Huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man, huwag makipag-away, ?naging maamo, at magpakita ng hinahon sa lahat ng mga tao. Tito 3:2 BN 100.1
Ang diwa ng tunay na paggalang ay konsiderasyon para sa iba. Ang kinakailangan at nananatiling edukasyon ay iyong nagpapalawak ng damdamin at gumigising sa pangkalahatang kabutihan. Iyong tinatawag na kulturang hindi ginagawang mapagpahinuhod ang kabataan sa kanilang mga magulang, nagbibigay kahalagahan sa kanilang mga kagalingan, matiisin sa kanilang mga kakulangan, at matulungin sa kanilang mga pangangailangan, na hindi siya ginagawang maalalahanin at magiliw, mapagbigay at matulungin sa mga kabataan, matatanda, at sa mga kapos-palad, at matulungin sa lahat ay isang kabiguan. BN 100.2
Ang tunay na kalinangan sa pag-iisip at gawi ay higit na mabuting matututunan sa paaralan ng banal na Tagapagturo kaysa pagsunod sa mga itinalagang alituntunin. Ang Kanyang pag-ibig na sumasakop sa puso ay siyang nagbibigay ng paglilinang sa karakter na humuhubog dito sa Kanyang sariling wangis. Ang ganitong edukasyon ay nagbibigay ng karangalan at kagandahang-asal mula sa langit. Nagbibigay ito ng matamis na disposisyon at isang kaamuhan sa gawi na hindi mapapantayan ng mababaw na kaayusan ng pustoryosong samahan. BN 100.3
Hinihingi ng Biblia ang paggalang, at naghahayag ito ng maraming paglalarawan ng hindi makasariling espiritu, ng maamong biyaya, ng nakabibighaning damdaming makikita sa tunay na paggalang. Ito ay ga anino lamang ng karakter ni Cristo. Ang lahat ng tunay na pagkamagiliw at paggalang sa mundo, maging doon sa mga hindi kumikilala sa Kanyang pangalan, ay nagmumula sa Kanya. At nagnanais Siyang ang mga likas na ito ay ganap na mailarawan ng Kanyang mga anak. Layunin Niyang makita ng mga tao ang Kanyang kagandahang nasa atin. BN 100.4
Anong mga sinag ng pagkamagiliw at kagandahan ang nakita sa pang-araw-araw na kabuhayan ng ating Tagapagligtas! . . . Iyong mga pinananahanan ni Cristo ay mapapalibutan ng banal na impluwensya. Ang kanilang mga puting kasuotan ng kadalisayan ay magiging mabango sa samyong nagmumula sa hardin ng Panginoon. BN 100.5