindi malayo sa pinagdadausan ng piging, tatlong araw na hindi magpapakita sa harap ng hari; at aalamin ni Jonathan ang magiging epekto nito kay Saul. Kung ipagtatanong kung nasaan ang anak ni Isai, sasabihin ni Jonathan na siya ay umuwi upang dumalo sa paghahaing ipagkakaloob ng sambahayan ng kanyang ama. Kung walang magiging pagpapahayag ng galit ang hari, sa halip ay kanyang sasabihin, “Mabuti,” kung magkagayon magiging ligtas para kay David ang bumalik sa korte. Subalit kung siya ay magagalit sa hindi niya pagdalo, iyon ang magpapasya ng tungkol sa pagtakas ni David. MPMP 777.1
Noong unang araw ng piging ang hari ay hindi nagtanong kung bakit wala si David; subalit nang ang kanyang lugar ay bakante noong ikalawang araw, siya ay nagtanong, “Bakit hindi naparirito ang anak ni Isai upang kumain, ni kahapon, ni ngayon man. At sumagot si Jonathan kay Saul, namanhik si David na bayaan ko siya na pumaroon sa Bethlehem: At kanyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako; sapagkat ang aming angkan ay may paghahain sa bayan; at iniutos sa akin ng aking kapatid na ako ay dumuon; at ngayon kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay bayaan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at aking tingnan ang aking mga kapatid. Kaya hindi siya naparito sa dulang ng hari.” Nang marinig ni Saul ang mga pananalitang ito, ang kanyang galit ay nag-alab. Kanyang ipinahayag na habang si David ay nabubuhay, si Jonathan ay hindi maaaring mapasa trono ng Israel, at kanyang ipinag-utos na si David ay mapuntahan agad upang mapatay. Si Jonathan ay muling namagitan para sa kanyang kaibigan, na nakikiusap, “Bakit siya papatayin? anong kanyang ginawa?” Ang pakiusap na ito sa hari ay naging sanhi lamang upang lalo pa siyang maging parang si Satanas sa kanyang pagkagalit, at ang sibat na inihahanda niya para kay David ay kanya ngayong isinibat sa sarili niyang anak Ang prinsipe ay nalungkot at nagkaroon ng galit, at nang iniwan ang palasyo ng hari, siya ay hindi na isang panauhin sa piging. Ang kanyang kaluluwa ay napayukod sa kalungkutan samantalang siya ay nagtungo sa ikatakdang oras sa lugar na kung saan malalaman ni David ang panukala ng hari sa kanya. Nagyakap ang dalawa, at tumangis ng husto. Ang madilim na pagnanasa ng hari ay nagbahid ng anino noon sa buhay ng mga kabataang lalaki, at ang kanilang kalungkutan ay labis ang tindi upang mabigkas. Ang huling mga pananalita ni Jonathan ay narinig ni David samantalang sila ay naghihiwalay upang tumahak sa magkaibang landas “Yumaon kang payapa, yamang tayo'y kapwa sumumpa sa pangalan ng Panginoon na nagsasabi. Ang Panginoon ay lalagay sa gitna natin, at sa gitna ng aking binhi at iyong binhi, magpakailan man.” MPMP 777.2
Ang anak ng hari ay bumalik sa Gabaa, at si David ay nagmadali upang makarating sa Nob, isang lungsod na ilang milya lamang ang layo, at sakop pa rin ng lipi ng Benjamin. Ang tabernakulo ay dinala sa dakong ito mula sa Silo, at dito si Ahimelech na punong saserdote ay naglilingkod. Hindi alam ni David kung saan tatakas upang mag- kubli, liban lamang sa lingkod ng Dios. Ang saserdote ay tumingin sa kanya na may pagtataka, nang siya ay dumating na nagmamadali at nag-iisa, at mukhang balisa at nalulungkot. Siya ay nagtanong kung ano ang naghatid sa kanya doon. Ang kabataan ay may nag- tutuluy-tuloy na takot na baka siya ay makita, at sa kanyang mahigpit na pangangailangan siya ay gumamit ng panlililinlang. Sinabi ni David na siya ay sinugo doon ng hari sa