Lumakad si Enoe na kasama ng Diyos. . .ng tatlong daang taon. Genesis 5:22 BN 164.1
May linya ng mga banal na lalaki na, itinaas at binigyang karangalan sa pamamagitan ng pakikipagniig sa Diyos, nabuhay sa pakikisama ng kalangitan. Sila ay mga lalaking may malawak na pag-iisip, at mga mabubuting nakamit. Sila ay nagtataglay ng dakila at banal na tungkulin—ang pagbutihin ang isang karakter ng katuwiran, ang magturo ng aral ng pagiging maka-Diyos hindi lamang sa mga tao sa kanilang kapanahunan, kundi para sa mga darating na henerasyon. . .. BN 164.2
Tungkol kay Enoe, nasusulat na siya ay nabuhay ng 65 taon, at pagkatapos ay nagkaroon ng anak. Pagkatapos nito siya ay lumakad kasama ang Diyos sa loob ng 300 taon. Sa panahon ng mga nauna niyang mga taon, Si Enoe ay may pag-ibig at pagkatakot sa Diyos at iningatan ang Kanyang mga utos. . . . Mula sa bibig ni Adan, natutunan niya ang tungkol sa madilim na kasaysayan ng pagkahulog sa pagkakasala at ang nakaaaliw na kuwento ng biyaya ng Diyos sang-ayon sa nakikita sa pangako, at siya ay nanalig sa darating na Manunubos. Ngunit matapos maipanganak ang kanyang unang anak, naabot ni Enoe ang higit na mataas na karanasan; siya ay nadala sa mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Higit niyang naunawaan ang kanyang mga obligasyon at responsibilidad bilang anak ng Diyos. At habang namamasdan niya ang pagmamahal ng anak para sa ama nito, ang payak nitong pagtitiwala sa kanyang pag-iingat; habang nadarama niya ang malalim at magiliw na pagmamahal ng kanyang sariling puso para sa panganay na anak na lalaki, natutunan niya ang mahalagang aral ng kamangha-manghang pag-ibig ng Diyos para sa mga tao sa kaloob ng Kanyang Anak at ang pagtitiwala na maaaring ihimlay ng mga anak ng Diyos sa kanilang Ama sa langit. Ang walang hanggan at hindi malirip na pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo ay naging paksa ng kanyang pagninilay-nilay araw at gabi, at taglay ang Iubos na pagkataimtim ng kanyang kaluluwa ay nagsikap siyang ipahayag ang pag-ibig na iyon sa kalagitnaan ng mga tao. BN 164.3
Ang paglalakad ni Enoc kasama ang Diyos ay hindi isang kawalan ng ulirat o isang pangitain, kundi sa lahat ng mga tungkulin ng kanyang pang- araw-araw na pamumuhay. . . . Sa pamilya at sa kanyang pakikitungo sa mga tao, bilang asawa at ama, kaibigan, mamamayan, siya ay naging tapat at hindi natitinag na lingkod ng Panginoon. BN 164.4