Ngunit silang naghihintay sa Panginoon ay makapagpapanibagong lakas, sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga agila, sila'y tatakbo at hindi mapapagod, sila'y lalakad at hindi manghihina. Isaias 40:31 BN 186.1
Kamangha-mangha ang mga posibilidad na nasa harapan ng mga kabataan na panghawakan ang mga pangako ng Salita ng Diyos. Halos hindi maunawaan ng pag-iisip ng tao ang mga espiritwal na kakayanang maaari rin nilang maabot habang sila ay nakikibahagi sa banal na likas. Araw-araw na itinutuwid ang mga kamalian at nagkakaroon ng tagumpay, sila ay lumalago para maging mga matatalino, malalakas na mga lalaki at babae ni Cristo. BN 186.2
Alam niyang naging kabahagi ng banal na likas na nasa itaas ang kanyang pagkamamamayan. Nakukuha niya ang inspirasyon mula sa Espiritu ni Cristo. Ang kanyang kaluluwa ay naitatago kay Cristo sa Diyos. Hindi na magagamit ni Satanas ang ganitong lalaki bilang kanyang instrumento para maipasok ang kanyang sarili sa pinakaloob ng santuwaryo ng Diyos, para dumihan ang templo ng Diyos. Nagkakamit siya ng mga tagumpay sa bawat hakbang. Siya ay napupuno ng mararangal na mga kaisipan. Binibilang niya ang bawat taong mahalaga, dahil namatay si Cristo para sa bawat kaluluwa. BN 186.3
“Ngunit silang naghihintay sa Panginoon ay makapagpapanibagong lakas, sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga agila.” Ang taong nagbabantay para sa Panginoon ay malakas sa kanyang kalakasan, na may sapat na lakas na manindigan sa ilalim ng napakalaking kahirapan. Ngunit napakadali niyang maganyak na tumayo sa panig ng kahabagan at pagmamahal, na siyang panig ni Cristo. Ang kaluluwang nagpapasakop sa Diyos ay nakahandang gampanan ang kalooban ng Diyos. Masikap at mapagpakumbaba niyang sinisikap na malaman ang kaloobang iyon. Tumatanggap siya ng pagdidisiplina, at natatakot na lumakad sang-ayon sa sarili niyang paghahatol. Nakikipagniig siya sa Diyos, at ang kanyang buhay ay nasa langit. BN 186.4
Nakaugnay sa Kanyang Walang Hanggan, ang tao ay nagiging kabahagi ng banal na likas. Walang bisa sa kanya ang mga sibat ng kasamaan sapagkat siya ay nadadamitan ng katuwiran ni Cristo. BN 186.5