Habang binabato nil'a si Esteban ay nananalangin siya, “Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.” Siya'y lumuhod at sumigaw ng malakas, Panginoon, huwag mo silang papanagutin sa kasalanang ito.” At pagkasabi niya nito ay namatay siya. Gawa 7:59, 60 BN 67.1
Namatay si Esteban, isang lalaking minahal ng Diyos at isang nagsisikap na makahikayat ng mga kaluluwa para kay Cristo, dahil nagbigay siya ng matagumpay na patotoo para sa Tagapagligtas na ipinako sa krus at nabuhay muli.... Ang pagkamuhi na ipinakita ng mga kalaban ng katotohanan para sa Anak ng Diyos ay nahayag din sa galit nila sa Kanyang mga tagasunod. Hindi nila matanggap na marinig ang tungkol sa Kanya na kanilang ipinapako sa krus. At ngayon ay narito nga si Esteban na taglay ang matapang na patotoo. Napimo sila ng galit.... BN 67.2
Sa liwanag na kanilang namasdan sa mukha ni Esteban, ang mga taong nasa kapangyarihan ay nabigyan ng patunay mula sa Diyos. Ngunit kinamuhian nila ang ebidensya. O sana'y nakinig sila! Sana ay nagsisi sila! Ngunit ayaw nila. BN 67.3
Noong tawagin si Esteban upang magdusa para kay Cristo, hindi siya nagdalawang isip. Nabasa niya ang kanyang wakas sa malupit na mga pagmumukha ng kanyang mga tagausig at walang pagaalinlangan niyang ibinigay ang huling mensaheng ibibigay niya sa mga tao. Tumingin siya sa langit at nagsabing, “Tingnan ninyo, nakikita kong bukas ang mga langit at ang Anak ng Tao na nakatindig sa kanan ng Diyos.” Ang buong kalangitan ay nagmalasakit sa kanyang kaso. Si Jesus, na tumayo mula sa luklukan ng Kanyang Ama, ay tumitingin sa mukha ng Kanyang lingkod, at nagbibigay sa kanyang mukha ng mga sinag mula sa Kanyang sariling kaluwalhatian, at ang mga tao ay namangha habang nakita nilang nagliwanag ang mukha ni Esteban na parang mukha ng isang anghel. Ang luwalhati ng Diyos ay nagliwanag sa kanya, at habang minamasdan niya ang mukha ng Panginoon niya, pinagbabato siya ng mga kaaway ni Cristo hanggang sa siya ay mamatay. Iisipin ba nating iyon ay isang mahirap na kamatayan? Ngimit ang takot sa kamatayan ay wala na, at ang kanyang huling hininga ay nagugol sa pagsusumamo sa Panginoon na patawarin ang ‘kanyang mga mang-uusig. BN 67.4
Pinadali ito ni Jesus sa abot ng Kanyang makakaya para sa Kanyang mga anak, at nais Niyang tayo ay sumunod sa Kanyang mga hakbang; dahil kung tayo ay susunod, tayo ay magiging kabahagi ni Cristo at ng Kanyang kaluwalhatian. BN 67.5