Pabanalin Mo sila sa katotohanan; ang salita Mo ay katotohanan. Juan 17:17 BN 170.1
Ang katotohanan ng Diyos ay dapat magpabanal sa kaluluwa. “Bibigyan Ko kayo ng bagong puso, at lalagyan Ko kayo ng bagong espiritu.” Ang nakapagpapabanal na kapangyarihan ng katotohanan ay dapat na manahan sa kaluluwa at magdala sa atin sa ating mga pinagkakaabalahan, at doon isangkap ang mga pagsubok nito sa bawat transaksyon ng buhay, lalo na sa ating pakikitungo sa ating kapwa tao. Ito ay dapat manatili sa ating mga tahanan, na nagtataglay ng kapangyarihang sumasakop sa buhay at karakter ng lahat nitong pinananatilihan. BN 170.2
Kailangang palagi kong iudyok sa mga nag-aangkin ng paniniwala sa katotohanan ang pangangailangang isagawa ang katotohanan. Ito ay nangangahulugan ng pagpapakabanal, at ang pagpapakabanal ay nangangahulugan ng paglilinang at pagsasanay sa bawat kakayanan para sa paglilingkod sa Panginoon. BN 170.3
Turuan ninyo ang inyong mga anak na mahalin ang katotohanan dahil ito ay katotohanan at dahil sila ay mapapabanal sa pamamagitan ng katotohanan at mahahandang tumayo sa malaking pagsusulit na magtatalaga kung sila ay magiging karapat-dapat na pumasok sa mas mataas na gawain, at maging mga kaanib ng maharlikang pamilya, mga anak ng makalangit na Hari. BN 170.4
Ang katotohanan, ang mahalagang katotohanan ng Salita ng Diyos, ay magkakaroon ng nakapagpapabanal na bisa sa puso at karakter. May gawaing kailangang maisagawa para sa atin at sa ating mga anak. Ang natural na puso ay puno pagkamuhi sa katotohanang na kay Jesus. Malibang gawing pangunahing gawain ng kanilang mga magulang ang paggabay sa kanilang mga anak sa landas ng katuwiran mula pa sa pinakamaagang mga taon nila, mas pipiliin nila ang maling landas kaysa tama. BN 170.5
Ang gawain ng pagpapakabanal ay nagsisimula sa tahanan. Silang mga Cristiano sa tahanan ay magiging mga Cristiano sa iglesia at sa sanlibutan. BN 170.6