Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, malibang inyong kainin ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang Kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili. Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at siya'y muli Kong bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang Aking laman ay tunay na pagkain, at ang Aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking dugo ay nananatili sa Akin, at Ako'y sa kanya. ]uan 6:53-56 BN 184.1
Ang kumain ng laman at uminom ng dugo ni Cristo ay ang tumanggap sa Kanya bilang personal na Tagapagligtas, na nananampalatayang pinapatawad Niya ang ating mga kasalanan at tayo ay sakdal sa Kanya. Sa pamamagitan ng pagtingin sa Kanyang pag-ibig, sa pamamagitan ng pananatili dito, sa pamamagitan ng pag-inom dito, tayo ay nagiging mga kabahagi ng Kanyang likas. Gaya ng pagkain sa katawan, gayundin si Cristo sa kaluluwa. Walang pakinabang ang pagkain malibang ito ay kainin, malibang ito ay maging bahagi ng ating pagkatao. Gayundin si Cristo ay walang halaga sa atin kung hindi natin Siya nakikilala bilang personal na Tagapagligtas. Ang pagkilalang tanging sa isipan lamang ay hindi makabubuti sa atin. Kailangan nating kainin Siya, tanggapin Siya sa puso, para ang Kanyang buhay ay maging ating buhay. Kailangang mapasok sa atin ang Kanyang pag-ibig, ang Kanyang biyaya. BN 184.2
Hindi sapat na manampalataya tayo kay Cristo para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Kailangan nating sa pamamagitan ng pananampalataya ay patuloy na tumanggap ng espirituwal na kalakasan at sustansya sa pamamagitan ng Kanyang salita. . . . “Ang mga salitang sinabi Ko sa inyo ay eapiritu at buhay.” Tinanggap ni Jesus ang batas ng Kanyang Ama, isinagawa ang mga panuntunan nito sa Kanyang buhay, ipinahayag ang espiritu nito, at ipinakita ang nagpapabuting kapangyarihan nito sa puso. . . . Ang mga tagasunod ni Cristo ay kailangang maging mga kabahagi ng Kanyang karanasan. Kailangan nilang tanggapin at isaloob ang Salita ng Diyos para ito ay maging siyang nagbibigay kapangyarihan sa buhay at sa pagkilos. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo, kailangan nilang mabago sa Kanyang wangis, at magpahayag ng mga banal na katangian. BN 184.3
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng buhay na nabuhos sa krus ng Kalbaryo para sa atin, maaari tayong mamuhay na may kabanalan. At ang buhay na ito ay tinatanggap natin sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang salita, sa pamamagitan ng pagganap sa mga bagay na Kanyang iniutos. Sa ganitong paraan tayo ay nakikiisa sa Kanya. BN 184.4