Sa gitna ng kadiliman na lumukob sa lupa sa loob ng mahabang panahong pangingibabaw ng kapapahan, ang ilaw ng katotohanan ay hindi lubos na namatay. Sa bawa't panahon ay nagkaroon ang Diyos ng mga saksi—mga taong nagmahal sa pananampalataya kay Kristo na siyang tanging tagapamagitan sa Diyos at sa tao, mga taong naniwala na ang Banal na Kasulatan ay siyang tanging tuntunin ng kabuhayan, mga taong nangilin ng tunay na Sabado. Kung gaano kalaki ang utang ng sanlibutan sa mga taong ito, ay hindi maaalaman ng mga inanak kailan man. MT 53.1
Ang kasaysayan ng bayan ng Diyos sa loob ng mga panahon ng kadiliman na sumunod sa panahon ng pangingibabaw ng Roma, ay nasusulat sa langit, datapuwa't kakaunti ang lugar nito sa ulat ng mga tao. Kakaunti ang mga ulat na ating matatagpuang nagsasaad ng tungkol sa kanilang pananatili, maliban sa mga kinatatalaan ng mga paratang ng mga nagsipag-usig sa kanila. Pamamalakad ng Roma na pawiin ang bawa't bakas ng pagtutol sa kanyang mga aral at mga pasiya. Ang bawa't bagay na eretikal, kung mga tao man o mga sinulat, ay sinikap niyang pawiin. Ang mga pangungusap na may alinlangan, o ang mga pag-aalinlangan sa mga dogma ng kapapahan, ay sapat na upang ikamatay ng mayaman man o mahirap, ng dakila o hamak. Pinagsikapan din naman ng Roma na sirain ang lahat ng ulat ng kanyang kalupitan sa mga nagsitutol. Ipinasiya ng mga sanggunian ng kapapahan na ang mga aklat at mga sinulat na naglalaman ng gayong mga ulat ay dapat ibigay sa liyab ng apoy. Bago nakatha ang paglilimbag, ay iilan lamang ang mga aklat, at nasa isang ayos na hindi maiingatan; sa gayo'y wala ngang naging hadlang ang mga Romanista sa pagsasagawa ng kanilang hangarin. MT 53.2
Walang iglesya sa nasasakupan ng Roma na nagtagal sa pagtatamasa ng kalayaan ng budhi na hindi ginambala. Kapagkarakang matamo ng kapapahan ang kapangyarihan, inunat niya agad ang kanyang mga bisig upang durugin ang lahat ng tatangging kumilala sa kanyang pamamahala; at sunud-sunod na sumuko ang mga iglesya sa kanyang pananakop. MT 54.1
Sa mga lupaing hindi nasasaklaw ng Roma, ay nanatili sa loob ng maraming dantaon ang mga katipunan ng mga Kristiyano na halos nalayo sa kasamaan ng kapapahan. Nalilibot ang mga ito ng mga pagano, at sa kahabaan ng panahon ay nahawa sila sa mga kamalian ng mga pagano, datapuwa't nanatili rin silang kumilala sa Biblia na siyang tanging patakaran ng pananampalataya, at nanghawak sila sa marami sa mga katotohanan nito. Ang mga Kristiyanong ito ay naniwala sa pamamalagi ng kautusan ng Diyos at ipinangilin nila ang Sabado ng ikaapat na utos.1Tingnan ang paliwanag sa p. 43. Ang mga iglesyang nanghawak sa pananampalataya at pagsasagawa nito ay nangasa Gitnang Aprika at sa Armenya sa Asya. MT 54.2
Datapuwa't sa mga nagsihadlang sa panghihimasok ng kapangyarihan ng papa, ay nangunguna ang mga Baldense. Doon sa lupaing matibay ang luklukan ng kapapahan ay doon naman mahigpit na tinutulan ang kanyang karayaan at kasamaan. Daan-daang taon na ang mga iglesya sa Piamonte ay malaya datapuwa't sa wakas ay dumating din ang panahon na pinilit silang pasukuin ng Roma. Pagkatapos ng pawang bigong pakikitalad sa kanyang kapangyarihan ng mga pinuno ng mga iglesyang ito, napilitan din silang kumilala sa isang kapangyarihang waring iginagalang ng buong sanlibutan. Gayon ma'y may- roong ilang hindi sumuko sa kapangyarihan ng papa o prelado. Ipinasiya nila ang pananatiling tapat sa pakikikampi sa Diyos at ingatan ang kalinisan at kadalisayan ng kanilang pananampalataya. Nangyari ang pagkakahati. Yaong mga nanghawak sa dating pananampalataya ay humiwalay; ang ilang tumakas sa tinubuan nilang Alpes ay nagtirik ng bandila ng katotohanan sa mga ibang lupain; ang mga iba naman ay nangagtago sa mga yungib at sa mabatong liblib ng kabundukan, at doo'y pinanatili nila ang kanilang kalayaang sumamba sa Diyos. MT 54.3
