Subalit ang sinumang umiinom ng tubig na Aking ibibigay ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na Aking ibibigay sa kanya ay magiging isang bukal ng tubig tungo sa buhay na walang hanggan. Juan 4:14 BN 136.1
Sa Kanyang pakikipag-usap sa babaing Samaritana, imbes na siraan ang balon ni Jacob, naglahad si Jesus ng higit na mabuti Ibinaling Niya ang usapan sa taglay Niyang kayamanang handa Niyang ibigay. Nag-alok Siya sa babae ng higit na mabuti sa kanyang tinataglay sa kasalukuyan, ang tubig ng buhay, ang kasiyahan at pag-asa ng ebanghelyo. BN 136.2
Gaanoang pagmamalasakitni Cristo para sa isang babaing ito! Gaano ang pagkamasikap at kahusayan ng Kanyang mga salita! Noong marinig ito ng babae, iniwan niya ang kanyang sisidlan ng tubig at nagtungo sa lunsod, na sinasabi sa mga nakakasalubong niyang, “Halikayo, tingnan ninyo ang isang tao na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa. Ito na nga kaya ang Cristo?” Mababasa nating maraming mga Samaritano sa lunsod na iyon ang naniwala sa Kanya. At sino ang makatitimbang sa impluwensyang naidulot ng mga salitang ito para sa ikaliligtas ng mga kaluluwa sa mga taong lumipas mula noon! BN 136.3
Si Jesus ay personal na nakipag-ugnayan sa mga tao. Hindi Siya lumayo at humiwalay sa kanilang nangangailangan ng tulong Niya. Pumasok Siya sa mga tahanan ng mga tao, inaliw ang nalulumbay, pinagaling ang mga may karamdaman, ginising ang mga walang turing, at nagparoo't paritong gumagawa ng mabuti. At kung tayo ay susunod sa mga yapak ni Jesus, kailangan natinggawin iyong Kanyang ginawa. Kailangan nating bigyan ang mga tao ng tulong na kagaya ng Kanyang ibinigay. BN 136.4
Nagnanasa ang Panginoon na madala sa bawat kaluluwa ang mga salita ng Kanyang biyaya. Ang malaking bahagi nito ay kailangang magampanan sa pamamagitan ng personal na pagsisikap. Ito ang pamamaraan ni Cristo. Ang malaking bahagi ng Kanyang gawain ay binubuo ng personal na pakikipag-usap. Malaki ang pagpapahalaga Niya sa nag-iisang tagapakinig. Sa pamamagitan ng isang kaluluwang iyon madalas na ang mensahe ay naipaabot sa libu-Iibo Napakarami ang hindi maaabot ng ebanghelyo malibang ito ay dalhin sa kanila. BN 136.5