At mula sa inyo ay itatayo an g dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga saligan ng maraming salinlahi; at ikaw ay tatawaging tagapag-ayos ng sira, ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. Isaias 58:12 BN 133.1
Ang gawaing tinutukoy sa mga salitang ito ay ang gawaing hinihingi ng Diyos na gawin ng Kanyang bayan. Pinili mismo ng Diyo ang gawaing ito. Sa gawain ng pagtataguyod ng batas ng Diyos at pagsasaayos sa butas na nagawa sa kautusan ng Diyos, dapat nating isama ang kahabagan para sa naghihirap na katauhan. Dapat tayong magpakita ng pinakamataas na pag-ibig sa Diyos. Dapat nating itaas ang Kanyang bantayog, na yinurakan ng mga hindi banal na mga paa; at kasama dito, dapat tayong magpakita ng kahabagan, kabutihan, at pinakamagiliw na kaawaan para sa lahing nagkasala. “rbigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Bilang isang bayan, kailangan nating panghawakan ang gawaing ito. Ang pag-ibig na ipinahayag para sa nagdurusang sangkatauhan ay nagbibigay ng kahalagahan at kapangyarihan sa katotohanan. BN 133.2
Ang pagkahikayat ng sanlibutan ay gawaing ibinigay ng Diyos sa kanilang humahayo sa Kanyang ngalan. Sila ay mga manggagawa kasama ni Cristo, na ipinahahayag ang Kanyang matimyas at maawaing pagtingin sa kanilang nakahanda nang mamatay. Nananawagan ang Diyos para sa libu-libong manggagawa, hindi sa pamamagitan ng pangangaral sa kanilang nakakaalam na ng katotohanan, na dumadaan muli sa landas na nauna nang nagalugad, kundi sa pagbibigay babala sa kanilang hindi pa nakaririnig sa huling mensahe ng kahabagan. Gumawang may pusong puno ng masikap na pagnanasa para sa mga kaluluwa. Gumawa ng gawaing misyonero mediko. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka ng daan sa mga puso ng mga tao. Ang landas ay mahahanda sa higit pang malakas na pagpapahayag ng katotohanan. Makikita mong ang pagtugon sa pagdurusang pisikal ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong paglingkuran ang kanilang mga pangangailangang espirituwal. BN 133.3
Bibigyan ka ng Panginoon ng tagumpay sa ganitong gawain; sapagkat ang ebanghelyo ay kapangyarihan ng Diyos patungo sa kaligtasan kapag ito ay inihabi sa praktikal na pamumuhay, kapag ito ay isinakabuhayan at isinagawa. Ang pagsasama ng gawaing kagaya ng kay Cristo para sa katawan at para sa kaluluwa ay totoong interpretasyon ng ebanghelyo. BN 133.4