Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod. Mareos 10:45 BN 134.1
Marami ang nag-iisip na magiging napakalaking pribilehiyo ang makadalaw sa mga lugar ng buhay ni Cristo dito sa lupa, ang lumakad kung saan Siya lumakad, ang tumanaw sa lawa kung saan sa gilid nito ay natutuwa siyang mangaral, at sa mga burol at mga lambak na minasdan ng Kanyang mga mata. Ngunit hindi natin kailangang magtungo sa Nazaret, sa Capernaum, o sa Betania, upang lumakad sa mga yapak ni Jesus. Makikita natin ang Kanyang mga yapak sa tabi ng higaan ng may karamdaman, sa mga silong ng mga mahihirap, sa mga nagsisiksikang lagusan ng malaking Iunsod, at sa bawat lugar kung saan may mga pusong nangangailangan ng kaaliwan. Sa paggawa kung ano ang ginawa ni Cristo sa lupa, makalalakad tayo sa Kanyang mga yapak. . . . BN 134.2
Milyun-milyong mga kaluluwa ang nakahandang mamatay, na nakagapos sa mga tanikala ng kamangmangan at pagkakasala, ang hindi pa nakakarinig ng tungkol sa pag-ibig ni Cristo para sa kanila. Kung maipagpapalit ang ating kalagayan sa kanila, ano ang nanaisin nating gawin nila para sa atin? Lahat ng ito hanggang sa abot ng ating makakaya, ay ating pananagutang gawin para sa kanila. Ang panuntunan ni Cristo sa buhay, na ikabubuhay o ikamamatay ng bawat isa sa atin sa paghuhukom, ay “Anuman ang nais ninyong gawin sa inyo, ay gawin ninyo sa iba.” BN 134.3
Napakaraming mga kabataang alagad ang hindi sumusulong sa mga pangunahing katuruan ng karanasang Cristiano dahil ang gawaing ito ng kahabagan ay nakakaligtaan. Ang liwanag na nagningas sa kanilang mga puso noong nangusap si Jesus sa kanila, “Ang mga kasalanan mo'y napatawad na,” ay maaari sanang napanatili nilang buhay sa pamamagitan ng pagtulong sa nangangailangan. Ang hindi mapalagay na kalakasang madalas na nagiging sanhi ng panganib sa mga kabataan ay maaaring ilagay sa mga daluyan kung saan ito ay aagos sa mga batis ng pagpapala. Makalilimutan ang sarili sa masikap na paggawa ng kabutihan para sa kapwa. BN 134.4