Nagkaroon ng gabi at nagkaroon ng umaga nang unang araw. Genesis 1:5. PnL
Tulad ng Sabbath, ang sanlinggo ay nagsimula sa paglalang, at ito’y iningatan at ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kasaysayan ng Biblia. Ang Diyos mismo ang sumukat ng unang sanlinggo bilang isang halimbawa para sa mga susunod na mga linggo hanggang sa katapusan ng panahon. Tulad ng iba pa, ito’y bumubuo ng pitong literal na mga araw. Anim na araw ang ginamit sa gawain ng paglalang; ngunit sa ikapito, ang Diyos ay nagpahinga, at Kanyang binasbasan ang araw na ito at itinalaga bilang isang araw ng kapahingahan para sa atin. PnL
Sa kautusang ibinigay sa Sinai, kinilala ng Diyos ang sanlinggo, at ang mga katotohanan kung saan ito nakabase. Matapos ibigay ang utos, “Alalahanin mo ang Sabbath upang ingatan itong banal,” at pagtutukoy kung ano ang dapat gawin sa anim na araw, at kung ano ang dapat na gawin sa ikapito. Sinasabi Niya ang dahilan kung bakit ganito ang gagawin sa sanlinggo, sa pagtuturo pabalik sa Kanyang halimbawa, “Sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya’t binasbasan ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at ginawa iyong banal.” (Exodo 20:8-11.) Ang dahilan na ito’y lumalabas na maganda at nakaaagaw kapag ating naunawaan na literal ang mga araw ng paglalang. Ang unang anim na araw ng bawat sanlinggo ay ibinigay sa atin para gumawa, sapagkat ginamit ng Diyos ang kaparehong panahon ang unang sanlinggo gawain ng paglalang. Sa ikapitong araw ay dapat tayong umiwas sa pagtatrabaho, bilang pag-alala sa pamamahinga ng Manlilikha. PnL
Ngunit ang haka-haka na ang mga pangyayari sa unang sanlinggo ay nangangailangan ng libu-libong taon, ay direktang tumitira sa pundasyon ng ikaapat na utos. Kumakatawan ito sa Manlalalang bilang nag-uutos sa atin na kilalanin ang literal na mga araw ng sanlinggo bilang pag-alala sa malawak at walang sukat na mga panahon. Hindi ito gaya ng Kanyang paraan ng pakikitungo sa Kanyang mga nilikha. Ginagawa nitong hindi maliwanag at malabo ang mga bagay na ginawa na Niyang malinaw. Ito’y kawalan ng katapatan sa kanyang pinakamapaminsala at kaya pinakamapanganib na anyo; ang tunay nitong karakter ay nakakubli na ito’y itinuturing at itinuturo ng maraming nagkukunwaring naniniwala sa Biblia. PnL
Hindi kinikilala ng Biblia ang mahabang panahon kung saan ang lupa ay dahandahang lumitaw mula sa kaguluhan. Sa bawat magkakasunod na araw ng paglalang, ipinapahayag ng banal na talaan na binubuo ito ng gabi at umaga, gaya ng ibang mga araw na sumunod. Sa pagtatapos ng bawat araw ay ibinigay ang resulta ng gawain ng Manlalalang.— Patriarchs And Prophets, pp. 111, 112. PnL