Ang pananampalatayang sa loob ng maraming dantaon ay pinanghawakan at itinuro ng mga Kristiyanong Baldense, ay kaibang-kaiba sa mga maling aral na itinuro ng Roma. Ang paniniwala nila tungkol sa relihiyon ay nasasalig sa nasusulat na salita ng Diyos, na siyang tunay na batayan ng pananampalatayang Kristiyano. Ipinakipaglaban nila ang pananampalataya ng iglesya na itinatag ng mga apostol—ang “pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal.”2Judas 3. Ang “iglesya sa ilang,” at hindi ang palalong kalipunan ng mga pari na naluluklok sa dakilang punong-lunsod, ang tunay na iglesya ni Kristo, ang tagapag-ingat ng kayamanan ng katotohanan na inihabilin ng Diyos sa Kanyang bayan upang ipangaral sa sanlibutan. MT 55.1
Ang mga Baldense ay kabilang sa unang mga tao sa Europa na nagkaroon ng salin ng Banal na Kasulatan. Daan-daan pang taon bago dumating ang Reporma, ay mayroon na silang manuskrito ng Biblia sa kanilang sariling wika. Nasa kanila ang katotohanan na walang halo, at dahil dito'y tangi silang kinapootan at pinag-usig. Ipinahayag nila na ang Iglesya ng Roma ay siyang Babilonyang tumalikod na sinasabi sa Apokalipsis, at sa kapahamakan ng kanilang mga buhay, ay tumindig sila upang labanan ang kanyang kasamaan. Samantalang sila'y nasa ilalim ng matagal at patuloy na pag- uusig, ipinakipagkasundong may pasubali ng ilan ang kanilang pananampalataya, unti-unting bumitiw sila sa mga katangi-tanging simulain nito, subali't ang iba naman ay nanghawak na matibay sa katotohanan. Sa loob ng maraming panahon ng kadiliman at pagtalikod sa katotohanan ng Diyos, ay may ilan sa mga Baldense na ayaw kumilala sa kapangyarihan ng Roma, tumangging sumamba sa mga larawan, at sila'y nangilin ng tunay na Sabado. MT 55.2
Wagas, simple, at maningas ang kabanalan ng nrga alagad na ito ni Kristo. Ang mga simulain ng katotohanan ay pinahalagaban nila ng higit sa mga bahay, at mga lupa, mga kaibigan, kamaganak, at maging sa kanilang sariling buhay nran. Ang mga simulaing ito ay pinagsikapan nilang itanim na mabuti sa puso ng mga kabataan. Itinuro sa mga bata mula pa sa kanilang kasanggulan ang banal na Kasulatan, at itinurong kilalaning banal ang mga pag angkin ng utos ng Diyos. Bihira noon ang Biblia; dahil dito'y ang mahahalagang salita nito ay isinaulo nila. MT 56.1
Ang iglesya ng mga Vaudois sa kanilang kalinisan at kasimplihan, ay walang iniwan sa iglesya noong kaarawan ng mga apostol. Naniwala silang ang Banal na Kasulatan ay siyang tanging mapanghahawakan na hindi nagkakamali. Pinakain ng kanilang mga pastor ang kawan ng Diyos na inaakay sila sa mga sariwang pastulan at sa mga buhay na bukal ng Kanyang banal na salita. Malalayo sa mga bantayog ng karangyaan at kapalaluan ng tao, sila'y ragtitipon hindi sa magagarang mga simbahan o sa malalaking katedral, kundi sa lilinr ng mga bundok, at sa mga kapatagan ng Alpes o kung panahon rg kapanganiban, ay sa mga muog na kabatuhan, upang pakinggan ang mga salita ng katotohanan na ibinabalita ng mga lingkod ni Kristo. MT 56.2