isang lihim na layunin, isa na nangangailangan ng sukdulang espedisyon. Dito ay nagpahayag siya ng kakulangan ng pananampalataya sa Dios, at ang kanyang kasalanan ay naging sanhi ng pagkamatay ng punong saserdote. Kung malinaw lamang sana niyang inihayag ang katotohanan, nalaman sana ni Ahimelech kung ano ang kanyang gagawin upang iligtas ang kanyang buhay. Ipinag-uutos ng Dios na ang pagiging makatotohanan ay maging tatak ng Kanyang bayan maging sa pinakadakilang pa- nganib. Si David ay humingi sa saserdote ng limang tinapay. Ang lalaki ng Dios ay walang ibang tinapay kundi yaong banal na tinapay, subalit nagawa ni David na maalis ang kanyang mga pag-aalangan, at nakuha ang tinapay upang maalis ang kanyang gutom. MPMP 778.1
Isang bagong panganib ngayon ay naghahayag ng kanyang sarili. Si Doeg, pinakapuno sa mga pastor na nauukol kay Saul, na nag- aangkin ng pananampalataya ng mga Hebreo, na ngayon ay nagba- bayad ng kanyang mga panata sa dako ng pagsamba. Nang makita ang lalaking ito si David ay nagpasyang magmadali upang magkaroon ng ibang dakong pagtataguan, at upang makakuha ng sandata na sa pamamagitan noon ay maipagtanggol ang sarili kung ang pag- tatanggol sa sarili ay kakailanganin. Humingi siya kay Ahimelech ng isang tabak, at sinabi sa kanya na wala liban lamang sa tabak ni Goliath, na iniingatan bilang banal na alaala sa tabernakulo. Si David ay sumagot, “walang ibang gaya niyaon; ibigay mo sa akin.” Ang kanyang lakas ng loob ay nagpanibagong sigla nang kanyang hawakan ang tabak na minsan ay ginamit niya sa pagpatay sa bayani ng mga Filisteo. MPMP 779.1
Si David ay tumakas tungo kay Achis, hari ng Gath; sapagkat kanyang nadama na mayroong higit na kaligtasan sa kalagitnaan ng mga kaaway ng kanyang bayan kaysa mga nasasakupan ni Saul. Subalit may nagsabi kay Achis na si David ang lalaking nakapatay sa bayani ng mga Filisteo ilang taon na ang nakalilipas; at ngayon siya na naghahanap ng mapagkukublihan sa mga kaaway ng Israel ay nakita ang kanyang sarili na nasa malaking panganib. Subalit sa pagkunwa- ring isang sira ang bait, kanyang nilinlang ang kanyang mga kaaway at nakatakas. MPMP 779.2
Ang unang pagkakamali ni David ay ang hindi niya pagtitiwala sa Dios sa Nob, at ang kanyang ikalawang pagkakamali ay ang kanyang panlilinlang sa harap ni Achis. Si David ay nagpahayag ng marangal na mga likas ng pagkatao, at ang kanyang moralidad ang sanhi ng pagkalugod sa kanya ng mga tao; subalit nang ang pagsubok ay dumating sa kanya, ang kanyang pananampalataya ay nauga, at ang kahinaan ng tao ay nahayag. Ang naging tingin niya sa bawat lalaki ay isang tiktik at isang tagapagkanulo. Sa isang malaking biglang pangangailangan si David ay tumingin sa Dios na may tapat namang pananampalataya, at napatay ang higanteng Filisteo. Siya'y naniwala sa Dios, siya'y humayo sa kanyang pangalan. Subalit nang siya'y hinuhuli at inuusig, ang pagkalito at pag-aalala ay halos tumabing na sa kanyang Amang nasa langit mula sa kanyang paningin. MPMP 779.3
Gano'n pa man ang karanasang ito ay nagsisilbi upang si David ay maturuan ng karunungan; sapagkat inakay siya noon upang mabatid ang kanyang kahinaan at ang pangangailangan niyang patuloy na pagpapakalinga sa Dios. O, anong halaga ng matamis na impluwensya ng Espiritu ng Dios kapag ito'y dumarating sa mga nag- aalala at nawawalan ng pag-asa na mga kaluluwa, nagpapalakas ng loob sa nanlulupaypay, nagpapalakas sa mahina, at nagbibigay ng katapangan at tulong sa mga sinusubok na mga lingkod ng Dios! O, anong Dios ang atin, na mahinahon sa nagkakasala at nagpapahayag ng Kanyang pagpapasensya at pagmamahal sa panahon ng pangangailangan, at kung tayo ay napupuspos ng ilang malaking kalungkutan. MPMP 780.1
