Sinabi sa kanya ni ]esus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko. ]uan 14:6 BN 169.1
Nang si Cristo ay yumuko sa dalampasigan ng Jordan, matapos ang Kanyang bautismo, ang kalangitan ay nabuksan at ang Espiritu ay bumaba sa anyo ng isang kalapati, gaya ng dinalisay na ginto, at pinalibutan Siya ng kaluwalhatian nito; at ang tinig ng Diyos mula sa pinakamataas na kalangitan ay narinig na nagsasabing, “Ito ang minamahal kong Anak, sa Kanya Ako lubos na nalulugod.” Ang panalangin ni Cristo para sa mga tao ay nagbukas ng mga pintuan ng kalangitan, at sumagot ang Ama, na tinatanggap ang pagsusumamo para sa nagkasalang lahi. Nanalangin si Jesus bilang ating kapalit at tagapanagot, at ngayon ang pamilya ng sangkatauhan ay maaaring makahanap ng daan patungo sa Ama sa pamamagitan ng mga kabutihan ng Kanyang minamahal na Anak. Ang sanlibutang ito, dahil sa paglabag, ay nahiwalay sa kontinente ng kalangitan. Ang pakikipagtalastasan ay natigil sa pagitan ng tao at ng Kanyang Manlilikha; ngunit ang daan ay nabuksan upang siya ay makabalik sa tahanan ng Ama. Si Jesus ay “ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.” Naiwang nakabukas ang pintuan ng kalangitan, at ang liwanag mula sa luklukan ng Diyos ay nagniningning sa puso nilang nagmamahal sa Kanya, kahit na sila ay nananahan sa sanlibutang nasa ilalim ng sumpa ng kasalanan. Ang liwanag na nakapalibot sa banal na Anak ng Diyos ay magniningning sa lahat ng sumusunod sa Kanyang mga yapak. Walang dahilan para panghinaan ng loob. Tiyak at matibay ang mga pangako ng Diyos. BN 169.2
“Kaya nga lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi, at kayo'y Aking tatanggapin, at Ako'y magiging Ama sa inyo, at kayo'y magiging Aking mga anak na lalaki at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.” Ninanais ninyo bang maging mga anak na lalaki at babae ng Kataastaasan? . . . Maaari kayong Iumapit sa Ama sa ngalan ng Kanyang Anak, at gaanuman kahina ang inyong mga hinaing, ipapahayag ni Jesus ang mga ito sa harapan ng luklukan ng walang hanggang kapangyarihan, at ang liwanag na sumilay sa Kanya ay magniningning sa inyo. Kayo ay “tinatanggap sa Minamahal.” BN 169.3