Ang Sabbath ay ginawa para sa tao, at hindi ang tao para sa Sabbath. Kaya't ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Sabbath. Marcos 2:27, 28. PnL
Ang Tagapagligtas ay hindi dumating para isantabi ang sinabi ng mga patriyarka at propeta, sapagkat Siya mismo ang nagsalita sa pamamagitan ng mga kinatawang tao na ito. Ang lahat ng katotohanan ng salita ng Diyos ay nanggaling sa Kanya. Ngunit ang walang kasing-halagang mga hiyas ay nailagak sa isang huwad na katayuan. Ang mahalaga nilang liwanag ay inilagay para maglingkod sa kamalian. Nais ng Diyos na alisin ang mga ito mula sa mali nilang kinalalagyan at ibalik sa balangkas ng katotohanan. Diyos lang ang makagagawa ng ganitong gawain. Sa kaugnayan nito sa kamalian, ang katotohanan ay naglilingkod sa layunin ng kaaway ng Diyos at ng tao. Dumating si Jesus upang ilagay ito kung saan ito makapagluluwalhati sa Diyos, at gumawa ng kaligtasan ng sangkatauhan. . . . PnL
“Kaya’t ang anak ng tao ay Panginoon rin ng Sabbath.” Ang mga salitang ito’y puno ng mga tagubilin at kaaliwan. Dahil ang Sabbath ay ginawa para sa sangkatauhan, ito’y araw ng Panginoon. Pag-aari ito ni Cristo. Sapagkat “ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan Niya at kung wala Siya ay hindi nagawa ang anumang bagay na ginawa.” (Juan 1:3.) Yamang ginawa Niya ang lahat ng bagay, ginawa Niya ang Sabbath. Sa pamamagitan Niya ito’y inihiwalay bilang isang alaala sa gawain ng paglalang. Itinuturo nito Siya bilang Manlalalang at Nagpapabanal. Ipinahayag nitong Siyang naglalang ng lahat ng bagay sa langit at sa lupa, ang sa pamamagitan Niya ang lahat ng bagay ay nagkakaisa, ay ang ulo ng iglesya, at sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan tayo’y ipinagkasundo sa Diyos. Dahil, sa pakikipag-usap sa Israel, sinabi Niyang, “Ibinigay Ko rin naman sa kanila ang Aking mga Sabbath, bilang isang tanda sa pagitan Ko at nila, upang kanilang malaman na Ako ang Panginoon na nagpabanal sa kanila”—gawin silang banal. (Ezekiel 20:12.) Kaya ang Sabbath ay isang tanda ng kapangyarihan ni Cristo na gawin tayong banal. At ito’y ibinigay sa lahat na pinabanal ni Cristo. Bilang isang tanda ng Kanyang kapangyarihang nagpapabanal, ibinigay ang Sabbath sa lahat na naging bahagi ng Israel ng Diyos sa pamaamgitan ni Cristo. PnL
At sinasabi ng Panginoon, “Kapag inyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw; at iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan at marangal ang banal na araw ng Panginoon, at ito’y iyong pinarangalan . . . kung gayo’y malulugod ka sa Panginoon.” (Isaias 58:13, 14.) Sa lahat ng tumanggap sa Sabbath bilang isang tanda ng kapangyarihang lumikha at tumubos ni Cristo. Ito’y magiging isang kasiyahan. Sa pagkakita kay Cristo dito, nasisiyahan ang kanilang mga sarili sa Kanya. Itinuturo sila ng Sabbath sa mga gawain ng paglalang bilang isang katibayan ng Kanyang malakas na kapangyarihan sa pagtubos. Bagaman ipinapaalala nito ang nawalang kapayapaan ng Eden, nagsasabi ito tungkol kapayapaang ibinalik muli sa pamamagitan ng Tagapagligtas.— The Desire Of Ages, pp. 287-289. PnL