Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang malaman ninyo kung ano ang pag-asa sa Kanyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng Kanyang pamana sa mga banai Efeso 1:18 BN 173.1
Ang tunay na kaalaman at totoong paglago ay nagmumula sa karunungan ng Diyos. Ang kaalamang ito ay nahahayag saanman tayo bumaling, sa pisikal, mental, o espirituwal na aspekto; sa anumang ating nakikita, maliban sa bahid ng kasalanan. BN 173.2
Anumang linya ng pag-aaral ang ating kuning may tapat na layuning makarating sa katotohanan, tayo ay nadadala sa Karunungan na hindi nakikita at makapangyarihang gumagawa sa lahat at sa pamamagitan ng lahat ng mga bagay. Ang pag-iisip ng tao ay nadadala sa pakikipagniig sa kaisipan ng Diyos, ang may hangganan sa Walang Hanggan. Ang bunga sa katawan at pag-iisip at kaluluwa ng ganitong pagsasama ay hindi masusukat. BN 173.3
Sa pagsasamang ito matatagpuan ang pinakamataas na edukasyon. Ito ay pamamaraan ng pagsasanay na pag-aari mismo ng Diyos. Ang Kanyang mensahe sa sangkatauhan ay “Sumang-ayon ka sa Diyos.” BN 173.4
Habang siya ay nag-aaral at nagninilay-nilay sa mga temang “pinanabikang makita ng mga anghel,” maaari siyang magkaroon ng pakikisama nila. . . . Maaari siyang manahan sa impluwensya ng kalangitan habang nasa mundong ito. Ang impluwensya ng kalangitang ito ay nagbibigay sa mga nalulumbay at natutukso sa sanlibutan ng mga kaisipan ng pag-asa at pagnanasa para sa kabanalan. Maaari siyang mapalapit sa pakikisama sa Kanya na hindi nakikita, gaya niyang noon ay lumakad nang napakalapit sa Diyos, na papalapit nang papalapit sa pintuan ng walang hanggan, hanggang sa ang pintuan nito ay mabuksan at siya ay makapasok. Siya ay hindi magiging taga-ibang lupa. Ang mga tinig na babati sa kanya ay mga tinig ng mga banal na, bagaman hindi nakikita, ay naging mga kasama niya sa lupa—mga tinig na dito ay nakilala niya at natutunang mahalin. Siyang sa pamamagitan ng salita ng Diyos ay nanahan sa pakikisama ng Kalangitan ay matatagpuan ang kanyang sariling palagay sa pagsasamahan sa langit. BN 173.5
Habang ginagabayan ng “Espiritu ng katotohanan,” siya ay madadala sa buong katotohanan. . . . Siya ay magiging napakahalaga sa paningin ng kalangitan. BN 173.6