At tingnan ninyo, ipapadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, subalit manatili kayo sa lunsod, hanggang sa mabihisan kayo ng kapangyarihang galing sa itaas. Lucas 24:49 BN 59.1
Ang bawat kaluluwang tunay na nahikayat ay magnanasang makapagdala ng iba mula sa kadiliman ng pagkakamali patungo sa napakagandang liwanag ng katuwiran ni Jesu-Cristo. Ang dakilang pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos, na nagliliwanag sa buong sanlibutan ng Kanyang kaluwalhatian, ay hindi darating hanggang hindi tayo magkarooh ng bayang naliwanagan, na nakaranas na maging kamanggagawa ng Diyos. Kung tayo'y may buong-pusong pagtatalaga sa paglilingkod ru Cristo, pararangalan ito ng Diyos sa pamamagitan ng pagbubuhos ng Kanyang Espiritung walang sukat; ngunit hindi ito mangyayari habang ang karamihan sa iglesia ay hindi kamanggagawa kasama ang Diyos. Hindi maibubuhos ng Diyos ang Kanyang Espiritu habang ang pagkamakasarili at pagpapasasa ay laganap; habang ang espiritung nangingibabaw ay iyong nagpapahayag sa tugon ni Cain— “Ako ba'y tagapagbantay ng aking kapatid?”... BN 59.2
Kapag ang mga puso ng mga mananampalataya ay mainit para sa pag-ibig ng Diyos, sila'y gagawa ng tuloy-tuloy na gawain para kay Jesus. Sila'y magpapakita ng kaamuan ni Cristo at maghahayag ng tapat na pagnanasang hindi mabibigo o mahihinaan ng loob. Gagamitin ng Diyos ang mga taong mapagpakumbabang gumawa sa Kanyang ubasan dahil malawak ang ubasan na nangangailangan para sa mga manggagawa. BN 59.3
Ang pangako ng Banal na Espiritu ay hindi nasasaklaw ng anumang edad o lahi. Sinabi ni Cristo na ang banal na impluwensya ng Kanyang Espiritu ay sasama sa Kanyang mga tagasunod hanggang sa wakas. Mula sa araw ng Penteeostes hanggang sa kasalukuyan, ang Mangaaliw ay isinugo sa lahat ng magsusuko ng kanilang mga sarili nang buong-buo sa Panginoon at sa Kanyang gawain.... Habang ang mga mananampalataya ay mas malapit na lumalakad na kasama sa Diyos, higit na malinaw at makapangyarihan din silang nakapagpatotoo sa pag-ibig ng kanilang Manunubos at sa nakapagliligtas Niyang biyaya. Ang mga lalaki at babae, na sa loob ng maraming mga siglo ng paguusig at pagsubok ay tumanggap ng malaking sukat ng presensya ng Espiritu sa kanilang mga buhay, ay naging mga tanda at kamanghaan sa sanlibutan. BN 59.4