Narito, napakabuti at napakaligaya kapag ang magkakapatid ay sama-samang namumuhay na nagkakaisa! Awit 133:1 BN 185.1
Ang pagkakaisang Cristiano ay isang makapangyarihang ahensya. Ipinapakita nito sa makapangyarihang kaparaanan na iyong nagtataglay nito ay mga anak ng Diyos. Ito ay may impluwensya sa sanlibutan na hindi matatanggihan, na ipinapakita na ang tao sa kanyang pagkatao ay maaaring maging kabahagi sa banal na likas, sa kanyang pagtakas sa kabulukang nasa sanlibutan sa pamamagitan ng masamang pagnanasa. Dapat tayong maging kaisa ng ating kapwa tao at kay Cristo, at kay Cristo ay kaisa sa Diyos. Kung magkagayon ay maaaring sabihin sa atinang mga salitang, “Kayo'y napuspos sa Kanya.” BN 185.2
Sa panukala ng pagliligtas, may lugar na itinalaga para sa bawat kaluluwa. Ibinigay sa bawat tao ang kanyang gawain. Walang sinumang maaaring maging kabahagi ng katawan ni Cristo na mananatiling hindi kumikilos. . . . Ang gawain ng bayan ng Diyos ay maaaring maging iba-iba, ngunit iisang Espiritu ang nagpapakilos sa lahat. Ang lahat ng gawain para sa Panginoon ay kailangang maiugnay sa kabuuan. Ang mga manggagawa ay kailangang gumawang magkakasama at naaayon sa isa't isa, na ang bawat isa ay pinangungunahan ng banal na kapangyarihan, na naglalabas ng nagkakaisang pagsisikap na dalhin ang lahat ng nasa kanilang paligid papalapit kay Cristo. Dapat kumilos ang bawat isang parang isang makinang nalangisang mabuti, na ang bawat bahagi ay umaasa sa iba pa ngunit tumatayo pa ring may sarili at naiibang pagkilos. At ang bawat isa ay dapat tumayo sa lugar na itinalaga sa kanya at gampanan ang gawaing iniatang sa kanya. Nananawagan ang Diyos sa mga kaanib ng Kanyang iglesia na tumanggap sa Banal na Espiritu, na magsama sa pagkakaisa at pagmamahal na Cristiano, na bigkising magkakasama sa pag-ibig ang kanilang mga layunin. BN 185.3
Walang higit na nakapagpapahina sa Iglesia gaya ng pagkakawatak- watak at pag-aaway-away. Walang mas hihigit pang nakikidigma kay Cristo at sa katotohanan kaysa ganitong espiritu. . .. BN 185.4
Siyang pinananahanan ni Cristo sa puso ay nakikilala si Cristo na nananahan sa puso ng kanyang kapatid. Hindi kailanman nakikidigma si Cristo Iaban kay Cristo. Hindi kailanman nagsikap si Cristo na magkaroon ng impluwensya laban kay Cristo. Kailangang gampanan ng mga Cristiano ang kanilang gawain, anuman ito, sa pagkakaisa ng Espiritu, para sa pagiging sakdal ng buong katawan. BN 185.5