Ngunit tatanggapin ng mga banal ng Kataas-taasan ang kaharian, at aangkinin ang kaharian magpakailan kailanpaman. Daniel 7:18 BN 182.1
Walang isinasama ang Diyos sa langit malibang sila ay ginawang banal sa sanlibutang ito sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo, sa kanilang makikita Niyang nahayag si Cristo. Kapag ang pag-ibig ni Cristo ay nanatili sa kaluluwa, malalaman nating tayo ay naitago kay Cristo sa Diyos.. . . BN 182.2
Tanging sila lamang na sa pamamagitan ng pananalangin at pagbabantay at pag-ibig ay gumagawa sa mga gawain ni Cristo ang Siyang kaluluguran ng Diyos na may pag-awit. Habang higit na namamasdan ng Panginoon ang karakter ng Kanyang minamahal na Anak na nahayag sa Kanyang bayan, nagiging higit din ang Kanyang kagalakan at kasiyahan sa kanila. Ang Diyos mismo kasama ng mga anghel sa langit ay nagagalak sa kanilang may pag-awit. Itinatanghal na walang salang ang nananampalatayang makasalanan, habang inilalagay kay Cristo ang kasalanan. Inilalagay sa tala ng may sala ang katuwiran ni Cristo, at isinusulat sa tapat ng Kanyang pangalan: Napatawad. Buhay na Walang Hanggan. .. . BN 182.3
“Kayo ang bukid ng Diyos.” Kung paanong nagagalak ang isa sa pagtatanim sa isang hardin, gayundin natutuwa ang Diyos sa Kanyang mga nananampalatayang mga anak na lalaki at babae. Nangangailangan ng patuloy na pangangalaga ang isang hardin. Kailangang tanggalin ang mga damo; maitanim ang mga bagong halaman; kailangang putulin ang mga sangang masyadong mabilis ang paglago. Gayundin gumagawa ang Diyos para sa Kanyang hardin, gayundin ang pangangalaga Niya sa kanyang mga halaman. Hindi Siya nalulugod sa anumang paglagong hindi nagpapahayag ng mga kabutihan ng karakter ni Cristo. Naging mahalagang mga alaga ng Diyos ang mga lalaki at babae dahil sa dugo ni Cristo. . . . Napakahina na halos wala nang buhay ang ilang mga halaman, ngunit ang Panginoon ay may tanging pag-iingat para sa mga ito. BN 182.4
Tanging iyong mga bumuo ng karakter na humihinga ng makalangit na impluwensya sa panahon ng pagsubok ang siyang makapapasok sa kalangitan. Ang banal sa langit ay kailangan munang maging banal sa lupa. BN 182.5