Samantalang sinasabi Niya sa kanila ang mga bagay na ito, may diunating sa kanila na isang pinuno at lumuhod sa harapan Niya at nagsabi, Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae, ngunit puntahan Mo siya at ipatong Mo ang lyong kamay sa kanya, at mabubuhay siya. Tumayo si Jesus at sumunod sa kanya, kasama ang Kanyang mga alagad. Mateo 9:18, 19 BN 138.1
Siya (si Cristo) ay giimawa para sa lahat ng makikinig sa Kanyang salita—hindi lamang sa maniningil ng buwis at sa mga itinakwil, kundi pati sa mayaman at may pinag-aralang Fariseo, sa maharlikang ]udio, sa senturyon, at sa pinunong Romano. Ito ang uri ng gawaing matagal ko nang nakikita na kailangang isagawa. BN 138.2
Nakapagtatakang ang mga nasa matataas na antas ng lipunan ay nakaligtaan. Matatagpuan sa kanila ang maraming tutugon sa katotohanan dahil ito ay hindi pabagu-bago, dahil nagtataglay ito ng tatak ng mataas na karakter ng ebanghelyo. Hindi kakaunti sa mga lalaking may kakayanan ang mahihikayat at may kasipagang papasok sa gawain ng Panginoon. BN 138.3
Ang mga tagapanguna at mga pulitiko, mga lalaking nasa mga posisyon ng pagtitiwala at kapangyarihan, mga nag-iisip na mga lalaki at babaing mula sa bawat antas, ay nakatuon ang pansin sa mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid. Binabantayan nila ang mga walang katiyakang relasyon sa pagitan ng mga bansa. Nakikita nila ang sidhing sumasakop sa bawat elemento sa mundo, at napag-aalaman nilang may mangyayaring dakilang bagay—na ang sanlibutan ay nasa bingit ng isang napakalaking krisis. BN 138.4
Hindi natin dapat makalimutan ang mga. . .abogado, ministro, senador, at mga hukom, na marami sa kanila ay mga alipin ng mga nakagawiang kawalang pagtitimpi. Walang pamamaraang hindi natin dapat subukin upang maipakita sa kanilang ang kanilang mga kaluluwa ay karapat-dapat na mailigtas, na ang buhay na walang hanggan ay karapat-dapat pagsumikapan. BN 138.5
Ang pinakadakilang mga lalaki sa lupa ay hindi lagpas sa kapangyarihan ng isang Diyos na nakagagawa ng mga himala. . . . Kapag nahikayat kay Cristo, marami ang magiging ahensya sa kamay ng Diyos sa paggawa para iba sa kanilang antas. . . . Tanging ang walang hanggan lamang ang maghahayag kung ano ang nagawa ng ganitong uri ng ministeryo—kung ilang kaluluwa, na nagdurusa sa pag-aalinlangan at napapagal sa sanlibutan at sa walang kapahingahan, ang nadala na sa Dakilang Tagapanumbalik. BN 138.6
Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga lunsod at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila at ipinangangaral ang magandang balita ng kaharian, at pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman. Mateo 9:35 BN 138.7