Tumanggap ng aral ang mga kabataan sa kanilang mga pastor. Bagaman pinag-aaralan nila ang ilang sangay ng karunungan, ang Biblia ay siyang lalo nang kanilang pir.agaaralan. Ang mga ebanghelyo ni Mateo at ni Juan at marami pang ibang sulat ng mga apostol ay isinaulo. Isinalin din naman nila ang Kasulatan. Ang ilang salin ay naglalaman ng buong Biblia, ang mga iba naman ay ilang maiigsing sipi, na dinugtungan ng ilang magagaang paliwanag niyaong mga maalam magpaliwanag sa mga Kasulatan. Ang mga anghel sa langit ay humahantong sa palibot ng mga tapat na manggagawang ito. MT 56.3
Pinanukala ng Diyos na ang Biblia ay maging aklat na pag-aaralan ng buong sangkatauhan, sa pagkabata. sa kabataan, at sa katandaan, at dapat pag-aaralan sa buong panahon. Ibinigay Niya ang Kanyang salita sa mga tao bilang pagpapahayag ng Kanyang sarili. Ang bawa't bagong katotohanang natuklasan ay isang sariwang paglalahad sa likas ng Diyos na May-gawa. Ang pagaaral ng Kasulatan ay siyang paraang itinatag ng Diyos upang mailapit na lalo ang mga tao sa May-lalang sa kanila, at upang bigyan sila ng isang lalong maliwanag na pagkakilala sa Kanyang kalooban. Ito ang paraan ng pakikipag-usap ng Diyos sa tao. MT 57.1
Pagkapanggaling ng mga kabataan sa kanilang paaralang nasa kabundukan, ang ilan sa kanila ay ipinadadala sa mabubuting paaralan sa mga lunsod ng Pransya o Italya na kinaroroonan ng mga lalong malawak na mapag-aaralan, mapag-iisipan, at maoobserbahan kaysa kung sila'y nasa kanilang tahanan sa Alpes. Sa mga paaralang kanilang pinapasukan ay di dapat silang magkaroon ng sinumang katapatang-loob. Ang mga damit nila ay niyari sa isang paraang maaaring itago ang pinaka mahalaga nilang kayamanan—ang mahalagang manuskrito ng Banal na Kasulatan. Ang mga bungang ito ng kanilang pagsusumakit sa loob ng maraming buwan o taon, ay daladala nila. At kailan ma't walang makahahalata sa kanila, maingat nilang inilalagay ang Banal na Kasulatan sa daraanan ng sinuman na ang puso ay waring bukas sa pagtanggap ng katotohanan. MT 57.2
Ang espiritu ni Kristo ay isang espiritung misyo nero. Ang kauna-unahang tibukin ng pusong nabago ay ang maglapit din naman ng iba sa Tagapagligtas. Iyan ang espiritu ng mga Kristiyanong Vaudois. Nadama nilang hinihingi sa kanila ng Diyos ang lalong higit kaysa pag-iingat lamang sa kanilang sariling mga iglesya ng katotohanan sa kalinisan nito; na nabababaw sa kanila ang kapanagutang paningningin ang liwanag sa gitna n,g nangasa kadiliman. Sa pamamagitan ng malakas na kapangyarihan ng salita ng Diyos ay sinikap nilang patirin ang kaalipinang ipinilit sa kanila ng Roma. MT 57.3
Sinanay ang mga ministrong Vaudois bilang mga misyonero, at ang bawa't isa na may nasang pumasok sa paglilingkod ay kailangang magkaroon ng isang kasanayan sa pagka-ebanghelista. Ang bawa't isa'y kailangang maglingkod ng tatlong taon sa ilang bukirang misyonero bago mangasiwa sa isang iglesya sa sariling bayan. Ang paglilingkod na ito na sa pasimula pa'y nangangailangan ng pagtanggi sa sari at ng pagsasakripisyo ay isang pasimulang naaangkop sa kabuhayan ng pastor sa mga panahong sinusubok ang kaluluwa ng tao. Ang kabataang inordinahan para sa banal na tungkulin ay nakakikita sa kanilang harapan, hindi ng kayamanan at kaluwalhatian sa lupa, kundi ng isang kabuhayan ng paggawa at panganib, at maaari ring kamatayan ng isang martir. Dala-dalawang lumalakad ang mga misyonero gaya ng pagkapagsugo ni Jesus sa Kanyang mga alagad. Sa isang kabataang lalaki ay laging pinasasama ang isang may gulang na at may kasanayan; ang kabataan ay nasa ilalim ng patnubay ng kanyang kasama na siya namang nananagot sa pagsasanay sa kanya at ang kanyang turo ay kailangang sundin. Ang dalawang manggagawang ito ay hindi laging magkasama datapuwa't malimit magtagpo sa pananalangin at pagpapayuhan; sa gayo'y napalalakas ang isa't isa sa pananampalalaya. MT 58.1
