Kanyang pagagandahin ng kaligtasan ang mga nahihirapan. Awit 149:4 BN 162.1
Ang pinakamahalagang bunga ng pagpapakabanal ay ang biyaya ngkaamuhan. Kapag ang biyayang ito ay nananahan sa kalulu wa, hinuhugis nito ang kaisipan sang-ayon sa impluwensya nito. Nagkakaroon ng patuloy na pagbabantay sa Diyos at pagpapasakop sa Kanyang kalooban. Nauunawaan ang bawat banal na katotohanan at ang kalooban ay yumuyukod sa bawat banal na alituntunin na walang pagaalinlangan o pag-angal. Ang tunay na kaamuhan ay nagpapalambot at nagpapasupil sa puso at nagbibigay sa kaisipan ng paghahanda para sa Salita ng Diyos. Dinadala nito ang mga pag-iisip sa pagsunod kay JesuCristo. Binubuksan nito ang puso para sa Salita ng Diyos, na gaya ng kay Lydia. lnilalagay tayo nitong kasama si Maria bilang mga mag-aaral sa paanan ni Jesus. “Pinapatnubayan Niya ang mapagpakumbaba tungkol sa katuwiran, at itinuturo sa mapagpakumbaba ang Kanyang daan.” BN 162.2
Ang pananalita ng mga maamo ay hindi kailanman pagmamataas. Gaya ng batang si Samuel, nananalangin silang, “Magsalita Ka; sapagkat nakikinig ang Iyong lingkod.” Noong si Josue ay mailagay sa pinakamataas na posisyon ng karangalan bilang tagapanguna ng Israel, nangako siyang makikipaglaban sa lahat ng mga kaaway ng Diyos. Napuno ang kanyang puso ng mga marangal na kaisipan tungkol sa kanyang dakilang tungkulin. Ngunit pagdating ng mensahe mula sa Langit, inilagay niya ang kanyang sarili sa kalagayan ng isang maliit na batang handang maturuan. “Anong ipinag-uutos ng aking panginoon sa kanyang lingkod?” ay siyang tugon niya. .. . BN 162.3
Ang kaamuhan sa paaralan ni Cristo ay isa sa mga tiyak na bunga ng Espiritu. Ito ay biyayang mula sa Banal na Espiritu bilang isang tagapagpabanal, at ginagawang handa ang nag-aangkin nitong supilin ang walang ingat at pabigla-biglang init ng ulo. . .. BN 162.4
Ang kaamuhan ay panloob na pagganyak, na binibilang ng Diyos na may malakaing halaga. . . . Siyang nagpaganda sa mga kalangitan gamit ang mga bola ng liwanag ay nangako sa pamamagitan ng Siya ring Espiritu na “Kanyang pagagandahin ng kaligtasan ang mga nahihirapan.” Itatala ng mga anghel sa langit bilang may pinakamabuting palamuti iyong magsusuot sa Panginoong Jesu-Cristo at lalakad na kasama Niya sa kaamuhan at pagpapakumbaba ng isip. BN 162.5