Nang magkagayo'y sinikap ng mga pangulo at ng mga tagapamahala na miakakita ng batayanupang makapagsumbong laban kay Daniel tungkol sa kaharian. Ngunit hindi sila makakita ng anumang batayan upang makapagsumbong o anumang pagkukulang sapagkat tapat siya, at walang kamalian ni pagkukulang na natagpuan sa kanya. Daniel 6:4 BN 75.1
Si Daniel ay napasailalim sa pinakamatinding mga panunuksong maaaring sumubok sa mga kabataan ngayon, ngunit siya ay naging tapat sa turong relihiyosong tinanggap niya sa kanyang pagkabata. Siya ay napalilibutan ng mga impluwensyang sinadya upang pabagsakin silang nagdadalawang-isip sa pagitan ng prinsipyo at inklinasyon, ngunit ipinaldkilala pa rin siya ng Salita ng Diyos bilang walang sala. Hindi nagtiwala si Daniel sa kanyang sariling kapangyarihang moral. Ang pananalangin para sa kanya ay isang pangangailangan. Ginawa niya ang Diyos na kanyang kalakasan, at ang takot sa Diyos ay patuloy niyang kasama sa lahat ng transaksyon ng kanyang buhay.... Sinikap niyang mabuhay na may kapayapaan sa lahat, habang siya ay hindi nababaling gaya ng mga matatayog na sedro sa anumang may kinalaman sa prinsipyo. Sa anumang bagay na hindi naman taliwas sa kanyang katapatan sa Diyos, siya ay naging magalang at masimurin sa kanilang may kapangyarihan sa kanya.... BN 75.2
Sa karanasan ni Daniel at ng kanyang mga kaibigan, mayroon tayong halimbawa ng pagtatagumpay ng prinsipyo sa panunuksong pangibabawin ang hilig. Ipinapakita nitong, sa pamamagitan ng mga prinsipyong relihiyoso, ang mga kabataan ay maaaring magtagumpay sa mga pagnanasa ng laman, at manatiling tapat sa mga ninanais ng Diyos.... Paano kung si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay gumawa rig kasunduan sa mga opisyal na hindi kumikilala sa Diyos ng Israelat sumuko sa paniniil sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga nakasanayan ng mga taga-Babilonia? Ang minsang pagkakataon ng paghiwalay sa prinsipyo ay magpapahina sa kanilang pandama sa katuwiran at pagkamuhi sa kamalian. Ang pagsuko nila sa kagustuhan ay mangangahulugan ng pagsasakripisyo ng kanilang kalakasang pisikal, linaw ng pag-iisip, at kapangyarihang espirituwal. Ang isang maling hakbang marahil ay hahantong sa iba pa, hanggang ang kanilang kaugnayan sa kalarigitan ay maputol at sila ay tangayin ng agos ng tukso. BN 75.3