Maglagay ka ng bantay sa aking bibig, O Panginoon. Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi! Awit 141:3 BN 81.1
Sa paggamitng wika, wala na sigurong kamaliang ang mga matatanda at bata ay nakahandang bigyang kadahilanan sa kanilang sarili kaysa sa mga minadali at hindi maingat na pananalita. Sajpalagay nila sapat nang sabihing, “Hindi ko nabantayan iyong sinabi ko, at hindi ko naman talaga sinasadya.” Ngunit hindi ito tinuturing nang gayon kagaan ng Salita ng Diyos.... BN 81.2
Ang pinakamalaking bahagi ng mga pagkayamot, pasakit, at pagkagalit sa buhay ay sanhi ng hindi napigil na damdamin. Sa isang saglit, ang minadali, madamdaming, at walang-ingat na mga pananalita ay maaaring makagawa ng kasamaang hindi maisasaayos ng buong buhay na pagsisisi. Napakarami ng mga pusong nasaktan, mga pagkakaibigang nasira, at mga buhay na nawasak dahil sa mga minadaling pananalita nilang sana'y nakapagbigay ng tulong at pagpapagaling!... Sa kanyang sariling kalakasan, hindi makakayang pamahalaan ng tao ang kanyang sariling espiritu. Ngunit sa pamamagitan ni Oisto ay magagawang magkaroon ng pagpipigil sa sarili. BN 81.3
Ang pagiging matibay at hindi madamdaming pagpipigil ay kailangan sa pagdidisiplina sa bawat pamilya. Sabihin mo nang malumanay ang talagang ibig mong pakahulugan; kumilos kang may konsiderasyon, at gawin mo kung ano ang sinabi mo nang walang palihis Huwag mong pahintulutang makita ang pangungunot ng iyong noo o makalabas ang isang magaspang na salita sa iyong mga labi. Isinusulat ng Diyos ang lahat ng mga salitang ito sa Kanyang mga talaan. BN 81.4
Ang labis na trabaho minsan ay nagiging dahilan para mawalan ng pagpipigil sa sarili. Ngunit hindi inaatas ng Panginoon ang nagmamadali at magulong pagkilos. Marami ang nagtitipon sa kanilang mga sarili ng mga pasaning hindi binigay sa kanila ng Ama sa langit. Ang mga tungkuling hindi niya niloob na kanilang gawin ay kadalasang naguimahan sa isa't isa para makuha ang ating pansin. Nais ng Diyos ipaalam sa ating hindi natin naluluwalhati ang Kanyang pangalan kapag tumatanggap tayo nang masyadong maraming pasanin kaya tayo ay nasubsob sa gawain at nagsisimulang manghina sa puso at isipan, maging mayayamutin at magagalitin. Dapat na ang pasanin lang natin Vay ang mga responsibilidad na ibinibigay sa atin ng Panginoon, na may pagtitiwala sa Kanya, at nang sa gayon ay mapapanatiling dalisay, kalugod-lugod, at may malasakit ang ating mga puso. BN 81.5