Kun'g mahgyayari na ang aming Diyos na pinaglilingkuran namin ay makapagliligtas sa amin sa hurno ng nagniningas na apoy; ay hayaang iligtas niya kami sa iyong kamay, O hari. Ngunit kung sakali mang hindi, dapat mong malaman, O hari, na hindi kami maglilingkod sa iyong mga diyos, ni sasamba man sa rebultong ginto na iyong ipinatayo. DanieL 3:17,18 BN 68.1
May matinding pagsubok na dumating.. .sa mga kabataang ito noong nagpalabas si Nebukadnezar ng isang pahayag. Tinawagan niya ang lahat ng mga may katungkulan sa kaharian upang magtipon sa pagtatalaga ng malaking imahen, at sa pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika, sila ay magpapatirapa at sasamba sa rebulto. Sinumang mabigo sa paggawa nito ay agad na ihahagis sa gitna ng nag-aapoy na humo. Ang pagsamba sa imaheng ito ay pakana ng mga pantas sa Babilonia upang ang mga kabataang Hebreo ay makasama sa kanilang pagsamba sa diyus-diyosan. Sila'y magagaling umawit, at nais ng mga Caldeo na makalimutan nila ang kanilang Diyos at tanggapin ang pagsamba sa mga diyus-diyosan ng Babilonia. BN 68.2
Dumating ang itinalagang araw, at sa pagtimog ng musika, ang napakalaking grupong nagtipon sa utos ng hari ay “nagpatirapa at nagsisamba sa rebultong ginto.” Ngunit ang mga tapat na kabataang ito ay hindi yumukod.... BN 68.3
Pagkatapos ay ipinag-utos ng haring painitin ang humo ng pitong beses sa pangkaraniwan; at nang ito ay magawa, ang tatlong Hebreo ay itinapon dito. Sa pagngangalit ng mga apoy, iyong mga naghagis sa mga Hebreo ay nasunog hanggang mamatay. BN 68.4
Ngunit biglang namutla ang mukha ng hari dahil sa malaking takot... . Nanginginig ang kanyang tinig sa pagkagulat, sinabi ng hari, “Tingnan ninyo, ang nakikita ko'y apat na lalaki na hindi nakagapos na naglalakad sa gitna ngapoyat sila'y walang paso at ang anyo ng ikaapat ay gaya ng isang anak ng mga diyos.” BN 68.5
Sa bawat panahon ang mga bayani ng pananampalataya ay natatakan ng kanilang katapatan sa Diyos, at sila ay iniharap sa sanlibutang hindi maitatago upang ang kanilang liwanag ay sumilay sa kanilang mga-nasa kadiliman. Si Daniel at ang tatlo niyang mga kasama ay magandang halimbawa ng pagkabayaning Cristiano Mula sa kanilang karanasan sa bulwagan ng Babilonia maaari tayong matuto kung ano ang gagawin ng Diyos para sa kanilang naglilingkod na may buong-pusong pagtatalaga. BN 68.6