Buksan ninyo ang mga pintuan, upang makapasok ang matuwid na bansa na nag-iingat ng katotohanan. Isaias 26:2 BN 175.1
Ang katotohanan ng Diyos ay kailangang maitanim sa puso, at kailangan tayong maging determinadong makipaglaban sa laban ng Panginoon, kung tayo ay magiging mga mananagumpay sa huling pagtatagumpay ng katotohanan. Ang katotohanan ay maluwalhating magtatagumpay. . . . Kung nagsisikap kang maging pagpapala sa iba, pagpapalain ka ng Diyos. Kailangan nating dalhin ang lahat ng kabutihang ating makakaya sa ating mga buhay upang ating maluwalhati ang Diyos at maging pagpapala sa sangkatauhan. BN 175.2
Ang iglesia ay ahensya ng Diyos sa pagpapahayag ng katotohanan, na Kanyang pinapalakas para makagawa ng natatanging gawain; at kung siya ay magiging tapat sa Kanya, at masunurin sa Kanyang mga utos, mananahan sa kalagitnaan niya ang kahusayan ng banal na biyaya. Kung siya ay magiging totoo sa kanyang pagtatalaga, kung pararangalan niya ang Panginoong Diyos ng Israel, walang kapangyarihang makatatayo sa kanyang harapan. BN 175.3
Ang mga alagad ay kinilos ng pagkamasigasig para sa Diyos at sa Kanyang gawain na anupa't nakapagpatotoo sila para sa ebanghelyong may malakas na kapangyarihan. Hindi ba dapat na ang gayunding pagkamasigasig ay mag-apoy sa ating mga pusong may pagtatalagang isalaysay ang kasaysayan ng tumutubos na pag-ibig ni Cristo na napako sa krus? Pribilehiyo ng bawat Cristiano hindi lamang ang hintayin kundi maging ang pabilisin ang pagdating ng Tagapagligtas. BN 175.4
Kung isusuot ng iglesia ang kasuotan ng katuwiran ni Cristo, na umuurong mula sa katapatan sa sanlibutan, nasa kanyang harapan ang pagbubukang-liwayway ng isang maliwanag at maluwalhating araw. Mananatili hanggang sa walang hanggan ang pangako ng Diyos sa kanya. Gagawin Niya ang kanyang iglesiang magtaglay ng walang hanggang kagalingan, katuwaan sa maraming mga salinlahi. Ang katotohanan, samantalang nilalagpasan iyong humahamak at tumatanggi rito, ay magtatagumpay. Bagaman may mga pagkakataong tila ito ay nahuhuli, at ang pagsulong nito ay hindi pa kailanman napipigilan. Kapag ang mensahe ng Diyos ay sinasalungat, binibigyan Niya ito ng dagdag na lakas, para magkaroon ito ng higit na impluwensya. Taglay ang banal na lakas, malalagpasan nito ang pinakamalakas na mga salabid at mapapanagumpayan ang lahat ng hadlang. BN 175.5