Ang amin nawang mga anak na lalaki sa kanilang kabataan ay maging gaya ng mga halaman sa hustong gulang, at ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na tinabas para sa gusali ng isang palasyo. Awit 144:12 BN 177.1
Kung mauunawaan lamang ng kabataan ang mahalagang bagay na ito ng pagbubo ng karakter, makikita nila ang pangangailangan ng pagganap sa kanilang gawain sa paraang makalalagpas sa pagsubok ng paglilitis sa harapan ng Diyos. Ang pinakamababa at pinakamahina ay maaaring makaabot sa mga kataasang sa ngayon ay tila imposibleng maabot sa pamamagitan ng matiyagang pagsisikap sa pagtanggi sa tukso at paghahanap sa karunungan mula sa kaitaasan. BN 177.2
Ang mga kasakdalang ito ay hindi makakamit na walang pagtatalagang maging matapat sa pagganap sa mga maliliit na tungkulin. Ito ay nangangailangan ng patuloy na pagbabantay para ang mga maling paguugali ay hindi mapapabayaang tumigas. Ang mga kabataan ay maaaring magkaroon ng kapangyarihang moral dahil si Jesus ay dumating sa sanlibutan para Siya ay maging halimbawa natin, at magbigay ng banal na tulong sa mga kabataan at sa kanila mula sa bawat edad. BN 177.3
Ang sanlibutan ay pagawaan ng Diyos, at ang bawat batong maaaring magamit sa makalangit na templo ay kailangang tabtabin at pakinisin hanggang ito ay maging subok at mahalagang batong angkop sa lugar nito sa bahay ng Panginoon. Ngunit kung tayo ay tatangging masanay at madisiplina, tayo ay magiging gaya ng mga batong hindi matatabtab at mapapakinis, at isasantabi sa kahulihan dahil walang silbi. BN 177.4
Maaaring napakalaking gawain ang kailangang gawin. . . , na ikaw ay isang magaspang na batong kailangang maiskwala at pakinisin bago ito mahanapan ng lugar sa templo ng Diyos. Hindi mo kailangang magulat kapag tinatabtab ng Diyos ang matutulis na sulok ng inyong karakter gamit ang martilyo at paet hanggang ikaw ay mahanda para sa posisyong itinalaga Niya para sa iyo. Walang ibang tao ang makagaganap sa gawaing ito. Sa pamamagitan lamang ng Diyos ito magagawa. Makatitiyak kayong hindi Siya papalo ng kahit isang hampas na walang silbi. Ang bawat hampas Niya ay ginagawa sa pag- ibig para sa inyong walang hanggang kaligayahan. Alam Niya ang inyong mga kahinaan at gumagawa Siya para makapagpanumbalik, hindi para sumira. BN 177.5
Ang isang karakter na pinakinis na gaya ng isang palasyo. . .ay maaaring magningning nang walang hanggan sa mga bulwagan ng Panginoon. BN 177.6