Kaya’t ihahda ninyo sa gawain ang inyong mga pag-iisip; na supilin ninyo ang inyong sarili at ilagak ang inyong pag-asa sa biyayang darating sa inyo kapag inihayag na si Jesu-Cristo. 1 Pedro 1:13 BN 83.1
Ang bawat isa sa atin ay may gawaing nakatalagang higpitan ang sinturera ng ating mga pag-iisip, na magkaroon ng malinaw na pag-iisip, at magbantay sa pananalangin. Ang pag-iisip ay kailangang pigilin upang manahan sa mga paksang magpapatibay sa mga kapangyarihang moral.... Ang kaisipan ay kailangang maging dalisay, ang mga haka ng puso ay kailangang maging malinis, upang ang mga salita ay maging katanggap-tanggap sa Kalangitan at makatulong sa iyong kapwa. BN 83.2
Kinakailangang mabantayang mabuti ang pag-iisip. Wala dapat mapahintulutang makasasama o makasisira sa kalusugan nito. Ngunit para mapigil ito, dapat na mabuting binhi ang pinagkaaabalahan na, sa pagtubo nito, ay magkakaroon ng mga sangang namumunga Ang isang bukiring pinapabayaan ay mabilis na tinutubuan ng mga damo at magkakapulupot na baging na umuubos sa lakas ng lupa ngunit wala namang halaga sa nagmamay-ari. Ang lupa ay puno ng mga binhing tinatangay ng hangin sa bawat panig, at kung pababayaang hindi nabubungkal, ang mga ito ay kusang tumutubo at sumasakal sa bawat mahalagang halaman na namumungang nakikipagpunyagi para mabuhay. Kung ang bukirin ay maararo at nahasikan ng butil, ang mga damong itong walang halaga ay mamamatay at hindi dadami. BN 83.3
Ang mga kabataang nakahahanap ng kasiyahan sa pagbabasa ng Salita ng Diyos at sa oras ng pananalangin ay palaging napasisigla ng inumin mula sa Bukal ng Buhay. Makakamit niya ang isang kataasan ng moralidad at lawig ng pag-iisip na hindi kayang arukin ng iba. Ang pakikipagniig sa Diyos ay nag-uudyok ng mga mabubuting kaisipan, marangal na pagnanasa, malinaw na pagkaunawa sa katotohanan, at mataas na mgajayunin sa pagkilos. Iyong mga nag-uugnay sa kanilang mga kaluluwasa Diyos sa ganitong paraan ay kinikilala Niya bilang Kanyang mga anak na lalaki at babae. Palagi silang umaabot pataas nang pataas, nagkakamit ng malinaw na pananaw sa Diyos at sa walan hanggan, hanggang gawin sila ng Diyos na mga daluyan ng liwanag at kaalaman patungo sa sanlibutan. BN 83.4