Ngunit sinabi ni ]esus, ‘Hayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalang lumapit sa Akin, sapagkat sa mga tulad nila nauukol ang kaharian ng langit. ]uan 19:14 BN 137.1
Saanman nagtungo angn Tagapagligtas, ang kabaitan ng Kanyang mukha atang maamoat mabuti Niyang pagkilosay nakaengganyo sa pagmamahal at pagtitiwala ng mga bata. .. . BN 137.2
iniwan ng isang ina kasama ng kanyang anak ang kanilang tahanan upang hanapin si Jesus. Sa daan ay sinabi niya sa isang kapitbahay ang kanyang layunin, at siya rin ay nagnais na basbasan ni Jesus ang kanyang mga anak. Kaya't ilang ina ang nagsamasama pati ng kanilang maliliit na anak. Ang ilan sa mga bata ay lumagpas na sa edad ng pagkasanggol tungo sa pagiging bata at kabataan.. . . Ngunit hinintay Niya kung paano sila tatratuhin ng mga alagad. Noong makita Niyang pinapauwi ang mga ina, na nag-aakalang makatutulong sila kay Jesus, ipinakita Niya ang kanilang pagkakamali na nagsasabi, “Hayaan ninyo ang mga maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalang lumapit sa Akin, sapagkat sa mga tulad nila nauukol ang kaharian ng langit.” Kinalong Niya ang mga bata, inilapat ang Kanyang mga kamay sa kanila, at ibinigay sa kanila ang basbas na kanilang layon. BN 137.3
Nais ng Diyos ang bawat bata na nasa murang edad ay maging Kanyang anak, na inampon sa Kanyang sambahayan. Bagaman sila ay bata, maaaring maging kaanib ng sambahayan ng pananampalataya ang mga kabataan, at magkaroon ng mahalagang karanasan Gagawin sila ni Cristo na mga maliliit na misyonero. Ang buong agos ng pag- iisip ay maaaring mabago, upang ang kasalanan ay hindi mag-aanyong kasiya-siya kundi isang bagay na dapat kamuhian at iwasan. . . . Ang Panginoon ay magbibigay ng karanasan sa mga maliliit na batang ito sa mga linyang misyonero. BN 137.4
Mnnari tayong makapagdala ng daan-daan at libu-libo kay Cristo kung tayo ay gagawa para sa kanila. BN 137.5
Ang mga bata ay dapat talagang turuan upang sila ay makiramay sa mga may edad at mga nagdurusa, at magsisikap na pagaanin ang paghihirap ng mga aba at nagugulumihanan. Dapat silang maturuan ng masikap na gawaing misyonero; at mula sa pinakamurang edad ang pagsasakripisyo at pagtanggi sa sarili para sa ikabubuti ng kapwa at pagpapasulong sa gawain ni Cristo ay dapat maitanim sa kanilang isip upang sila ay maging mga manggagawa kasama ng Diyos. BN 137.6