Ngayong nilinis na ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan, kaya't kayo'y may tunay na pag-ibig sa isa't isa, mag-ibigan kayo sa isa't isa nang buong alab mula sa dalisay na puso. 1 Pedro 1:22 BN 172.1
Ang liryo sa lawa ay nagpapadala ng kanyang mga ugat sa pinakailalim ng basura at lusak ng tubig, at sa pamamagitan ng tangkay nito ay kinukuha ang mga makatutulong sa paglaki nito at makapagpapalabas ng bulaklak iyong walang bahid upang manatili sa kadalisayan sa kaibuturan ng lawa. BN 172.2
Tinatanggihan nito ang lahat ng makarurumi at makasisira sa walang dungis na kagandahan nito. . . . Hayaang ang mga kabataan ay matagpuang nakikisama sa kanilang natatakot at umiibig sa Diyos; sapagkat ang mga marangal at matitibay na mga karakter ay pinapangatawanan ng liryo na nagbubukas ng dalisay nitong bulaklak sa kalagitnaan ng lawa. Tumatanggi silang mahulma ng mga impluwensyang makasisira. Ang tanging tinitipon nila ay ang makatutulong sa pagpapalago ng isang dalisay at marangal na karakter. Nagsisikap silang makasunod sa banal na tularan. BN 172.3
Sa pananaw ng Diyos, ang isang dalisay na puso ay higit pang mahalaga kaysa ginto ng Opir. Ang dalisay na puso ay templo kung saan nananahan ang Diyos, santuwaryong pinapanahanan ni Cristo. Ang dalisay na puso ay higit pa sa lahat ng mura at mababa. Ito ay nagniningning na liwanag, kaban ng kayamanang pinagmumulan ng mga salitang nakapagpapataas at nakapagpapabanal. Ito ay lugar kung saan nakikilala ang wangis ng Diyos, at kung saan ang pinakamataas na kaligayahan ay ang tunghayan ang Kanyang larawan. Ito ay isang pusong hinahanap ang kabuuan at tanging kasiyahan sa Diyos, na ang mga pag-iisip, layunin, at hangarin ay nabubuhay sa pagkamaka- Diyos. Ang ganitong puso ay isang banal na dako; ito ay kabang yaman ng lahat ng kabutihan. . . . BN 172.4
Ang tunay na mga pag-iisip nilang may mga dalisay na puso ay naddala sa pagkabihag kay Cristo. Sila ay nalilibang sa pag-iisip kung paano sila makapagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos sa pinakamabuting paraan. BN 172.5
Kung magkagayon ay magiging likas para sa atin ang hanapin ang kadalisayan at kabanalan. . . . na gaya ng pagiging likas sa mga anghel sa kaluwalhatian na gampanan ang misyon ng pag-ibig na itinalaga sa kanila. BN 172.6