Ang bawat pagkakamali sa bahagi ng mga anak ng Dios ay dahil sa kakulangan ng kanilang pananampalataya. Kapag ang kadiliman ay nakapalibot sa kaluluwa, kung tayo ay nagkukulang sa liwanag at sa pagpatnubay, tayo ay kinakailangang tumingin sa itaas; mayroong liwanag sa kabila ng kadiliman. Si David ay hindi dapat nagkaroon ng hindi pagtitiwala sa Dios kahit sa isang sandali. Siya ay mayroong dahilan upang magtiwala sa kanya: siya ang pinahiran ng Panginoon, at sa kalagitnaan ng panganib siya ay iningatan ng mga anghel ng Dios; siya ay nasandatahan ng tapang upang gumawa ng kahanga- hangang mga bagay; at kung inalis lamang niya ang kanyang pag- iisip sa nakapag-aalalang kalagayan na kung saan siya ay napalagay, at inisip ang kapangyarihan at karilagan ng Dios, nagkaroon sana siya ng kapayapaan sa kalagitnaan ng mga lilim ng kamatayan; ma- gagawa niyang banggitin na may pagtitiwala ang pangako ng Panginoon, “Ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; ngunit ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis.” Isaias 54:10. MPMP 780.2
Sa mga kabundukan ng Juda, si David ay naghanap ng mapag- kukublihan mula sa paghabol ni Saul. Ginawa niyang mabuti ang kanyang pagtakas tungo sa yungib ng Adullam, isang lugar na kung saan, kasama ang isang maliit na puwersa, ay maaaring maingatan laban sa isang malaking hukbo. “At nang mabalitaan ng kanyang mga kapatid at ng sambahayan ng kanyang ama, kanilang nilusong siya roon.” Ang sambahayan ni David ay hindi maaaring makadama ng pagiging ligtas, sa kaalaman na anumang oras ang hindi makatarungang paghihinala ni Saul ay maaaring ituon laban sa kanila dahil sa kanilang relasyon kay David. Kanila na ngayong nalaman— ang malalaman ng pangkalahatan sa Israel—na pinili ng Dios si David bilang pinuno ng Kanyang bayan sa hinaharap; at sila'y nanini- wala na sila ay higit na ligtas kung kasama siya, bagaman siya ay isang pugante sa isang malungkot na yungib, kaysa kung sila ay nakalantad sa wala sa sarili na pagkagalit ng isang naninibughong hari. MPMP 780.3
Sa yungib ng Adullam ang sambahayan ay nagkaisa sa pagda- damayan at pag-iibigan. Ang anak ni Isai ay maaaring gumawa ng himig sa pamamagitan ng tinig at ng alpa samantalang kanyang inaawit, “Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!” Mga Awit 133:1. Kanyang nalasahan ang kapaitan ng hindi pagtitiwala ng kanyang mga kapatid; at ang pagkakasundo na pumalit sa lugar ng di pagkakasundo ay naghatid ng kagalakan sa puso ng isang naglagalag. Dito ni David kinatha ang ika-limampu't pitong awit. MPMP 781.1
Di nagtagal ang grupo ni David ay sinamahan ng iba pa na nagnanais makatakas sa pagiging mapaghanap ng hari. Marami ang nawalan na ng tiwala sa hari ng Israel, sapagkat nakikita nila na hindi na siya pinapatnubayan ng Espiritu ng Panginoon. “At bawat isa na napipighati, at bawat isa na may utang, at bawat isa na may kalum- bayan” ay nagtungo kay David, “at siya'y naging punong kawal nila: at nagkaroon siya ng may apat na raang tao.” Dito si David ay nagkaroon ng sariling maliit na kaharian, at doon ay may kaayusan at disiplina. Subalit maging sa pahingahang ito sa mga bundok siya ay malayo sa pagdama ng pagiging ligtas, sapagkat patuloy siyang tu- matanggap ng katibayan na hindi pa itinitigil ng hari ang kanyang panukalang pagpatay. MPMP 781.2
