Ang naaangkop na salitang binitawan, ay gaya ng mga mansanas na ginto sa pilak na lalagyan. Kawikaan 25:11 BN 99.1
Kapag Siya ay nasa isang piging, pinapangunahan ni Cristo ang usapan, at nagbibigay ng maraming mahahalagang mga aral. lyong mga naroroon ay nakinig sa Kanya; hindi ba't pinagaling Niya ang kanilang mga karamdaman, inaliw ang kanilang mga kalumbayan, at kinalong ang kanilang mga anak? Ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ay napalapit sa kanya; at nang Siya ay nagsalita, ang kanilang pansin ay napako sa Kanya. BN 99.2
Tinuruan ni Cristo ang Kanyang mga alagad kung paano makitungo sa piling ng iba. Tinuruan Niya sila sa mga gawain at tungkulin ng tunay na pakikipagkapwa, na katulad din ng mga batas sa kaharian ng Diyos. Tinuruan Niya ang mga alagad sa pamamagitan ng halimbawang kapag dumadalo sa anumang pagtitipon, hindi sila dapat mauubusan ng sasabihin. Ang Kanyang pakikipag-usap kapag nasa isang piging ay kakaiba sa dating napapakinggan sa mga piging. Ang bawat salitang Kanyang binigkas ay patikim ng buhay na walang hanggan. Nangusap Siyang may kalinawan at kapayakan. Ang Kanyang mga salita ay gaya ng mga mansanas na ginto sa mga larawang pilak. BN 99.3
Anong buti ng pakikipagniig kay Cristo! Ang ganitong pakikisama ay pribilehiyo natin. . . . Noong ang mga naunang mga alagad ay nakarinig sa mga salita ni Gristo, naramdaman nila ang kanilang pangangailangan sa Kanya. Kanilang hinanap, natagpuan, at sinundan Siya. Sila ay nakasama Niya sa loob ng bahay, sa hapag, sa lihim na lugar, sa kabukiran. Sila ay kasama Niya bilang mga mag-aaral na kasama ang kanilang guro. Araw-araw silang tumatanggap ng mga aral ng banal na katotohanan mula sa Kanyang mga labi. Nakita nila ang kanilang sarili bilang mga lingkod ng kanilang Panginoon. . . . Kusang-loob at may kagalakan silang naglingkod sa Kanya. BN 99.4
Napakalaking kahalagahan ang iniuugnay sa ating mga samahan. Maaari tayong bumuo ng maraming samahang napakabuti at nakatutulong, ngunit walang kasing halaga ng samahan kung saan ang mga tao ay nauugnay sa walang hanggang Diyos. Kapag tayo ay nagkakaisa sa ganitong kaparaanan, ang mga salita ni Cristo ay nananahan sa atin. . . . Ang bunga nito ay pusong dinalisay, buhay na may kaayusan, at isang karakter na walang kasiraan. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagkakilala at pakikisama kay Cristo tayo ay magiging katulad Niya, ang iisang halimbawang walang kamalian. BN 99.5