Gayon Niya ipinagkaloob sa atin ang Kanyang rnahahaiaga at mga dakilang pangako upang sa pamamagitan ng mga ito ay makatakas kayo sa kabulukang nasa saniibutan dahil sa masamang pagnanasa, at maging kabahagi kayo sa likas ng Diyos. 2 Pedro 1:4 BN 183.1
Ang bawat pangakong nasa aklat ng Diyos ay nagbibigay ng lakas ng loob na tayo ay maaaring maging mga kabahagi sa banal na likas. Ito ang maaaring mangyari—ang magtiwala sa Diyos, ang maniwala sa Kanyang Saiita, ang gawin ang Kanyang gawain, at ito ay maaari nating magampanan kapag ating pinanghahawakan ang kadiyosan ni Cristo. Ang posibilidad na ito ay higit pa ang halaga sa atin kaysa lahat ng kayamanan sa sanlibutan. Walang bagay sa sanlibutan na maihahambing dito. Kapag pinanghawakan natin ang kapangyarihang inilalagay sa ating maaabot, tinatanggap natin ang isang pag-asang ubod ang lakas na anupa't maaari tayong maglagak ng buong pagtitiwala sa pangako ng Diyos. Sa panghahawak sa mga maaaring mangyari kapag tayo ay na kay Cristo, tayo ay nagiging mga anak na lalaki at babae ng Diyos. . . . BN 183.2
Siyang lubos na nananampalataya kay Cristo ay magiging kabahagi ng banal na likas, at magtataglay ng kapangyarihang angkop sa bawat tukso. Hindi siya mahuhulog sa tukso o maiiwanan sa kabiguan. Sa panahon ng pagsubok, aangkinin niya ang mga pangako, at sa pamamagitan ng mga ito ay makatatakas sa mga kabulukang nasa sanlibutan sa pamamagitan ng masamang pagnanasa.... BN 183.3
Para gawin tayong mga kabahagi ng banal na likas, ibinigay ng kalangitan ang pinakamahal nitong kayamanan. Itinabi ng Anak ng Diyos ang Kanyang marangal na kasuotan at koronang hari at nagpunta sa ating sanlibutan bilang isang maliit na bata. Itinalaga Niya ang Kanyang sariling mamuhay ng isang perpektong buhay mula sa pagkasanggol hanggang sa pagtanda. Nanindigan Siya para sa isang nagkasalang sanlibutan bilang kinatawan ng Ama. At Siya ay mamamatay para sa isang lahing nawaglit. Gaano nga kahalaga ang gawaing ito! . . . Hindi ko halos malaman kung paano ihahayag ang mga bagay na ito. Sila ay kamangha-mangha, kamangha-mangha. . . . BN 183.4
Sa pamamagitan ng Kanyang buhay na puno ng pagsasakripisyo, kamatayan at kahihiyan, ginawa Niyang posible para sa atin ang panghawakan ang Kanyang kadiyosan, at tumakas sa kabulukang nasa sanlibutan sa pamamagitan ng masamang pagnanasa. . . . Kung kayo ay mga kabahagi ng banal na likas, sa bawat araw ay makatatanggap kayo ng paghahanda para doon sa buhay na halos kasing sukat ng buhay ng Diyos. Sa bawat araw, inyong pagdadalisayin ang inyong pagtitiwala kay Jesus at susunod sa Kanyang halimbawa at lalago tungo sa Kanyang wangis hanggang sa kayo ay tumayo sa Kanyang harapan na pinaging-ganap. BN 183.5