Nakasumpong siya ng mapagkukublihan para sa kanyang mga magulang sa hari ng Moab, at nangyari, sa isang babala ng panganib mula sa isang propeta ng Panginoon, siya ay tumakas mula sa lugar na kanyang pinagtataguan tungo sa gubat ng Mareth. Ang karanasang dinadaanan ni David ay hindi naging walang halaga o hindi nagbunga. Siya ay binibigyan ng Dios ng isang landas ng pagdisiplina upang ihanda siya na maging isang matalinong heneral at isang makatarungan at mahabaging hari. Kasama ng kanyang grupo ng mga pugante siya ay nagkakaroon ng paghahanda upang ang gawain, na dahil sa pagnanasang pumatay at bulag sa kawalan ng mabuting pagpapasya, si Saul ay nagiging lubhang hindi angkop upang guma- nap. Wala nang kasing lala, kasing wala nang pag-asa, tulad sa pagsunod sa karunungan ng tao, na hindi napapatnubayan ng kalooban ng Dios. MPMP 781.3
Si Saul ay naghahanda upang mabitag at mahuli si David sa yungib ng Adullam, at nang matuklasan na ang dakong ito na pinag- kukublian ay iniwan na ni David, ang hari ay lubhang nagalit. Ang naiisip lamang niya na dahilan noon ay yaong sa kanyang kampo ay mayroong traidor, na nagbigay alam sa anak ni Isai tungkol sa kanilang kalapitan at sa kanilang panukala. MPMP 782.1
Tiniyak niya sa kanyang mga tagapayo na mayroong pagsasabwa- tang nabuo laban sa kanya, at sa pag-aalok ng mayayamang mga kaloob at posisyon ng karangalan sinuhulan niya sila upang ipahayag kung sino sa kanyang bayan ay may pakikipagkaibigan kay David. Si Doeg na isang Edomita ay naging tagapagsumbong. Kinilos ng am- bisyon at kaimbutan, at ng galit sa saserdote, na nagsansala sa kanyang kasalanan, isinalaysay ni Doeg ang pagdalaw ni David kay Ahimelech, ipinahayag ang bagay na iyon sa paraang makapupukaw sa galit ni Saul laban sa lalaki ng Dios. Ang mga salita ng pilyong dilang iyon, nagpasindi sa malaimpiyernong apoy, na kumilos sa pinaka malalang simbuyo ng damdamin sa puso ni Saul. Nasiraan ng bait dahil sa galit, kanyang ipinag-utos na ang buong sambahayan ng saserdote ay kinakailangang mamatay. At ang kilabot na utos ay isinakatuparan. Hindi lamang si Ahimelech, kundi pad ang mga kaanib ng sambahayan ng kanyang ama—“walumpu't limang lalaki na nag- susuot ng epod na lino”—ang napatay sa ipinag-utos ng hari, sa pamamagitan ng kamay ni Doeg na handang pumatay. MPMP 782.2
“At sinugatan ng talim ng tabak ang Nob, ang bayan ng mga saserdote, ang mga lalaki at gayon din ang mga babae, ang mga bata at ang mga pasusuhin, at ang mga baka at ang mga asno at ang mga tupa.” Ito ang maaaring magawa ni Saul sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Nang sabihin ng Dios na ang kasalanan ng mga Amalekita ay puno na, at iniutos sa kanya na puksain silang lubos, inisip niya na siya ay lubhang maawain upang isakatuparan ang hatol ng Dios, at hindi niya pinatay yaong itinalaga na upang patayin; subalit ngayon, na walang ipinag-uutos mula sa Dios sa ilalim ng pagpatnubay ni Satanas, kaya niyang patayin ang mga saserdote ng Panginoon at maghatid ng pagkawasak sa mga naninirahan sa Nob. Gano'n ang nagiging pagkasira ng puso ng tao na tumatanggi sa pagpatnubay ng Dios. MPMP 782.3
Ang ginawang ito ay naghatid ng takot sa buong Israel. Ang hari na kanilang pinili ang gumawa ng kalupitang iyon, at ginaya lamang niya ang ginagawa ng mga hari ng ibang mga bansa na walang pagkatakot sa Dios. Ang kaban ay nasa kanila, subalit ang mga saserdote na kanilang pinagtatanungan ay pinatay na sa pamamagitan ng MPMP 783.1