Hindi magaspang ang kilos. Hindi nito ipinipilit ang sariling kagustuhan, hindi mayayamutin, hindi nagtatala ng mga pagkakamali. 1 Corinto 13:5 BN 84.1
Marami ang maaaring makamit ng disiplina sa sarili sa tahanan. ... Gawin ng bawat isang ang buhay ay pinakamaayos para sa kanyang kapwa. Linangin ang paggalang sa pananalita. Ingatan ang pagkakaisa at pag-ibig. Hindi magkakaroon ng kapangyarihan si Satanas sa kanilang pinamamahalaan ang kanilang mga sarili sa tahanan. BN 84.2
Kailangan nating magkaroon ng Espiritu ng Diyos. Kung hindi ay hindi tayo magkakaroon ng mabuting pagsasamahan sa tahanan.... Hindi kailanman magiging labis ang pagpapahalaga sa pagmamahalan sa tahanan; sapagkat kapag ang Espiritu ng Panginoon ay nananahan doon, ito ay paghahambing sa kalangitan. . . . Anumang maaaring makasira sa kapayapaan at pagkakaisa ng sambahayan ay dapat pigilan. Ang kabutihan at pag-ibig, ang espiritu ng kalambingan at pagtitiis, ay pahahalagahan. Kung ang isa ay magkamali, ang iba ay magpapakita ng pagtitiyagang Cristiano. BN 84.3
Siyang nagpapakita ng espiritu ng pagiging malambing, pagtiliyaga, at pag-ibig ay matatagpuan na ang gayunding espiritu ang masasalamin sa kanya.... Kung si Cristo ay tunay na nabuo sa kalooban, ang pag-asa ng kaluwalhatian, magkakaroon ng pagkakaisa at pag-ibig sa tahanan. Si Cristo na nananahan sa puso ng asawang babae ay magiging kasang-ayon ni Cristo na nananahan sa puso ng asawang lalaki. Magkasama silang magmamalasakit para sa mga tahanang inihanda ni Cristo para sa mga nagmamahal sa kanya.. BN 84.4
. . Ang magiliw na pagtingin ay kailangang palaging pahalagahan sa pagitan ng asawang lalaki at babae, mga magulang at mga anak, kapatid na lalaki at babae Tungkulin ng bawat isa sa sambahayan ang maging mabuti at mangusap nang maayos. BN 84.5
Ang isang tahanang may pag-ibig, kung saan ang pag-ibig ay ipinahahayag sa salita at pagtingin at gawa, ay lugar kung saan ang mga anghel ay natutuwang magpakita ng kanilang presensya at pakakabanalin ang eksena sa pamamagitan ng mga sinag ng liwanag mula sa kaluwalhatian Ang pag-ibig ay dapat makita sa tingin at pagkilos at marinig sa tono ng pagsasalita. BN 84.6
_______________
Ang pagpipigil sa sarili sa lahat ng mga miyembro ng pamilya ay ‘ gagawin ang tahanang isang paraiso. BN 84.7