Sila'y sinugo Niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang magpagaling ng mga may sakit. Lucas 9:2 BN 135.1
Itinatag ni Jesus ang Kanyang pansamantalang pagamutan sa luntiang mga burol ng Galilea at sa bawat iba pang lugar kung saan madadala sa Kanya ang mga may karamdaman at mga naghihirap. Sa bawat lunsod, sa bawat bayan, at sa bawat nayong Kanyang dinaanan, taglay ang magiliw na kahabagan ng isang maibiging ama, inilapat Niya ang Kanyang kamay sa mga nahihirapan, at pinagaling sila. Binigyan ng kapangyarihan ang iglesiang gawin ang katulad na gawain. BN 135.2
Sa pagtatapos ng Kanyang ministeryo sa lupa, noong binigyan Niya ang mga alagad ng banal na tagubiling “humayo sa buong sanlibutan, at ipangaral ang ebanghelyo sa bawat nilalang,” sinabi Niyang ang kanilang ministeryo ay makatatanggap ng patotoo sa pamamagitan ng panunumbalik sa kalusugan noong may karamdaman. “lpapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit, at sila'y gagaling” (Marcos 16:18). Sa pamamagitan ng pagpapagaling sa mga karamdaman ng katawan sa Kanyang ngalan, sila ay magpapatotoo sa Kanyang kapangyarihan para sa pagpapagaling ng kaluluwa. BN 135.3
Ang sugo ng Tagapaglitas sa mga alagad ay sumasaklaw sa lahat ng mananampalataya hanggang sa kawakasan ng panahon Walang panahong ang pangangailangan ng sanlibutan para sa pagtuturo at pagpapagaling ay higit pa kaysa kasalukuyan. Ang mundo ay puno ng mga nangangailangang mapaglingkuran—mga mahihina, mga mahihirap, mga walang alam, mga aba. BN 135.4
Ang bayan ng Diyos ay kailangang maging mga tunay na misyonero mediko. Sila ay dapat matutong maglingkod sa pangangailangan ng kaluluwa at ng katawan. Marunong sila dapat magbigay ng mga payak na panlunas na napakalaki ang nagagawa upang alisin ang sakit at karamdaman. Alam nila dapat ang mga prinsipyo ng reporma sa kalusugan, upang kanilang maturuan ang iba na sa pamamagitan ng mga wastong gawi sa pagkain, pag-inom, at pananamit, ang karamdaman ay mapipigil at ang kalusugan ay mapapanumbalik. . . . Ang Dakilang Manggagamot. . .ay pagpapalain ang bawat isang susulong na may pagpapakumbaba at pagtitiwala, na nagsisikap na makapagbigay ng katotohanan para sa kapanahunang ito. BN 135.5
_______________
Sa isang natatanging paraan ang pagpapagaling sa mga may karamdaman ay ating gawain. BN 135.6