Ang gawain ng mga misyonerong ito ay nagsimula sa mga kapatagan at sa libis sa paanan ng mga bundok na kinaroroonan nila, datapuwa t ito'y lumaganap sa kabila ng mga bundok na iyon. Walang sapin ang paa nila at magagaspang at marurumi ang mga damit sa paglalakbay gaya ng sa kanilang Panginoon, binagtas nila ang malalaking lunsod, at nagtungo sa malalayong lupain. Sa lahat ng dako ay inihasik nila ang mahalagang binhi. Sumibol ang mga iglesya sa kanilang dinaanan, at ang dugo ng mga martir ay sumaksi sa katotohanan. Ang kaarawan ng Diyos ay siyang maghahayag ng isang masaganang ani ng mga kaluluwang natipon dahil sa pagsisikap ng mga tapat na taong ito. Nalalambungan at tahimik, ang salita ng Diyos ay pumapasok sa buong lupang Kristiyano, at pinasasalubungan naman ng masayang pagtanggap sa tahanan at puso ng mga tao. MT 58.2
Sa ganang mga Baldense, ang Banal na Kasulatan ay hindi isang ulat lamang ng pakikitungo ng Diyos sa mga tao nang unang panahon, ni hindi isang pahayag ng mga kapanagutan at tungkulin para sa kasalukuyan, kundi isang paglalanlad ng mga kapanganiban at kaluwalhatian sa hinaharap na panahon. Naniniwala sila na hindi na malayo ang wakas ng lahat ng bagay; at habang pinagaaralan nila ang Biblia na may kalakip na pananalangin at pagluha ay lalo namang nakikintal sa kanila ang mahalagang pahayag nito, at ang kanilang tungkuling ipaalam sa mga iba ang nagliligtas na mga katotohanan nito. Nakita nilang napakalinaw na nahahayag sa mga banal na dahon nito ang panukala ng pagliligtas, at nasumpungan nila ang kaaliwan, pag-asa at kapayapaan sa pananampalataya kay Jesus. Sa pagsikat ng liwanag sa kanilang pang-unawa, at sa kagalakan rg kanilang mga puso, ay kinasabikan nilang itanglaw ang liwanag nito roon sa nangasa kadiliman ng kamalian ng kapapahan. MT 59.1
Nakita nila na sa pangunguna ng papa at ng mga pari, ay napakarami ang walang kabuluhang nagsisikap upang magkamit ng kapatawaran sa pamamagitan ng pagpapasakit sa kanilang mga katawan dahil sa pagkakasala ng kani- lang kaluluwa. Sa pagkapagturo sa kanila na magtiwala sa pagliligtas ng mabubuti nilang gawa, ay lagi nilang tinitingnan ang kanilang mga sarili, na dinidilidili nila ang kanilang makasalanang kalagayan, sa dahilang nakikita nilang sila'y nalalantad sa galit ng Diyos. Pinahirapan nila ang kaluluwa nila at katawan, gayon ma'y hindi rin sila nagkakaroon ng kaginhawahan. Sa ganya'y natalian ng mga aral ng Roma ang mga taong may mabubuting budhi. Libu-libo ang lumayo sa kanilang mga kaibiga't kamaganak, al ginugol ang kanilang mga buhay sa mga kombento. Sa pamamagitan ng malimit na pagaayuno at walang awang paghampas sa katawan, sa pagpupuyat sa hating-gabi, sa pagdapang mahabang oras sa malamig at basa-basang bato ng kanilang malungkot na tahanan, sa mahabang paglalakbay, sa pamamagitan ng penitensya at kakilakilabot na pagpapahirap sa katawan ay walang kabuluhang pinagsikapan ng libu-libo na magkamit ng kapayapaan ng budhi. Pinahihirapan ng pagkaalam nilang sila'y nagkasala, at ginagambala ng katakutan sa naghihiganting galit ng Diyos, marami ang patuloy na nagbata hanggang sa nanghina ang katawan nila at sila'y nabulid sa libingan na walang anumang silahis ng liwanag o pag-asa man. MT 59.2
