Nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos ang kalangitan, at ang mga gawa ng kanyang kamay ay inihayag ng kalawakan. Awit 19:1. PnL
Kaya sa pamamagitan ng paglalang ay dapat nating makilala ang Manlalalang. Ang aklat ng kalikasan ay dakilang aklat ng liksyon, na ayon sa kaugnayan nito sa Kasulatan ay dapat nating gamitin sa pagtuturo sa iba ng Kanyang karakter, at sa pagpapatnubay na maibalik ang mga nawaglit na mga tupa sa kawan ng Diyos. Sa pagaaral ng mga ginawa ng Diyos, nagpapakislap ng kumbiskyon ang Banal na Espiritu sa isipan. Ito’y hindi kumbiksyon na resulta ng lohikal na pangangatwiran. Ngunit malibang naging masyadong madilim ang isipan para makilala ang Diyos, ang mata ay napakalabo para makita Siya, ang tainga ay napakabingi para marinig ang Kanyang tinig, isang mas malalim na kahulugan ang mauunawaan, at ang magagandang espirituwal na katotohanan ng nakasulat na salita ay maikikintal sa puso. . . . PnL
Ang layunin ni Cristo sa pagtuturo ng talinghaga ay direktang kaayon ng layunin ng Sabbath. Ibinigay sa atin ng Diyos ang memoryal ng Kanyang kapangyarihang lumikha, upang Siya’y ating makilala sa mga gawa ng Kanyang kamay. Inaanyayahan tayo ng Sabbath na tingnan ang Kanyang mga nilikha na kaluwalhatian ng Manlalalang. At ito’y dahil gusto Niyang gawin natin ito na isinama ni Jesus ang Kanyang mahahalagang liksyon sa kagandahan ng mga natural na bagay. Sa banal na araw ng kapahingahan, na higit sa ibang mga araw, dapat nating pag-aralan ang mga mensaheng isinulat ng Diyos para sa atin sa kalikasan. Dapat nating pag-aralan ang mga talinghaga ng Tagapagligtas sa lugar kung saan Niya ito sinambit, sa mga kabukiran at kakahuyan, sa ilalim ng bukas na himpapawid, sa mga damuhan at mga bulaklak. Sa paglapit natin sa puso ng kalikasan, ginagawang tunay ni Cristo ang Kanyang presensya sa atin, at nagsasalita sa ating mga puso ng Kanyang kapayapaan at pag-ibig. PnL
At iniugnay ni Cristo ang Kanyang mga turo, hindi lang sa araw ng kapahingahan, kundi sa sanlinggo ng paggawa. May karunungan Siya para sa mga nag-aararo at nagtatanim ng binhi. Sa pag-aararo at paghahasik, sa pagbubungkal at pag-aani, tinuturuan Niya tayong makita ang ilustrasyon ng Kanyang gawain ng biyaya sa puso. Kaya sa bawat larangan ng kapakipakinabang na paggawa at bawat samahan ng buhay, ninanais Niya tayong makatuklas ng liksyon ng makalangit na katotohanan. Samakatuwid ang ating pangaraw-araw na pagpapagal ay hindi na makauubos ng ating atensyon at makapaghahatid sa atin sa pagkalimot sa Diyos; ito’y patuloy na magpapaalala sa atin sa ating Manlilikha at Manunubos. Ang kaisipan ng Diyos ay tatakbong gaya ng gintong sinulid sa lahat ng pambahay [karaniwan at pantahanan] na alalahanin at gawain. Para sa atin ang kaluwalhatian ng Kanyang mukha ay muling maninirahan sa mukha ng kalikasan. Patuloy tayong matututo ng mga bagong liksyon ng mga makalangit na katotohanan, at lalago sa larawan ng Kanyang kadalisayan. Kaya tayo’y “tuturuan sa Panginoon”; at sa lugar kung saan tayo tinawagan, tayo’y “mananatili kasama ng Diyos.” (Isaias 54:13; 1 Corinto 7:24.)— Christ’s Object Lessons, pp. 24-27. PnL