Mga minamahal, yamang taglay natin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating mga sarili mula sa baioat karumihan ng laman at espiritu, na ginagawang sakdal ang kabanalan sa pagkatakot sa Diyos. 2 Corinto 7:1 BN 176.1
Ang pagbuo ng matuwid na karakter ay isang gawaing panghabambuhay, at ito ay nagmumula sa mapanalanging pagninilay-nilay na may kaugnayan sa isang dakilang layunin. Ang kabutihan ng karakter na iyong tinataglay ay kailangang magmula sa sarili mong pagsisikap. Maaaring mapalakas ng iyong mga kaibigan ang iyong loob, subalit hindi nila magagawa ang gawain para sa iyo. Ang paghiling, paghihimutok, at pangangarap ay hindi kailanman gagawin kang dakila o mabuti sa iyo. Kailangan mong umakyat. BN 176.2
Ang mga pakikipag-usap natin, ang mga binabasa nating aklat, ang mga pinagkakaabalahan natin, ay mga kinatawang lahat sa pagbubuo ng iyong mga karakter, at araw-araw ito ang nagpapasya ng ating walang hanggang kapalaran. BN 176.3
Ang kakayanan ng pag-iisip at katalinuhan ay hindi karakter, dahil ang mga ito ay madalas na taglay nilang may kataliwas sa mabuting karakter. Ang reputasyon ay hindi karakter. Ang tunay na karakter ay katangian ng kaluluwang nahahayag sa pagkilos. BN 176.4
Ang karakter na nahubog sang-ayon sa banal na Iikas ay siyang tanging kayamanang maaari nating taglayin sa mundong ito at hanggang sa susunod na mundo. Silang nasa ilalim ng pagsasanay ni Cristo sa mundong ito ay madadala ang bawat banal na pagtatagumpay sa mga makalangit na tirahan. At sa langit tayo ay patuloy na lalago. BN 176.5
Ang mabuting karakter ay puhunang higit pa ang halaga kaysa ginto o pilak. Ito ay hindi naaapektuhan ng mga pagkatakot at kabiguan, at sa araw na ang lahat ng mga kayamanang panlupa ay papawiin, ito ay magdadala ng mayamang kapakinabangan. Ang katapatan, katatagan, at pagtitiyaga ay mga katangiang dapat na pagsikapan ng lahat na pagbutihin; sapagkat dinadamitan nila ang nagtataglay sa kanila ng kapangyarihang hindi matatanggihan—isang kapangyarihang nagtuturo sa kanyang gumawa ng kabutihan, tumanggi sa kasamaan, at magtiis sa kahirapan. BN 176.6