Sa aking unang pagsasanggalang ay walang sinumang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat. Huwag nawang singilin sa kanila ito. Ngunit ang Panginoon ay tumindig sa tabi ko at ako'y pinalakas niya upang sa pamamagitan ko ay ganap na maipahayag ang mensahe upang mapakinggan ito ng lahat ng mga HentiL.Kaya’t ako’y iniligtas sa bibig ng leon. 2 Timoteo 4:16,17 BN 65.1
Si Pablo sa(harapan ni Nero—napakalaking pagkakaiba!... Sa kapangyarihan at kadakilaan, walang kapantay si Nero.... Walang salapi, walang kaibigan, walang tagapayo, si Pablo ay dinala mula sa mga bilangguan upang litisin para sa kanyang buhay.... BN 65.2
Ang mukha ng emperador ay nagtataglay ng nakahihiyang tala ng mga damdaming umaalimpuyo sa kanyang kalooban; ang mukha ng bihag ay nagsasaysay ng kasaysayan ng isang pusong may kapayapaan sa Diyos at sa katauhan. Ang bunga ng magkasalungat na sistemang edykasyon ay nahayag noong araw na iyon—isang buhay ng walahg-hayigganang kalayawan at isang buhay ng buong-pusong pagsasakripisyo ng sarili. Narito ang kinatawan ng dalawang teyorya ng buhay—ang kasakimang nangingibabaw sa lahat na walang bagay na pinahahalagahan kung magagamit para sa panandaliang kaligayahan, at pagtitiyaga na tumatanggi sa sarili na nakahandang isuko maging ang buhay kung kinakailangan para sa kapwa. BN 65.3
Ang mga taong-bayan at ang mga hukom ay pumunta na sa maraming mga paglilitis noon, at marami na rin silang napagmasdang mga kriminal; ngunit hindi pa sila nakakakita ng gayong banal na kapayapaan sa mukha ng isang tao.,.. Ang kanyang mga salita ay umalingawngaw sa pinakamatigas na mga puso. Ginapi ng malinaw at kapanipaniwalang katotohanan ang kamalian. Ang liwanag ay sumilay sa mga kaisipan ng marami na pagkatapos niyon ay malugod na sumunod sa mga sinag nito.... Itinuro niya ang kanyang mga tagapakinig sa sakripisyong ginawa para sa nagkasalang katauhan.... BN 65.4
Ganito nagsumamo ang tagapamagitan para sa katotohanan; isang puno ng pananampalataya sa kalagitnaan ng mga walang pananampalataya, isang tapat sa gitna ng mga taksil, tumayo siya bilang kinatawan ng Diyos, at ang kanyang tinig ay isang tinig mula sa kalangitan. Walang takot, walang kalumbayan, walang panghihina ng loob sa kanyang salita at hitsura.... Ang kanyang mga salita ay sigaw ng tagumpay sa ibabaw ng kaguluhan ng labanan. BN 65.5
Hayaang ang bayaning ito ng pananampalataya ay magsalita para sa kanyang sarili. Sinasabi niya, “Kaya, alang-alang kay Cristo, ako'y nasisiyahan sa mga kahinaan, paglait, kahirapan, pag-uusig, at mga sakuna.” BN 65.6