Ang mga Baldense ay may kasabikang mamahagi ng tinapay ng buhay sa mga nagugutom na kaluluwa, buksan sa kanila ang mga pabalila ng kapayapaang nasa mga pangako ng Diyos, at ituro sila kay Kristo na siyang tangi nilang pag-asa at kaligtasan. Ang aral na ang mabubuting gawa ay makatutubos sa pagkasuway nila sa kautusan ng Diyos, ay pinaniwalaan nilang nasasalig sa kabulaanan. Ang pananalig sa sariling karapatan ng tao ay humahadlang sa pagkakita sa walang-hanggang pagibig ni Kristo. Si Jesus ay namatay na pinaka isang handog patungkol sa mga tao sapagka't walang magagawang anuman ang nagkasalang sangkatauhan na makapagtatagubilin sa kanyang sarili sa Diyos. Ang mga karapatan ng isang ipinako at nabuhay na mag-uling Tagapagligtas ay siyang patibayan ng pananampalatayang Kristiyano. Ang pananalig ng kaluluwa kay Kristo ay kasintunay, at ang pagkakaugnay nito ay dapat maging kasinlapit, gaya ng isang kamay sa katawan, o ng isang sarga sa puno ng ubas. MT 60.1
Ang mga aral ng mga papa at mga pari ay siyang umakay sa mga tao upang ipalagay nila na ang likas ng Diyos, at kahit na ni Kristo, ay mabagsik. malagim, at ayaw malapitan. Ipinakikilalang ang Tagapagligtas ay walang habag sa sangkatauhang nagkasala na anupa't ang pamamagitan ng mga pari at mga santo ay kailangang hingin. Nasasabik ang lahat ng naliwanagan ng salita ng Diyos na ituro ang mga taong nagkasala kay Jesus na siya nilang mahabagin at maibiging Tagapagligtas, na nakatayong nakaunat ang kamay, at nag-aanyayang lumapit sa Kanya ang lahat na taglay ang kanilang mga kasalanan, kaligaligan, at kapagalan. Kinasasabikan nilang alisin ang mga hadlang na itinambak ni Satanas, mga hadlang na pipigil upang huwag makita ng mga tao ang mga pangako at sa gayo'y makalapit na tuwiran sa Diyos upang ipahayag ang kanilang mga kasalanan, at magtamo ng patawad at kapayapaan. MT 61.1
May kasabikang inilahad ng mga misyonerong Vaudois ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo sa sinumang may nasang makaalam. Maingat niyang inilalabas ang isinulat na bahagi ng Banal na Kasulatan. Ang pinakamalaki niyang katuwaan ay ang magbigay ng pag-asa sa mga may budhing tapat at kaluluwang lipos ng kasalanan, na walang nakikita kundi isang mapaghiganting Diyos, na walang inaantay kundi ang humatol. Nangangatal ang kanyang mga labi at lumuluha ang kanyang mga mata, at malimit ay nakaluhod, na binubuksan niya sa kanyang mga kapatid ang mahalagang katotohanan na nagpahayag ng tanging pag-asa ng makasalanan. Sa ganyan ang liwanag ng katotohanari ay tumaos sa mara- ming nalalabuang pag-isip, na itinataboy ang maiitim na ulap ng kadiliman hanggang sa sumilang sa kanilang puso ang Araw ng Katuwiran 3Paliwanag: Ang pananalita sa Malakias 4:2 ay tumutukoy kay Kristo. na may kagalingan sa kanyang mga sinag. Marami ang hindi nadaya hinggil sa mga inaangkin ng Roma. Nakita nilang walang kabuluhan ang pamamagitan ng mga tao o ng mga anghel man patungkol sa makasalanan. Nang magliwayway ang tunay na liwanag sa kanilang mga pag-iisip, sa katuwaan ay napasigaw sila: “Si Kristo ang aking saserdote; ang Kanyang dugo ay siya kong hain; ang Kanyang dambana ay siya kong kumpisalan.” Inilagak nilang lubos ang kanilang sarili sa karapatan ni Jesus, na inuulit ang mga pangungusap: “Kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugud-lugod sa Kanya.”4Hebreo 11:6. “Walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na sukat nating ikaligtas.”5Mga Gawa 4:12. MT 61.2
