Sa balumbon ng aklapay nakasulat ang tungkol sa akin; kinaluluguran kong sundin ang iyong kalooban, O Diyos ko; ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso. Awit 40:7, 8 BN 74.1
Ang buhay m Cristo ay kakaiba sa karamihan ng mga bata. Ang kalakasan ng Kanyang moralidad at katatagan ay nagdala sa Kanyang maging tapat sa Kanyang tungkulin at sumunod sa mga prinsipyo ng katuwiran. Mula rito ay walang layunin, gaanuman kalakas, ang riakagagalaw sa Kanya. Walang dami ng salapi o kasiyahan, katanyagan o pamumuna, ang makabibili o makabibilog sa Kanya upang sumang-ayon sa isang maling aksyon. Siya ay nagging malakas sa pagtanggi sa panunukso, matalino sa pagtuklas sa kasamaan, at matibay sa Kanyang mga paninindigan. BN 74.2
Ang masama at walang prinsipyo ay inilalarawan ang mga kasiyahan ng makasalanang kalayawan, ngunit ang kalakasan ng Kanyang mga prinsipyo ay naging matibay sa pagtanggi sa mga haka ni Satanas. Ang Kanyang kaalaman ay nalinang nang mabuti kaya nakilala Niya ang tinig ng manunukso. Hindi Siya lalayo sa tungkulin para lamang makuha ang pagtangkilik ninuman. Hindi Niya ipagbibili ang Kanyang mga prinsipyo para sa papuri ng mga tao o para makaiwas sa pagpuna o sa inggit at pagkamuhi nilang mga kaaway ng katuwiran at tunay na kabutihan. BN 74.3
Natuwa Siya sa paggawa sa Kanyang mga obligasyon sa Kanyang mga magulang at sa lipunang hindi isinusuko ang Kanyang mga prinsipyo o nahahawahan ng maruming impluwensyang nakapalibot sa Kanya sa Nazaret. BN 74.4
Hindi kailanman humiwalay si Cristo mula sa Kanyang katapatan sa mga prinsipyo ng kautusan ng Diyos. Wala Siyang ginawang taliwas sa kalooban ng Kanyang Ama. BN 74.5
Hindi tayo pinapabayaan ni Jesus, matapos magbigay ng pangkalahatang payo, na manghula kung saan ang landas ng katuwiran sa gitna ng mga paliko at mga mapanganib na daan. Pinangungunahan Niya tayo sa tuwid na daan, at habang sumusunod tayo sa Kanya ay indi madudulas ang ating mga yapak. BN 74.6
Ang bawat kaluluwa ay dapat na mabuhay sa oras-oras na pakikipagtalastasan kay Cristo; sapagkat sinasabi Niya, “Kung kayo'y hiwalay Ysa akin ay wala kayong magagawa.” Ang Kanyang mga prinsipyo ay dapat nating maging mga prinsipyo sapagkat ang mga prinsipyong ito ay katotohanang walang-hanggang ipinahayag sa katuwiran, kabutihan, kahabagan, at pag-ibig. BN 74.7
Ang Kanyang mga prinsipyo ang siyang tanging mga hindi nagbabagong nakikilala ng ating mundo. BN 74.8