Sa pamamagitan nito ay makikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pag-ibig sa isa't isa. ]uan 13:35 BN 80.1
Kung tayo ay magiging mga tunay na liwanag sa sanlibutan, kailangan nating ipakita ang mapagmahal at mahabaging espiritu ni Cristo. Ang umibig katulad ng pag-ibig ni Cristo ay nangangahulugang kailangan nating magpigil sa sarili. Nangangahulugan itong dapat tayong magpakita ng kawalan ng pagkamakasanli sa lahat ng panahon at sa lahat ng mga lugar. Nangangahylugan itong dapat tayong magpakalat sa ating kapaligiran ng mabuting mga pananalita at kawili-wiling kaanyuan. Walang binabayaran ang namimigay ng mga ito, ngunit nakapag-iiwan sila ng napakahalagang samyo. Hindi masusukat ang kanilang impluwensya para sa kabutihan. Sila ay pagpapala, hindi lamang sa tumatanggap, kundi gayundin sa nagbibigay; sapagkat bumabalik ang bisa nito sa kanya. Ang tunay na pag-ibig ay isang mahalagang katangiang mula sa kalangitang nadadagdagan ng kabanguhan sang-ayon sa pagbibigay nito sa iba.... BN 80.2
Nagnanais ang Diyos na alalahanin ng Kanyang mga anak na, upang makapagbigay ng luwalhati sa Kanya, nararapat silang magbigay ng pagmamahal sa mga pinakanangangailangan nito. Wala dapat doon sa mga nakakasalamuha natin ang makaligtaan. Hindi tayo dapat magpakita ng pagkamakasarili sa pagtingin, salita, o gawa sa ating mga kasamahan anuman ang kanilang kalagayan, maging sila man ay mataas o mababa, mayaman o mahirap. Ang pag-ibig na nagbibigay ng mabubuting salita sa iilan lamang, habang ang iba ay itinuturing na may kalamigan at kawalang-pansin, ay hindi pag-ibig, kundi pagkamakasarili. Hindi ito makagagawa ng anumang kabutihan sa mga kaluluwa o sa kaluwalhatian ng Diyos. Hindi natin dapat nililimitahan ang ating pag-ibig sa iisa o dalawa. BN 80.3
Silang nagtitipon ng sikat ng araw ng katuwiran ni Cristo, at hindi ito pinapahintulutang sumilay sa buhay ng iba, ay mawawalan ng matamis at maliwanag na sinag ng biyayang mula sa langit na inilaan sa iilan laman.... Ang sarili ay hindi dapat pinahihintulutang mamili ng iilang walang ibinibigay doon sa mga pinakanangangailangan ng tulong. Ang ating pagibig ay hindi inilalaan sa mga natatangi lamang. Basagin mo ang sisidlan at ang buong kabahayan ay mapupuno ng kabanguhan. BN 80.4