Ang kasiguruhan ng pag-ibig ng Tagapagligtas ay wari manding totoong napakalaki upang madama ng kaawa-awang mga kaluluwang ipinapadpad ng bagyo. Gayon na lamang kalaki ang kaginhawahang dinala ng pag-ibig na ito at gayon na lamang ang liwanag na itinanglaw sa kanila, na anupa't wari baga'y nalipat na sila sa kalangitan. Pinahawakan nilang may pagtitiwala ang kanilang mga kamay kay Kristo; ang mga paa nila'y natatag sa Batong Buhay. MT 62.1
Sa mga lihim na dako, ang salita ng Diyos ay inilalabas at binabasa kung minsa'y sa isang tao lamang at kung minsan nama'y sa isang maliit na pulutong na nasasabik makakita ng liwanag at katotohanan. Madalas na buong magdamag ang nagugugol sa ganitong paraan. Nagiging gayon na lamang ang pagkamangha at paghanga ng nangakikinig, na anupa't ang sugo ng kaawaan ay malimit mapatigil sa kanyang pagbasa hanggang sa matarok ng pag-iisip ang mga balita ng kaligtasan. Madalas na sabi- hin nila ang ganito: “Tatanggapin kaya ng Diyos ang aking handog? Ako kaya'y Kanyang ngingitian?” “Patatawarin kaya Niya ako?” Saka babasahin naman ang tugon: “Magsiparito sa Akin kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y Aking papagpapahingahin.”6Mateo 11:28. MT 62.2
Ang pananampalataya ay nanghawak sa pangakong ito at ang masayang tugon ay narinig: “Wala nang malalayong paglalakbay pa upang sumamba; wala nang mahirap na paglalakad na papunta sa mga banal na dambana. Makalalapit na ako kay Jesus sa aking talagang kalagayang, makasalanan at walang kabanalan, at hindi Niya tatanggihan ang panalangin ng nagsisisi. ‘Pinatawad na ang inyong mga kasalanan.’ Ang aking kasalanan, oo, ang aking mga kasalanan ay maipatatawad Niya.” MT 63.1
Aapawan ang puso ng banal na katuwaan at ang pangalan ni Jesus ay dadakilain sa pamamagitan ng pagpupuri at pagpapasalamat. Ang nangatutuwang kaluluwang yaon ay nangagsiuwi sa kanilang tahanan upang ikalat ang liwanag at upang ulitin sa mga iba ang kanilang bagong karanasan; na natagpuan nila ang tunay at buhay na Daan. Nagkaroon ng isang naiiba at banal na kapangyarihan ang mga pangungusap sa Kasulatan na tahasang nagsalita sa mga puso niyaong nangasasabik na makaalam ng katotohanan. Yaon ang tinig ng Diyos, at ito y naghatid ng pagkahikayat sa puso ng nagsipakinig. MT 63.2
Ang mga pag-uusig na itong dumalaw sa nalolooban ng maraming dantaon sa mga taong itong may takot sa Diyos ay tiniis nila na may pagtitiyaga at pagtatapat na nagbigay dangal sa kanilang Manunubos. Sa kabila ng mga pagsalakay at ng mga malupit na pagpatay sa kanila, nagpatuloy silang nagsugo ng mga misyonero upang magkalat ng mahalagang katotohanan. Sila'y inusig sa kamatayan; subali't nadilig ng kanilang dugo ang bin- hing nahasik; at di nga sumala't ito'y nagbunga. Sa ganya'y daan-daan pang taon bago ipinanganak si Lutero, ay sumaksi na ang mga Baldense sa Diyos. Sa kanilang pagkakawatak-watak sa maraming lupain, itinanim nila ang mga binhi ng Reporma na nagpasimula sa panahon ni Wicleff, na siyang lumaki at lumaganap ng mga kaarawan ni Lutero, at patuloy na nailaganap hanggang sa wakas ng panahon sa pamamagitan niyaong mga nagnanasa rin namang magtiis ng lahat ng bagay dahil sa “salita ng Diyos at sa patotoo ni Jesus.”7Apocalipsis 1:9. MT 63.3