Igalang mo ong iyong arna at ang iyong ina, upang ang iyong niga araw ay tumagal sa ibabaiu ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Exodo 20:12 BN 187.1
Ang pinakamabuting paraan ng pagtuturo sa mga bata upang igalang ang kanilang ama at ina ay ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makita ang kanilang ama na nagbibigay ng mabuting pagturing sa kanilang ina, at ang ina naman ay may paggalang at respeto sa ama. Sa pagtanaw sa pagmamahalang namamagitan sa kanilang mga magulang, nadadala ang mga bata sa pagsunod sa ikalimang utos.. .. BN 187.2
Hindi nawawala ang ating mga obligasyon sa ating mga magulang. Ang ating pag-ibig para sa kanila, at hindi nasusukat ang kanilang pagmamahal para sa atin ng taon o distansya, at hindi maaaring isantabi ang ating pananagutan kailanman. Kapag natipon ang lahat ng mga bansa sa harap ng luklukan ng paghuhukom ni Cristo, magkakaroon lamang ng dalawang panig—iyong mga nag-ugnay ng kanilang mga interes kay Cristo at sa nagdurusang sangkatauhan; at iyong mga nagwalang bahala sa mga obligasyong ibinigay sa kanila ng Diyos, nagdulot ng kasamaan sa kanilang kapwa, at nagbigay ng kahihiyan sa Diyos. Hahatulan ang kanilang walang hanggang tadhana sang-ayon sa kanilang ginawa at hindi ginawa para kay Cristo sa katauhan ng Kanyang mga banal. BN 187.3
May karapatan ang mga magulang sa isang antas sa pagmamahal at paggalang na hindi angkop kaninoman. . . . Hinihingi ng ikalimang utos na ang mga anak ay hindi lamang magbigay ng paggalang, pagpapasakop, at pagsunod sa kanilang mga magulang, kundi pati nang pagmamahal at pagkamagiliw, ang pagpapagaan sa kanilang mga pasanin, ang bantayan ang kanilang reputasyon, at ang alagaan at aliwin sila sa kanilang katandaan. BN 187.4
Nararapat na maging kasiyahan ng mga anak na igalang at irespeto ang kanilang mg magulang habang sila ay nabubuhay. Dapat nilang dalhin ang lahat ng kasiyahan at liwanag sa buhay na kanilang makakaya sa kanilang matatandang mga magulang. Kailangang nilang pagaanin ang landas ng mga ito tungo sa libingan. Wala nang hihigit pang karangalan sa sanlibutang ito kaysa pagkilalang nagbigay galang ang isang anak sa kanyang mga magulang, wala nang higit na mabuting tala sa mga aklat sa langit kaysa doon sa pagsasaad na minahal niya at nirespeto ang kanyang ama at ina. BN 187.5