Akayin mo ako sa landas ng mga utos mo, sapagkat aking kinaluluguran ito. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa mga pakinabang. Awit 119:35,36 BN 79.1
Ang kabataan ay kapanahunan para magtipon ng kaalaman sa mga bagay na maaaring magamit sa araw-araw sa buong kahabaan ng buhay. Ang kabataan ay panahon ng pagpapatibay ng mabubutirig gawi, ng pagwawasto sa mga mali, ng pag-angkin at paghawak sa kapangyarihan ng pagpipigil sa sarili, ng pagsasanay sa pagsasaayos ng mga gawain ng buhay na may kinalaman sa kalooban ng Diyos at kabutihan ng iyong mga kasamahan. Ang kabataan ay panahon ng paghaKasik ng punlang siyang titiyak sa pag-aani sa buhay na ito at sa kabila ng libingan. Ang mga nakasanayan sa pagkabata at sa kabataan, ang mga panlasang nakuha, ang pagpipigil sa sariling nalinang) ay may katiyakang magtatakda sa kinabukasan ng mga lalaki at babae. BN 79.2
Ang isang makasariling pag-iisip, isang pinabayaang katungkulan, ay naghahanda para sa iba pa. Iyong ginagawa natin nang minsan ay mas madaling gawin ulit. Ang mga nakasanayang gawain ng pagkamahinahon, pagpipigil sa sarili, katipiran, pagsasakabuhayan ng mga tamang prinsipyo, maayos na pananalita, pagtitiyaga at tunay na paggalang, ay hindi natatamo nang walang masikap na pagbabantay sa sarili. Higit na madali ang panghinaan ng loob at magpakasira kaysa pagtagumpayan ang mga kahinaan, pamahalaan ang sarili, at pahalagahan ang mga tunay na kabutihan. Ang matiyagang pagsisikap ay kakailanganin kung ang mga biyayang Cristiano ay magaganap sa ating mga buhay. BN 79.3
Hayaang ang nakasanayang gawi ng pagpipigil sa sarili ay matatag. Ang mga kabataan ay dapat maturuan na kailangan nilang maging panginoon at hindi alipin. Ginawa silang mga pinuno ng Diyos sa Kanyang kahariang nasa loob nila, at kailangan nilang gamitin ang pagkaharing ibinigay sa kanila ng Kalangitan. Kung ang ganitong mga aral ay matapat na naibigay, ang mga bunga nito'y aabot ng higit pang kalayuan kaysa sa pagkatao ng mga kabataan. Ang mga impluwensya ay lalabas na magliligtas sa libu-libong mga lalaki at babaing nasa bingit ng kapahamakan. BN 79.4